Tama better na maghintay hintay muna, baka marami pa kasing nakareceive ng airdrop ang hindi pa nagbebenta. Once na magbenta ang mga ito ay sigurado naman bababa ang presyo ng APT sa merkado and that is the time na posibleng magkaroon ng window para makasapasok sa APT market.
Tutal nasa bear market pa rin naman tayo ngayon, possible din na maghintay hintay lang at kapag nawala ang hype at medyo naburyong ang mga investment eh magkaroon ng dump sa market lalo na kapag naisipan ng ilang whales na manipulahin ng balita at magkalat ng iba't ibang FUD online para lang magpanic sell ang mga holders.
Sa kaso ko kasi at effective naman, nagbebenta ako talaga during hype. Natuto na ako na di rin talaga wise ihold ang isang coin kahit pa halimaw ang development nito. Mas magandang sabayan ng pagbenta kapag naghype ang isang coin kasi 95% most of the time, di na ulit nila maaabot ang peak price nila at sa kalaunan magiging stable na lang ang price within a specific range.
For sure, itong mga di pa nagbebenta eh manghihinayang in the long run nasa sana nagbenta na sila. After all puwede naman magbuy back hanggat di pa nagsstart ang bullish trend.