Sa tingin niyo ba kabayan kung pumayag ang gobyerno na bilhin ang Petron, di na tayo gaano apektado sa oil crisis?
I doubt na hindi tayo magiging apektado ng sa oil crisis in case na bilhin ng gobyerno ang Petron. Kung iisipin natin mas lalo tayong maapektuhan kung sakaling bilhin ito ng ating gobyerno dahil tayo rin ang taong bayan or tax payer ang magbabayad nito. Ang kung mangyari man ito, siguradong mas tataas ang taxation sa langis at tataas ang presyo ng crudo sa merkado.
Dapat na bang simulan ng gobyerno ang pagbawi sa dati nitong ari arian na ngayon pribadong kumpanya na ang nag mamay-ari gaya ng Maynilad, Manila Water, Meralco at iba pa upang sa gayon ay maibsan ang pasanin ng mga kababayan natin sa mga susunod mang crisis na darating sa bansa?
Sa tingin ko, sa kasalukuyang galaw ng market at pagtaas ng bilihin, mas mabuting i-akma ng gobyerno ang tama pagbawi upang hindi magbigla ang ating mamamayan sa mas lalong pagtaas ng bilihin kung sakaling bawiin nila ang mga ito. Mas mabuting pagtuunan pansin ng gobyerno ang hindi akma na wage of income ng ating mga kababayan ng tayo'y mas makasabay sa pagtaas ng bilihin.