Sa akin lang po ha, mas okay ngayun ang current way of taxing our earnings in the form of realized income (e.g., crypto/NFT to fiat). Dahil 3rd world country tayo at saka one of the highest pa tayo sa tax percentage dito sa Southeast Asia, I do not think it is necessary anymore na mag impose ng specific crypto taxes for now.
Just like Diokno mentioned that we are in a much better place than we were before dahil sa kanyang experience, I really trust him as the incoming chief of DOF. Pero syempre anything could happen and we just have to be prepared for it mga kabayan.
Mas mainam na handa din tayo kung sa anomang posibilidad na mangyari, sa ngayon maganda yung pinakitang pagpanig ni incoming DOF chief Diokno, sya ang mas nakakaintindi ng economiya at kung ano sa palagay nya yung nararapat dun din tayo mag babase ng ating mga opinyon, hindi man sya nauupo pero sana mas palawigin nya pa yung mga posibilidad lalo na patungkol sa crypto, so far medyo maganda yung impact nitong balitang ito para sa ating mga kababayan na nasa crypto business na.
Much better na prepared tayo sa possible na crypto taxation kaso sobrang doubtful ako na magkakaroon o ma-implement ito sa ating bansa. Kulang pa yung knowledge nung mga nakaupo sa gobyerno when it comes to crypto kayo medjo malabo pa rin ang crypto taxation sa panahong ito o sa termino ng bagong pangulo.
Pero, I guess depende pa rin lalo na kapag masyadong madaming sa kababayan natin ang yayaman dahil doon lalo't magfofocus ang BIR. So yes, much better na maghanda na lang tayo kung sakaling magkaroon ng taxation ang crypto.