Guys, Share ko lang experience ko recently with Binance recently about sa kanilang strict compliance sa ToS nila. Yung account ko ngayon sa kanila ay Disabled at no chance to recover na daw based sa conversation with their support. Nakakalungkot lang dahil sobrang useful ng Binance para satin lalo na yung P2P feature nila for cashout purposes na rin.
So eto nga, yung email na nareceive ko sa kanila. I think the reason kung bakit nangyari to ay mainly because of VPN sa workplace ko ngayon since ginagamit ko yung Wifi and accidentally ko na-open yung Binance ko para macheck yung balance ko. Napansin ko rin agad na parang may mali since sobrang bagal mag-load ni Binance App kaya naisip ko na baka nasa restricted country yung VPN ko that time at niclose ko agad yung app.
Sadly, napansin agad yun sa account ko at eto yung nangyari. Wala rin akong masyadong trading activity other than sa weekly P2P trades ko so possibly yun ang reason kaya ganto.
Still, hindi nagbabago yung view ko sa binance and hopefully makagamit pa rin ako in the future. Kudos din sa great chat support nila sa pag-assist sakin
Lesson na rin ito para sa iba to avoid using VPN especially sa restricted countries na hindi allowed si Binance.
PS. Merry Christmas to all