Most probably familiar sa Crypto ang owner nyan kaya willing mag accept ng crypto as mode of payment.
~ Siguro yung owner e familiar sa crypto,
Pamilyar nga malamang dahil yung myembro ng grupo ay investors ng stocks na nag-transition to crypto from 2018 kung hindi ako nagkakamali. Meron pa din naman mga crypto newbies na pumasok lang dahil nabalitaan malakas ang crypto kahit pandemic.
~ Baka holder lang din yung owner niyan pero siguro kung may bibili nyan, yung mga real estate giant companies bibili nyan tapos cash basis. Pero sana crypto owner din ang makabili nyan tapos maging crypto transaction o kung hindi man full crypto, may half portion o quarter part.
Mix of traders, holders, at newbies yung group eh at ang common sentiment dun (ayon sa aking nababasa) ay magsisibentahan din bago matapos bullrun.
Hindi ko alam kung na-post din nila yan sa iba pero tingin ko galing din dun sa grupo mga bibili. Parang marami din kasi bigatin eh.
~ Pero pag low-cap altcoin ang ginamit sa transaction na pinublicize? Di ko sinasabing fake, pero parang sketchy agad.
Yup, medyo magdududa ka nga sa unang tingin. Mukhang capable din naman mga tao doon. Nagtataka nga lang din ako sa choice nila as payment pero nasa kanila yun.