Bitcoin Forum
November 19, 2024, 06:10:14 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: [Discussion] Post Bursting sa Forum  (Read 264 times)
dimonstration (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2744
Merit: 702

Dimon69

View Profile
October 14, 2022, 03:47:33 AM
Merited by Beparanf (1), karmamiu (1)
 #1

Recently nabuhay nanaman ang issue na ito sa forum(https://bitcointalk.org/index.php?topic=5416811.0) na kung saan nagkaroon ng discussion kung ano nga ba ang burst posting. Medyo naguluhan din ako nung una sa tunay na definition nito dahil iba2 ng pagkakaintindi natin dito base sa sarili nating paniniwala.

May mga nagsasabi na ang time interval ng bawat post ay hindi mahalaga basta maayos ang content pero may mga campaign manager na inaassume na ang burst poster ay yung mga nagpopost ng madami sa isang araw or post na maiksi ang pagitan.

Sa campaign na kinabibilangan ko ngayon ay hindi kinoconsider ang time interval ng bawat post basta naka average lang post sa buong week per day.

Ang tanong, Sa tingin nyo ano ba talaga ang tamang definition ng burst posting?
Beparanf
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2954
Merit: 796

View Profile
October 14, 2022, 05:25:38 AM
 #2

Para sa akin, Ang burst posting ay yung sunod sunod na post na wala ng kwenta yung quality ng post. Kadalasan ng ganitong pangyayari ay dahil naghahabol ng post quota para sa campaign. Pero kagaya nga ng point ng ibang reputable member sa thread na nashare mo. Hindi naman talaga mahalaga yung interval ng mga post kasi hindi naman magiiba yung wuality ng post mo kung ginawa mo ito nung 15mins later sa 30 mins later interval dahil hindi naman tayo ganun katagal magisip para magreply maliban nalang kung gumagawa tayo ng thread.

Pero dahil nga subjective ang bagaya na ito at tanging sigature campaign lang naman talaga ang maselan dito kaya mahalaga na malaman kung ang ano ang stand ng mga campaign manager tungkol dito para sure ka na tama ang ginagawa mo. Mahirap kasi na magkaiba kayo ng ideology ng campaign manager mo tapos ipipilit mo sa kanya yung opinion mo para iimplement sa campaign rules nya. Yan ang nakikita kong solution para malaman ang tamang sagot sa tanong na ito.
inthelongrun
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1862
Merit: 601

The Martian Child

View Profile
October 14, 2022, 10:31:18 AM
 #3

Para sa akin marami kasing pasok sa term na bust posting kabayan.

1. Time intervals- Dati maraming managers ang ayaw sa mga sunod-sunod na posts lalo pag less than 10 minutes na yung time intevals. Although di na siya big deal masyado ngayon since expected naman na nakaspread sa ibang topics yung posts. Unless siguro nonsense or unneccesary yung posts kaya mababa time intervals pero tsinecheck naman ng mga managers ang quality ng posts.

2. Massive posts in a day- Considered din na burst posting to. Pansin ko halos lahat ng mga managers gusto na nakaspread yung posts ng ilang araw. Like itong sa amin maximum 6 in a day which means kailangan mo pa din minimum 5 days para matapos.

3. Massive posts in a single topic- Ito din observation ko lately although sa iilang managers lang. Ayaw nila nakatambay ka lang sa iilang topics. So mas prefer nila yung nakaspread yung posts sa iba't ibang topics.   
Bttzed03
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2114
Merit: 1150

https://bitcoincleanup.com/

View Profile
October 14, 2022, 11:39:09 PM
 #4

Akala ko malik-mata lang ako pero sariling profile naman niya yung binanggit dyan sa referenced topic.

Anyway, balik tayo sa post bursting, related naman talaga sa oras in between posts yan at wala ng iba pang dahilan (e.g. 5 posts in 10 minutes). Madalas isa ito sa mga unwritten rule ng mga campaign managers pero kung wala naman sila pakialam as long as may quality post mo, eh di walang problema.
Jemzx00
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1554
Merit: 549

Be nice!

View Profile WWW
October 15, 2022, 02:42:27 PM
 #5

Para sa akin marami kasing pasok sa term na bust posting kabayan.

1. Time intervals- Dati maraming managers ang ayaw sa mga sunod-sunod na posts lalo pag less than 10 minutes na yung time intevals. Although di na siya big deal masyado ngayon since expected naman na nakaspread sa ibang topics yung posts. Unless siguro nonsense or unneccesary yung posts kaya mababa time intervals pero tsinecheck naman ng mga managers ang quality ng posts.

2. Massive posts in a day- Considered din na burst posting to. Pansin ko halos lahat ng mga managers gusto na nakaspread yung posts ng ilang araw. Like itong sa amin maximum 6 in a day which means kailangan mo pa din minimum 5 days para matapos.

3. Massive posts in a single topic- Ito din observation ko lately although sa iilang managers lang. Ayaw nila nakatambay ka lang sa iilang topics. So mas prefer nila yung nakaspread yung posts sa iba't ibang topics.   
Actually, tama naman tong mga iba't ibang basehan ng pagiging spammer o post bursting pero depende talaga ito sa mga manager at mga reputable members ng forum.

Mostly, ngayon ang pinakabasehan ng post bursting ay post time interval at post quality. Pero pinaka hindi ko lang magets ay yung mga exception lalo na sa mga reputable members ng forum kasi most of time sila lang din yung halos sunod sunod yung post at mapapansin mo na normal lang sa kanila yung mga 1 sentence o few words na reply.
Peanutswar
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 1736
Merit: 1321

Top Crypto Casino

View Profile WWW
October 16, 2022, 01:15:12 PM
 #6

Para sa akin ang isang burst posting is yung masyadong mabilis yung time frame ng posting like seconds or minutes lang ako interval kasi parang minamadali ang content even though mahaba ito pero syempre para iwas nadin sa pagiging low quality ng mga information na binibigay natin still para sa akin time interval at content padin but mostly sa signature campaigns prevent ang burst posting naka indicate naman iyon madalas sa rules.
Jemzx00
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1554
Merit: 549

Be nice!

View Profile WWW
October 16, 2022, 04:26:04 PM
 #7

Kung titignan natin, iba iba talaga basehan nila sa post bursting dito sa forum. Naka-depende sya sa iba't ibang campaign managers, forum members, reputable members at kahit sa mga staff ng forum. Dahil na rin siguro na walang official rules tungkol dito sa mismong bitcointalk.

Alam mo ba na yung post bursting sa campaign natin ay medjo kakaiba rin na kahit mahaba yung post interval at maayos yung post quality ay pwede ka pa rin ma-tag as spam o post bursting. Considered kasing post bursting sa campaign natin kung medjo madami yung post mo sa iilang araw at konti sa iibang araw. For example, nag-post ka ng tig-tatlo o apat sa unang 4 na araw tapos nag-post ka ng medjo madami like 10 o pataas sa iba pang araw ay matatag kang post bursting o spam.
Scripture
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1303
Merit: 128

View Profile
October 16, 2022, 08:52:23 PM
 #8

I got message as well with regards to this from a campaign manager which I’m currently connected and sa tingin ko naka based sila sa time interval ng post mo since I also post 5-6 per day pero yung interval is for 2 hrs lang kaya siguro naconsider as burst posting.

This is also why I have to adjust and to post only per hour and limit my post up to 5 post per day. Sa totoo lang iba iba siguro ang rules per manager, and para mas maging ok magkaroon nalang ng magandang time interval per post and still focus paren dapat sa quality ng ipopost.
samcrypto
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2044
Merit: 314

Vave.com - Crypto Casino

View Profile
October 16, 2022, 11:00:58 PM
 #9

Sa tingin ko naka base sila sa time interval since some users are posting almost 10 post a day and yet di naman sila natatag as burst posting, as long as you continue doing that with quality, and ok ang time interval I think that's fine.

Ok naren siguro to ask your campaign manager with regards to this one so you can get the precise answer and maavoid mo if ever naman na connected ka sa campaign. Iba iba ang rules per manager, yung iba sobrang higpit at yung iba ay hinde naman, still we need to follow their instructions kase dito sa forum in general wala naman specific basis for burst posting, general yung rules nya.
xSkylarx
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2366
Merit: 594

View Profile WWW
November 09, 2022, 01:53:06 PM
 #10

Post bursting talaga is pag popost ng madami ng maliit lang ang interval  matatawag din syang spam post dahil example nag post ka ng 5post in 5 mins meaning paano mo ginawa yung reply mo ? meaning spam yung pag gawa mo ng post . Mostly sa answer dito is interval talaga at mabilisang pag post , pero isa din sa matatawag na post burst ay if hindi angkop ang post mo sa daily average meaning nag post ka kahapon 5 post pero 1 hour interval okay lang yun pero kung nag post ka today ng 15 or 20 post kahit pa tig 1 hour yung interval mo post burst parin yun kasi yung daily average mo sana is 5 lang pero halos triple yung post mo. Ang best ay stay sa average posting mo.
tech30338
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 728
Merit: 151

Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com

View Profile WWW
December 02, 2022, 12:23:10 AM
 #11

Kahit pa informative or hindi informative ang post ng isang member kung ang post naman nya ay sunod sunod, post bursting na itong matatawag kahit pa gaanu kahalaga ang iyong post, kahit pa humakot ng madaming merit, at maganda ang content, maihahanay parin ito sa post bursting, example ng nalang sa email kung pamilyar ka duon, ung send all sa isang group na halos sabay sabay nila mababasa or matatanggap bursting iyon, so kung kada ilang seconds iyon minsan naman parang medyo pinapatagal lang ng konte like minutes, kasi may hinahabol na quota.
Jemzx00
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1554
Merit: 549

Be nice!

View Profile WWW
December 02, 2022, 10:40:06 AM
 #12

Literally, tama ka naman na kahit anong post mo na gagawin na sunod sunod in a short span of time, regardless kung kagaano kaganda or kataas quality ng post mo ay considered pa rin itong Post Bursting. Pero, dito sa forum, iba iba yung basehan para masabing ang isang member ay nag-post bursting. Most of the time, both quality and time gap sa pagitan ng bawat post ang tinitignan. Syempre, kung high quality or may engagement yung post mo, most likely magtutuon ka ng oras para dito pero not at all time mahaba yung time gap ng posting since hindi naman lahat ng thread ay nangangailangan ng complicated response kaya minsan kahit yung time gap ng posting ay sa sobrang bilis ay macoconsider paring high quality post.
Oasisman
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2786
Merit: 553

View Profile WWW
December 09, 2022, 05:10:56 AM
 #13

Basically, para sa akin yung time interval yung pinaka pasok na definition ng post bursting, regardless kung on point or out of topic yung reply mo.
Mahalagang bagay din ito para sa mga projects or company na nag iimplement ng signature campaign dito sa forum, para naman ma distribute ng participant yung post all throughout the day para sa exposure ng iyong advertised signature.
Compared kung yung 5 post minimum requirements mo per day ay na e popost mo lang in just 1 hr. matatabunan yun lahat ng replies mo within the day -so ang resulta hindi na magiging visible yung signature mo.
Jemzx00
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1554
Merit: 549

Be nice!

View Profile WWW
December 09, 2022, 05:03:34 PM
 #14

Basically, para sa akin yung time interval yung pinaka pasok na definition ng post bursting, regardless kung on point or out of topic yung reply mo.
Mahalagang bagay din ito para sa mga projects or company na nag iimplement ng signature campaign dito sa forum, para naman ma distribute ng participant yung post all throughout the day para sa exposure ng iyong advertised signature.
Compared kung yung 5 post minimum requirements mo per day ay na e popost mo lang in just 1 hr. matatabunan yun lahat ng replies mo within the day -so ang resulta hindi na magiging visible yung signature mo.
I think valid naman kung ganun yung mangyayari na yung participant or member ay magpopost within 1 hr lang as long as may sense or may contribution sa topic yung reply. Also, about naman sa contribution at exposure, same thing pa rin naman unless kung magrereply lang sila sa iisang topic dahil pwede i-spread ni user yung post nya throughout the forum while contributing sa topics.
serjent05
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3038
Merit: 1280

Get $2100 deposit bonuses & 60 FS

View Profile
December 23, 2022, 11:02:14 PM
 #15

from the term kasi na burst..  definitely may kinalaman ito sa oras o timing ng pagkakasunod sunod na post.  Pero iyong threshold para masabing burst ang pagpost ay depende sa tao. Meron kasi nagcoconsider na anything below 10 minutes post gap ay post burst na samantalang iyong iba ay sa five minutes while iyong iba is under 3 minutes.

Basically dapat ang post bursting ay masasabing maramihang post sa maiksing panahon regardless kung ito ay quality post o hindi.  Iyong BM na walang problem sa short interval of post ay medyo lenient.

Basically, para sa akin yung time interval yung pinaka pasok na definition ng post bursting, regardless kung on point or out of topic yung reply mo.
Mismo

Compared kung yung 5 post minimum requirements mo per day ay na e popost mo lang in just 1 hr. matatabunan yun lahat ng replies mo within the day -so ang resulta hindi na magiging visible yung signature mo.

Wala akong nakikitang problema dito as long as ang post is quality.  Normal lang matabunan ang post unless ikaw ang thread starter.  Sa dami ba naman ng nagpopost sa forum, kahit 5 hrs interval ka pa matatabunan pa rin ang post mo.

SushiMonster
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 305
Merit: 107

I'm going to eat your cookies

View Profile
February 16, 2023, 04:35:29 PM
 #16

Andami na nangyari sa forum nung nawala ako. Grabe. Buti naalala ko pa yung password ko.

Feeling ko depende yan sa manager kung ano yung post bursting sakanila kasi pwede ka naman makapag post ng marami na constructive posts, as long as pinapayagan din ng account mo, ok lng.
Supreemo
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 443
Merit: 110

View Profile
March 21, 2023, 06:28:37 AM
 #17

Andami na nangyari sa forum nung nawala ako. Grabe. Buti naalala ko pa yung password ko.

Feeling ko depende yan sa manager kung ano yung post bursting sakanila kasi pwede ka naman makapag post ng marami na constructive posts, as long as pinapayagan din ng account mo, ok lng.
pareho pala tayo, kung di pa ako sinabihan ng kaibigan ko na mag online paminsan minsan dito di talaga ako mag oonline. buti pa nga at naalala ko pa password nitong account ko na ito dahil sa kasamaang palad nawala yung password ng bitcoin wallet ko pati narin yung email ko, gagawa na naman pala ako neto ng bago hays.

regarding naman sa issue, dati kasi kinoconsider na burst posting kapag kaunti lang yung gap ng posting halimbawa within 10 minutes lang ang gap. sa pagkakaalala ko kasi dati nung si yahoo pa yung campaign manager ng sinalihan kong campaign, yung valid lang sa kanyang time frame is yung 30minutes ang posting gap, kaya nga nung dati kahit gustong gusto kong magpa rank up di talaga pwede dahil nga hindi ka rin makakasali sa mga signature campaigns ni lauda at yahoo kung ganyan ang posting habits mo kaya tiis tiis nalang talaga. dun ako nawalan ng gana nung ipinatupad yung merit system na yan, pero kung tutuusin kung di ko ako tumigil malamang ay mataas na itong rank ko, pero di bale na.

naisip ko rin bigla ito na kung dati 30 minutes gap lang ang ay nakakagawa ako ng mahigit sa 20 na post araw-araw, sa ngayon nabasa ko na ang valid lang na posts na icount nila per day is 5, so parang naiba yata ang pamamaraan ng sinasabi nilang post bursting, may nakakaalam ba kung valid parin yung 20 posts with 30 minutes gap sa posting or hindi?
SushiMonster
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 305
Merit: 107

I'm going to eat your cookies

View Profile
March 29, 2023, 10:09:00 AM
Merited by crwth (1)
 #18

Andami na nangyari sa forum nung nawala ako. Grabe. Buti naalala ko pa yung password ko.

Feeling ko depende yan sa manager kung ano yung post bursting sakanila kasi pwede ka naman makapag post ng marami na constructive posts, as long as pinapayagan din ng account mo, ok lng.
pareho pala tayo, kung di pa ako sinabihan ng kaibigan ko na mag online paminsan minsan dito di talaga ako mag oonline. buti pa nga at naalala ko pa password nitong account ko na ito dahil sa kasamaang palad nawala yung password ng bitcoin wallet ko pati narin yung email ko, gagawa na naman pala ako neto ng bago hays.
Kung nasaiyo naman yung seed phrase, hindi mo naman kailangan yung password ng bitcoin wallet mo. .

regarding naman sa issue, dati kasi kinoconsider na burst posting kapag kaunti lang yung gap ng posting halimbawa within 10 minutes lang ang gap. sa pagkakaalala ko kasi dati nung si yahoo pa yung campaign manager ng sinalihan kong campaign, yung valid lang sa kanyang time frame is yung 30minutes ang posting gap, kaya nga nung dati kahit gustong gusto kong magpa rank up di talaga pwede dahil nga hindi ka rin makakasali sa mga signature campaigns ni lauda at yahoo kung ganyan ang posting habits mo kaya tiis tiis nalang talaga. dun ako nawalan ng gana nung ipinatupad yung merit system na yan, pero kung tutuusin kung di ko ako tumigil malamang ay mataas na itong rank ko, pero di bale na.
Mukha ngang nag online ka para sumali agad sa signature campaign haha.

naisip ko rin bigla ito na kung dati 30 minutes gap lang ang ay nakakagawa ako ng mahigit sa 20 na post araw-araw, sa ngayon nabasa ko na ang valid lang na posts na icount nila per day is 5, so parang naiba yata ang pamamaraan ng sinasabi nilang post bursting, may nakakaalam ba kung valid parin yung 20 posts with 30 minutes gap sa posting or hindi?
Grabe yung 20 posts within 30 minutes. Parang hindi ata pinag iisipan ang sasabihin haha. Hindi ko naisip mag post ng ganun kadami at d ko ata kakayanin kasi gusto ko may laman yung sinasabi ko haha. Baka yung iba may ideya tungkol dun.
Supreemo
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 443
Merit: 110

View Profile
March 31, 2023, 03:15:28 PM
 #19

hindi naman po sa ganun pero kung may opportunity na pwedeng sumali ay sasali po ako. kakabalik ko lang po dahil sa panghihikayat ng kaibigan ko at kahit casual lang ang pagbisita ko dito medyo naiisipan ko naring magpokus nalang sa ibang bagay pero di ko parin ititigil ang pag online dito hihihi.

yung sakin po kasi iisa lang yung wallet address ng bitcoin ang pinagregisteran ko kaya yun lang din yung naaalala ko, buti naman at naalala ko yung account.

totoo din po na nakakagawa ako ng average na 15 posts o mahigit pa kada araw pero may 30 minutes na agwat sa pag post.
Beparanf
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2954
Merit: 796

View Profile
April 14, 2023, 02:04:24 PM
Merited by dimonstration (1)
 #20

hindi naman po sa ganun pero kung may opportunity na pwedeng sumali ay sasali po ako. kakabalik ko lang po dahil sa panghihikayat ng kaibigan ko at kahit casual lang ang pagbisita ko dito medyo naiisipan ko naring magpokus nalang sa ibang bagay pero di ko parin ititigil ang pag online dito hihihi.

yung sakin po kasi iisa lang yung wallet address ng bitcoin ang pinagregisteran ko kaya yun lang din yung naaalala ko, buti naman at naalala ko yung account.

totoo din po na nakakagawa ako ng average na 15 posts o mahigit pa kada araw pero may 30 minutes na agwat sa pag post.

Actually, Dahil lang naman sa signature campaign kaya nauso ang burst posting dahil wala naman problema dito kung magpost ka ng 1 post per minute kung magrereply ka lng naman sa mga simpleng thread ng on point na sagot. Kaya lang nauso ngayon yung mga mahahabang reply dahil sa requirements ng signature campaign na minimum character requirements.

Ang pinaka essence ng burst posting sa forum ay magpopost ka ng sunod2 na hindi mo nmn normal na ginagawa para lng mameet mo yung post quota ng mabilisan para umabot sa deadline. Sa pagkakaalam ko ay may mga user na umaabot ng 100+ post per week dati pero wala naman problema dahil gnagawa nya yun with or without campaign. Si Royse777 yata yun nung hindi pa sya campaign manager. Hindi talaga issue yung post gap basta yung quality ay maayos at hindi spam.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!