Sa akin, walang problema sa fee nila kasi parang ang kapalit nun convenience sa mga users kaso nga lang hindi na convenient kaya ayun, hindi lang ako ang nakaramdam na dapat alis na kanila, madami na din pala lalo na dito sa forum.
I agree- ito rin yung reason kung bakit ako nag sstay dito sa coins.ph dahil sa convenience nga. Pero upon the creation of this thread and actually trying yung mga sinuggest ng mga iba dito (binance p2p), sobrang convinced na ako na hindi na ako mag ccoins.ph ulit.
Mabuti at na convince ka na mas okay ang binance p2p at marami na tayong mga choices sa ngayon, hindi tulad ng dati na parang mostly coins.ph lang ang choice natin at monopolied nila ang market dati sa local exchanges. Kaso nga lang, hindi talaga magtatagal kapag nag boom ang market, mas dadami ang mga competitors nila.
Buti nga sa iyo OP resubmit at update lang nga documents. Sobrang simple lang. Iyong sa akin, aside from resubmitting documents, need pa na may video verification at ang worst dyan, you need to book a schedule tapos punuan naman halos ang mga dates. Na-share ko yan before sa unofficial thread ng coins.ph.
Iyan ang reason kaya inalisan ko sila at sa Binance P2P na ako. Wala namang problema sa akin fees and rates ni coins.ph and overall, ok naman service nila. Ayoko lang iyong hassle na kung kailan need mo ng service nila, saka mattyimingan na magiging custom limit ang account ko.
Ganyan din yung verification na nangyari sa akin at nag proceed naman at mabilis lang ang naging verification nila sa akin kasi kumpleto ako. Yun nga lang hindi ko nagustuhan yung limit na binigay. Lahat tayo dito mukhang ok lang naman sa charge na fee ni coins.ph kasi nga nakasanayan na natin at sobrang convenient kaso ang ending, ayaw natin ung custom limit na binigay nila na sobrang baba baka yun talaga ang plan nila na ipush mga old users palabas ng platform nila at magfofocus nalang sa mga new users.