gumaganda ang kompetisyon from Bitcoin to Gold sa larangan ng ETF support and tama ka nga kabayan ang inaantay natin dito ay yong long term effect ng Bitcoin ETF na tingin ko kakaen pa ng ilang panahon.
t saka nasa 40k above pa din naman ang Bitcoin meaning hindi naman ganon kalaki ang ibinaba ng market nitong nakaraang mga araw.
Pero di pa muna ako umaasa na malalagpasan ng Bitcoin etf ang gold kasi sobrang layo pa rin ng pagitan pero malay natin baka di na abutan ng sobrang mahabang panahon bago madikitan.
Sa tingin ko nga din ay ang Bitcoin ETF ang maglulure sa mga hesitant or doubtful sa kakayahan ni Bitcoin para mas dumagsa at lumawak pa ang adoption nito sa buong mundo. Siguro ay mas dadami pa ang magiging curious kay Bitcoin in the near future dahil dito. Yung mga tao kasi minsan hindi naniniwala hanggat hindi nito nakikita ang potential at performance ng isang bagay kaya kadalasan ay nahuhuli na sa mga opportunities.
Ito yung tinitignan kong mabuting nangyayari sa ngayon dahil sa approved Bitcoin spot etf. Sa sobrang daming doubtful sa Bitcoin, ngayon nagkakaideya sila na kung bakit inaprubahan ito ng SEC tapos mga kilalang financial companies pa ang nag apply niyan. Kaya mas lalong dadami ang interested kay Bitcoin sa long term. Yung mga takot humawak at bumili ng Bitcoin direkta sa mga exchange ay baka rumekta nalang sila sa mga brokers na merong bitcoin spot etf.
magiging mabigat ang laban ng bitcoin ETF sa Gold ETF pero in time lalo na pag bumuhos na ang suporta at ang investments ngayong mga susunod na panahon .
at dahil din sa approval na to eh mas malawak na ang maniniwala at magtitiwala sa bitcoin mula sa ibat ibang bansa , sinimulan ng USA then surely susunod na ang ibang nation.
Sa tingin ko naman walang dapat ipagkumpara pero nga dahil sa category ng ETF parang naging magkalaban na sila. Pero para sa atin, panalo pa rin tayong nasa side ni Bitcoin kasi nga matagal na yang gold etf at ang advantage lang sa Bitcoin ETF ay medyo bago bago pa at yung may mga mindset na una una sa investments, isa yang advantage sa kanila.
- Alam mo sa totoo lang yung mga nagdududa ay dapat magduda na sila sa sarili nilang pagdududa na nararamdaman sa Bitcoin. Hindi na yan nakakapagtaka para sa aking kaalaman dahil alam naman natin na ang Bitcoin kung kumilos sa merkado talaga ay napaka-unpredictable at wala talagang nakakaalam sa totoo lang.
Yun nga kabayan. Kasi kapag tumagal pa, isa lang naman ang direksyon ni Bitcoin at yun ay pataas. Nakita naman nila yan sa history simula noong ma approve ang Gold etf.
Pero gaya nga ng sinabi mo ay maganda parin ang epekto nyan sa merkado, partikular sa mga tulad nating bitcoin enthusiast na naniniwala sa Bitcoin sa ganitong klaseng uri ng business sa crypto space.
Exposure, adoption rate, use case, mas lalong papabor sa atin yan kaya habang kaya nating mag hold. Hold lang din at kung kaya din magdagdag, bili lang ng bili.