<snip>
kung ikaw ang tatanungin magiinvest kaba ng isang milyong dolyar in bitcoin para mging citizen nila? good investment ba ito or isang malaking risk?
pakilagay ang inyong mga dahilan.
~
Para sa mga ordinaryong mamamayan, kagaya ko (o natin), eh hindi makikita na magandang investment itong offer ng bansang El Salvador, dahil nga't hindi naman natin ito kailangan sa kasalukuyan.
Pero. Sa ibang mga lugar o bansa, kung saan ang mga mamamayan ay hindi nakararanas ng financial freedom (e.g., banned ang paggamit ng crypto exchanges at bitcoin), eh sa palagay ko'y para sa kanila ay napakagandang opportunity niyan para makamit nila ang hindi nila nakakamit sa kani-kanilang mga bansa. Ayun nga lang, hindi lahat kayang ma-afford ang investment na ito, $1 million is too much for us, pero sa iba, kung kapalit lang ng 'kalayaan', eh bakit hindi?
Directly stated na 'rin sa article na ang pangunahing target is ang mga crypto millionaires, so, obviously, afford nila 'yan.
This is a long term investment na rin kasi, hindi lang label na citizenship ang ibibigay sa'yo kundi pati na rin ang mga benepisyo, maybe even above pa compared sa mga OG citizens. Nabanggit pa sa article na gagamitin ang funds na iyon para sa advancement ng kanilang bansa, napakagandang oportunidad nito kunsakali, imagine citizen ka ng isang malakas at mayamang bansa, plus may extra benefits ka pa.