Wapfika (OP)
|
|
February 01, 2024, 11:40:04 AM |
|
Recently ay nagimposed na ng 1% tax ang BIR para sa mga online merchant kagaya ng Tiktok, Shopee, Lazada at iba pa. Itong tax ay withholding tax meaning magiging required na talaga sila mag tax pati ng ITR sa business bukod sa 1% tax sa gross income. Pati iba pang mga online business kagaya ng Airbnb ay may ganito na din update kaya posibleng sumunod na dn ang crypto since malaking pera din ang pumapasok dito na walang tax. Speculation ng iba ay dahil ito sa Maharlika fund ni BBM kaya naghahanap sila ng way para kumuha ng funds para dito. Sobrang hassle nito kung maiimplement sa crypto since 1% tax sa gross funds mo ang makakaltas bukod po sa ITR lalo na kung malakihan ang funds mo sa account kagaya ng mga user sa P2P market. Reference: https://www.pna.gov.ph/articles/1216099
|
|
|
|
bhadz
|
|
February 01, 2024, 11:58:31 AM |
|
Ito yung hot topic sa mga shopee sellers group na nakajoin din ako. Nagbabasa basa lang ako ng mga update pero ang daming matatamaan sa update na ito at mas kawawa yung mga maliliit na tindahan dahil lahat ay required para diyan. At hindi lang yan, required na lahat sila kumuha ng permits at registration sa BIR para nga sa taxation na yan. Pero pasok pa rin naman yung mga below 250k na annual kita bilang tax free. Kapag sobra naman na sa threshold na yan, saka sila mata-taxan. Bali balita nga yang tungkol sa maraming mga taxations na magaganap kaya kumakalap lang sila ng pwede pag taxan at baka susunod na nga ang crypto profits diyan. Ang gagawin lang nila diyan ay rekta punta sila sa mga local exchanges tapos baka labas ng pera sa mga users nila ay doon sila magtrack ng mga ita-tax nila.
|
|
|
|
Wapfika (OP)
|
|
February 01, 2024, 02:47:18 PM |
|
Ito yung hot topic sa mga shopee sellers group na nakajoin din ako. Nagbabasa basa lang ako ng mga update pero ang daming matatamaan sa update na ito at mas kawawa yung mga maliliit na tindahan dahil lahat ay required para diyan. At hindi lang yan, required na lahat sila kumuha ng permits at registration sa BIR para nga sa taxation na yan. Pero pasok pa rin naman yung mga below 250k na annual kita bilang tax free. Kapag sobra naman na sa threshold na yan, saka sila mata-taxan. Bali balita nga yang tungkol sa maraming mga taxations na magaganap kaya kumakalap lang sila ng pwede pag taxan at baka susunod na nga ang crypto profits diyan.
Actually annual gross income ang basehan ng BIR at hindi profit since hindi declared sa shopee kung magkno puhunan. Kawawa dito yung mga nagbebenta ng mga item na maliit lang tubo tapos umaasa sa volume para sa kita since gross income ang matataxan. Ang end goal nito ay mag mamahal na mga item sa mga e-commerce since mas malaki na ang tax nila compared sa profit. Ang gagawin lang nila diyan ay rekta punta sila sa mga local exchanges tapos baka labas ng pera sa mga users nila ay doon sila magtrack ng mga ita-tax nila. Yeah bro. Sobrang dali magcharge ng tax kahit hindi lang local exchange pati mga international exchange na nagooffer sa atin kagaya ng binance since pwede nilang iban yung mga walang license. Sobrang daming kinukuhang taxes ni BeBeM para lang ilagay sa confidential funds ng mga politikong nasa tunay na top rich list na ng Pilipinas.
|
|
|
|
serjent05
Legendary
Online
Activity: 3038
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
|
|
February 01, 2024, 06:53:30 PM |
|
Di na ako nagugulat sa ganitong balita, matagal ko na iniexpect na magiimpose ng tax ang gobyerno sa mga online sellers at sa tingin ko susunod na rin dyan ang mga gainers sa cryptocurrency trades. Pero malaking challenge ito para sa gobyerno kung paano papagtaxin ang mga crypto users. Since sa tingin ko wala pang kakayanan ang gobyerno para precisely matukoy ang mga taon kumikita sa cryptocurrency unless na magdeclare sila ng profit for taxation. Ang gagawin lang nila diyan ay rekta punta sila sa mga local exchanges tapos baka labas ng pera sa mga users nila ay doon sila magtrack ng mga ita-tax nila. Hindi basta basta magagawa ng gobyerno ang ganitong sistema ng pagtax. Maraming magrereklamo dahil ang taxable lang naman talaga ay iyong gain, kung irerekta nila iyan sa bawat exchange, paano naman iyong nagbenta ng palugi sa market. So may lalabagin silang sistema kapag ginawa nila yang ganyang sistema.
|
|
|
|
qwertyup23
|
|
February 01, 2024, 09:32:56 PM |
|
Di na ako nagugulat sa ganitong balita, matagal ko na iniexpect na magiimpose ng tax ang gobyerno sa mga online sellers at sa tingin ko susunod na rin dyan ang mga gainers sa cryptocurrency trades. Pero malaking challenge ito para sa gobyerno kung paano papagtaxin ang mga crypto users. Since sa tingin ko wala pang kakayanan ang gobyerno para precisely matukoy ang mga taon kumikita sa cryptocurrency unless na magdeclare sila ng profit for taxation.
I do think na yung pag impose ng 1% tax on online shopping was inevitable given na sobrang lumaki yung demand nito ever since COVID happened. The market saw na mas convenient pala for sellers and buyers to do online shopping instead of visiting the traditional and usual convenience stores sa mga SM, etc. kaya yung tax na 1% ay talagang mangyayare. Pero yun nga lang, kawawa nga lang dito is yung mga small business owners who are just starting kasi pati sila matatamaan dito. Hindi basta basta magagawa ng gobyerno ang ganitong sistema ng pagtax. Maraming magrereklamo dahil ang taxable lang naman talaga ay iyong gain, kung irerekta nila iyan sa bawat exchange, paano naman iyong nagbenta ng palugi sa market. So may lalabagin silang sistema kapag ginawa nila yang ganyang sistema.
I agree dito. I think mahirap din kung bigla silang mag iimpose ng tax sa cryptocurrencies given na hindi nga natin alam kung ano ang stand ng gobyerno natin dito. Siguro the fact na silent sila means na they don't see it pa as an issue or as an opportunity to tax. Pwede rin siguro na may plan silang mag impose ng tax sa mga exchanges pero yung implementation lang nito siguro ang mahirap.
|
|
|
|
PX-Z
|
|
February 01, 2024, 10:47:11 PM |
|
Speculation ng iba ay dahil ito sa Maharlika fund ni BBM kaya naghahanap sila ng way para kumuha ng funds para dito. Sobrang hassle nito kung maiimplement sa crypto since 1% tax sa gross funds mo ang makakaltas bukod po sa ITR lalo na kung malakihan ang funds mo sa account kagaya ng mga user sa P2P market.
If kumikita ka naman as a business person need mo talaga makapag register ng business mo no ifs and no buts. Kahit sino pa ang presidente na nakaupo at projects nila, kase nasa batas yan kung hindi eh pwede ka makasuhan no matter what your reason is. Now related naman sa crypto, pwede ka na man mag declare ng kahit anung amount eh, maliban nalang talaga if makipag partner ang mga banks and wallets like SOA for them to check kaya walang takas.
|
|
|
|
Ben Barubal
Member
Offline
Activity: 560
Merit: 18
Eloncoin.org - Mars, here we come!
|
|
February 01, 2024, 11:39:13 PM |
|
Ito yung hot topic sa mga shopee sellers group na nakajoin din ako. Nagbabasa basa lang ako ng mga update pero ang daming matatamaan sa update na ito at mas kawawa yung mga maliliit na tindahan dahil lahat ay required para diyan. At hindi lang yan, required na lahat sila kumuha ng permits at registration sa BIR para nga sa taxation na yan. Pero pasok pa rin naman yung mga below 250k na annual kita bilang tax free. Kapag sobra naman na sa threshold na yan, saka sila mata-taxan. Bali balita nga yang tungkol sa maraming mga taxations na magaganap kaya kumakalap lang sila ng pwede pag taxan at baka susunod na nga ang crypto profits diyan.
Actually annual gross income ang basehan ng BIR at hindi profit since hindi declared sa shopee kung magkno puhunan. Kawawa dito yung mga nagbebenta ng mga item na maliit lang tubo tapos umaasa sa volume para sa kita since gross income ang matataxan. Ang end goal nito ay mag mamahal na mga item sa mga e-commerce since mas malaki na ang tax nila compared sa profit. Ang gagawin lang nila diyan ay rekta punta sila sa mga local exchanges tapos baka labas ng pera sa mga users nila ay doon sila magtrack ng mga ita-tax nila. Yeah bro. Sobrang dali magcharge ng tax kahit hindi lang local exchange pati mga international exchange na nagooffer sa atin kagaya ng binance since pwede nilang iban yung mga walang license. Sobrang daming kinukuhang taxes ni BeBeM para lang ilagay sa confidential funds ng mga politikong nasa tunay na top rich list na ng Pilipinas. Ako ineexpect ko na mangyayari yan dahil before nga walang tax na binabawas sa mga youtuber o influencers na kumikita sa youtubem tapos sa paglipas ng panahon na dumadami na ang kumikita na mga influencers ay nagsagawa narin ng rules ang BIR ng tax para sa mga youtuber na gaya nyan na below 250k annualy ay tax free pa sila. at kapag lumagpas na dyan ay dun na magsisimula na hingan sila ng BIR ng tax, ngayon ay gusto narin nilang iimplement sa mga Shoppe, lazada at iba pa, kaya malamang nyan posible narin yang crypto sa hinaharap.
|
|
|
|
bhadz
|
|
February 02, 2024, 12:12:47 AM |
|
Ito yung hot topic sa mga shopee sellers group na nakajoin din ako. Nagbabasa basa lang ako ng mga update pero ang daming matatamaan sa update na ito at mas kawawa yung mga maliliit na tindahan dahil lahat ay required para diyan. At hindi lang yan, required na lahat sila kumuha ng permits at registration sa BIR para nga sa taxation na yan. Pero pasok pa rin naman yung mga below 250k na annual kita bilang tax free. Kapag sobra naman na sa threshold na yan, saka sila mata-taxan. Bali balita nga yang tungkol sa maraming mga taxations na magaganap kaya kumakalap lang sila ng pwede pag taxan at baka susunod na nga ang crypto profits diyan.
Actually annual gross income ang basehan ng BIR at hindi profit since hindi declared sa shopee kung magkno puhunan. Kawawa dito yung mga nagbebenta ng mga item na maliit lang tubo tapos umaasa sa volume para sa kita since gross income ang matataxan. Ang end goal nito ay mag mamahal na mga item sa mga e-commerce since mas malaki na ang tax nila compared sa profit. Yun nga kawawa talaga small sellers sa ganito at yung iba pa nga na malaki ang kinikita, parang masakit din ang ulo nila pero afford naman nila na maghire nalang ng accountant nila para mainform nalang din sila paano ang mismong sistema sa pag apply ng taxation sa business nila. Ang gagawin lang nila diyan ay rekta punta sila sa mga local exchanges tapos baka labas ng pera sa mga users nila ay doon sila magtrack ng mga ita-tax nila. Yeah bro. Sobrang dali magcharge ng tax kahit hindi lang local exchange pati mga international exchange na nagooffer sa atin kagaya ng binance since pwede nilang iban yung mga walang license. Sobrang daming kinukuhang taxes ni BeBeM para lang ilagay sa confidential funds ng mga politikong nasa tunay na top rich list na ng Pilipinas. Isa na sa example yung binance, na ganyan sila dito sa bansa natin dahil sa tax yan panigurado. Basta related sa permits at business operations, laging involved ang tax diyan. At about sa politika naman, out ako sa discussion na yan kahit na nakakainis nangyayari sa bansa natin, tinitignan ko nalang yung ibang mabubuti. Pero yun nga narinig ko sa balita na parang palalakasin ang collection sa taxes sa administration ngayon. Ang gagawin lang nila diyan ay rekta punta sila sa mga local exchanges tapos baka labas ng pera sa mga users nila ay doon sila magtrack ng mga ita-tax nila. Hindi basta basta magagawa ng gobyerno ang ganitong sistema ng pagtax. Maraming magrereklamo dahil ang taxable lang naman talaga ay iyong gain, kung irerekta nila iyan sa bawat exchange, paano naman iyong nagbenta ng palugi sa market. So may lalabagin silang sistema kapag ginawa nila yang ganyang sistema. Baka i-base nila ang gagawing taxation kung dumating man dito sa bansa natin ay yung sa US. Nababasa ko na ikaw magdedeclare kung magkano ang gain mo doon pero pwede nila malaman kung magkano talaga na gain mo dahil nga may record sa exchange at hindi ka basta basta makakapagsinungaling, yun nga lang ito yung sa US kaya maraming sumusunod. Pero dito sa bansa natin, tingin ko hindi lulusot yan pero pwede nila iimplement. Kadalasan naman pag-aaralan nila yan at yan ang sasabihin nila tapos hanggang sa nalimutan na at mawala ang update.
|
|
|
|
mk4
Legendary
Offline
Activity: 2926
Merit: 3881
📟 t3rminal.xyz
|
|
February 02, 2024, 03:57:36 AM |
|
Hindi naman talaga malabo. If I remember correctly ung gross tax for buying/sell Philippine stocks is around 0.5-1%? Tapos iba pa ung value added tax(VAT). Knowing those numbers, impossibleng hindi nila subukan i apply a crypto.
|
|
|
|
0t3p0t
|
|
February 02, 2024, 05:39:48 AM |
|
Kung ang taxation na ito ay mapupunta sa kaban ng bayan at nasa tamang proseso at pamamaraan sa tingin ko wala namang magiging problema dito but if ang kabaliktaran ang mangyayari I don't think magpapagamit ang mga crypto enthusiasts I mean marami ang maghahanap ng paraan para makaiwas sa nasabing implementation if I am not mistaken. Siguro marami ang hindi magdedeclare ng crypto kitaan nila lalo na yung mga kumikita ng milyones.
|
|
|
|
peter0425
Sr. Member
Offline
Activity: 2842
Merit: 458
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
|
|
February 02, 2024, 09:33:48 AM |
|
Ito yung hot topic sa mga shopee sellers group na nakajoin din ako. Nagbabasa basa lang ako ng mga update pero ang daming matatamaan sa update na ito at mas kawawa yung mga maliliit na tindahan dahil lahat ay required para diyan. At hindi lang yan, required na lahat sila kumuha ng permits at registration sa BIR para nga sa taxation na yan. Pero pasok pa rin naman yung mga below 250k na annual kita bilang tax free. Kapag sobra naman na sa threshold na yan, saka sila mata-taxan. Bali balita nga yang tungkol sa maraming mga taxations na magaganap kaya kumakalap lang sila ng pwede pag taxan at baka susunod na nga ang crypto profits diyan. Ang gagawin lang nila diyan ay rekta punta sila sa mga local exchanges tapos baka labas ng pera sa mga users nila ay doon sila magtrack ng mga ita-tax nila.
Hindi man tahasang nabubuksan pero ang talagang tatamaan dito eh mga consumer , kasi wala naman tayong choice kundi bumili tumaas man ang prices ng mg seller ng online shops , lalo nat nasanay na tayo sa mga online shopping na hindi mona need pang mag ikot sa mga palengke at mga malls. and about sa crypto effect? magkakaalaman yan sa mga susunod na araw dahil siguradong papasok na sa crypto ang taxationsor baka nga inaaral na nila mga grounds pano nila ito iimplement .
|
|
|
|
abel1337
Legendary
Offline
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
|
|
February 02, 2024, 09:56:11 AM |
|
Actually noon pa ito, around pandemic ko ata narinig yung plan ng government natin na mag impose ng tax for online sellers. I guess matatamaan nito yung mga nasa platform like Shopee, Lazada and tiktok kasi recorded yun kita nila sa platform at madali sila mahanap. About sa crypto naman is I think possible din ito malagyan ng tax, I think during the bull market or once na uminit yung bitcoin sa public is igagrab ng government natin ang opportunity para lagyan ng tax ang cryptocurrency.
Taxing online business will just have a negative effects to business owner and consumers majorly kasi tataas talaga yung prices ng products. Let's see sooner or later once na maghigpit ang gobyerno sa online businesses.
|
|
|
|
gunhell16
|
|
February 02, 2024, 10:48:41 AM |

Kung under regulation ng gobyerno yung business, ay walang magagawa ang mga owner sa totoo lang. Ngayon, yung sa mga shoppe at lazada kayang magawa ng gobyerno natin yan sa kanila. Pero yung sa cryptocurrency earnings duda pa ako na magawa nila yan, dahil pagminadali o pinilit nilang mangyari ay maari ding lalabag ang gobyerno natin sa batas na meron tayo. Pano mo iisyuhan ng tax ang isang crypto earners kung ang pinanggalingan ng profit nito ay sa decentralized platform? Kung centralized naman tayo na exchange nakakuha ng profit sa trading na meron ito, yung tax directed na mismo sa exchange platform not in the traders na nagsagawa ng trading sa Cex platform, hindi naman pupuwede na kinuhanan na nila ng tac yung CEX platform tapos kukuhanan pa nila ng tax yung mga traders nito.
|
| Duelbits | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | | TRY OUR UNIQUE GAMES! ◥ DICE ◥ MINES ◥ PLINKO ◥ DUEL POKER ◥ DICE DUELS | | | | █▀▀ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █▄▄ | ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ | ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ | ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ | ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ | ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ ███ ▀▀▀ | | ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ KENONEW ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ | ▀▀█ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ ▄▄█ | | 10,000x MULTIPLIER | | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ |
[/tabl
|
|
|
Wapfika (OP)
|
|
February 02, 2024, 12:09:55 PM Last edit: February 02, 2024, 12:22:18 PM by Wapfika |
|
Speculation ng iba ay dahil ito sa Maharlika fund ni BBM kaya naghahanap sila ng way para kumuha ng funds para dito. Sobrang hassle nito kung maiimplement sa crypto since 1% tax sa gross funds mo ang makakaltas bukod po sa ITR lalo na kung malakihan ang funds mo sa account kagaya ng mga user sa P2P market.
If kumikita ka naman as a business person need mo talaga makapag register ng business mo no ifs and no buts. Kahit sino pa ang presidente na nakaupo at projects nila, kase nasa batas yan kung hindi eh pwede ka makasuhan no matter what your reason is. Now related naman sa crypto, pwede ka na man mag declare ng kahit anung amount eh, maliban nalang talaga if makipag partner ang mga banks and wallets like SOA for them to check kaya walang takas. Ang issue dito ay yung pag charge nila ng withholding tax sa gross income. May range din kasi ng earnings ang taxable dahil malulugi yung mga namumuhunan tapos hindi naman pala pasok dapat yung earnings nila para magka tax dahil sa auto deduction. Ang sistema ng BIR ay magcha2rge sila ng tax as gross then sa ITR(Income tax return) ka magfifile ng mga refund mo kaya automatically makakaltasan ka ng tax kahit hindi ka pasok sa range then wait ka ng 1 year para magfile ng refund sa ITR. Automatic kasi deduction sa e-commerce per order compared sa normal processing ng withholding tax na quarterly dapat,
Ang point lang dito is what ganito din ang gawin nila sa crypto since alam nila na malaking pera ang pumapasok dito then bahala na sa ITR magfile ng refunds. Pano mo iisyuhan ng tax ang isang crypto earners kung ang pinanggalingan ng profit nito ay sa decentralized platform? Kung centralized naman tayo na exchange nakakuha ng profit sa trading na meron ito, yung tax directed na mismo sa exchange platform not in the traders na nagsagawa ng trading sa Cex platform, hindi naman pupuwede na kinuhanan na nila ng tac yung CEX platform tapos kukuhanan pa nila ng tax yung mga traders nito.
Actually sa ibang bansa ay required na magvoluntary file ng tax ang mga citizen nila. Bukod pa yan sa tax na kinukuha ng government sa CEX since may tax talaga ang income kahit saan mo pa ito nakuha. Ang maganda lang sa arin ay hindi aggressive masyado ang BIR compared sa IRS kaya hindi tayo masyadong takot sa pag declared ng profit. Pero hindi talaga imposible na crypto ang next if hindi titigil ang current administration sa paghanap ng additional funds lalo na ngayon na regulated na ang Bitcoin at may ETF pa sa ibang bansa kagaya ng US.
|
|
|
|
Peanutswar
Legendary
Online
Activity: 1736
Merit: 1321
Top Crypto Casino
|
|
February 02, 2024, 02:34:17 PM |
|
Actually matagal na nga itong usapin tsaka naka ilang years na nga tayo is still hindi sila nag kakaroon ng move regarding with the crypto ang pinaka latest na nga lang is itong issue with the Binance and we know its already february and still wala na pa din silang update sa case na ito kasi sure satin hodler sa binance eh, tapos ang ilan sa atin is talagang paldo na sa crypto pero sure ako aangal din sila or tayo na tahimik ang buhay tapos biglang magkakaroon ng ganito.
|
|
|
|
Saisher
|
|
February 02, 2024, 03:45:18 PM |

Meron kasing mga complications kung mag aaply sila sa Cryptocurrency users , compared sa online merchants na pwede nila silipin ang mga kita pero sa Cryptocurrency lalo na at peer to peer ang ginagaws ng holder para hindi pumasok sa threshold mahihirapan talaga sila tsaka ang tingin ng gobyerno sa atin ay maliit na community, compared sa mga online seller at merchants na may malalaking sellers at sila ay exposed dahil sa kanilang mga account sa Shopee at Lazada.
|
|
|
|
PX-Z
|
|
February 02, 2024, 04:57:59 PM |
|
Ang issue dito ay yung pag charge nila ng withholding tax sa gross income. May range din kasi ng earnings ang taxable dahil malulugi yung mga namumuhunan tapos hindi naman pala pasok dapat yung earnings nila para magka tax dahil sa auto deduction.
Ang sistema ng BIR ay magcha2rge sila ng tax as gross then sa ITR(Income tax return) ka magfifile ng mga refund mo kaya automatically makakaltasan ka ng tax kahit hindi ka pasok sa range then wait ka ng 1 year para magfile ng refund sa ITR. Automatic kasi deduction sa e-commerce per order compared sa normal processing ng withholding tax na quarterly dapat,
It is given na kase those business earning 250k above ay taxable, these are brick and mortars. While this new regulation, for online business naman ay may range na 500k above lang ang taxable ng 1%. In shopee you are required to provide "sworn declaration (SD) of gross remittances" na hindi exceed ng 500k ang annual income mo para ma exempt ka for this, those who have 500k income in previous year ay matic may bawas sayo,at dun din na mag de-declare ng exceed 500k annual income ay obviously may bawas. Pero in both lazada and shoppe ang deductions lang ay 0.5%, kase half of the gross sales lang ang applicable, e.g. gross sale is 1000, (1000/2) * 0.01 or in simple terms (1000x.005) = P5 withholding tax. Bakit alam ko, kase seller din ako both lazada and shopee, pero recently not active sa lazada. About naman sa crypto, it's possible, but not as of now, until walang ganung klaseng regulation sa ibang banse, hindi gagalaw sec at bir diyan. Pero if meron man,sure hindi yun per transaction, kundi as annual income din just like any employees na nag pa-file ng ITR.
|
|
|
|
angrybirdy
|
|
February 02, 2024, 10:41:46 PM |
|
Actually matagal na nga itong usapin tsaka naka ilang years na nga tayo is still hindi sila nag kakaroon ng move regarding with the crypto ang pinaka latest na nga lang is itong issue with the Binance and we know its already february and still wala na pa din silang update sa case na ito kasi sure satin hodler sa binance eh, tapos ang ilan sa atin is talagang paldo na sa crypto pero sure ako aangal din sila or tayo na tahimik ang buhay tapos biglang magkakaroon ng ganito.
Sa totoo lang, matagal na talagang sinisilip itong crypto pero wala silang magawang hakbang kung paano ang gagawin nila dito kaya lumipat sila sa e-commerce. Kawawa lang talaga yung mga online businesses na maliit lang kumita tapos sisingilin pa ng tax tapos alam naman nating hindi napupunta sa tama yung mga binabayad natin sa gobyerno.
|
|
|
|
0t3p0t
|
|
February 03, 2024, 08:40:57 AM |
|
Actually matagal na nga itong usapin tsaka naka ilang years na nga tayo is still hindi sila nag kakaroon ng move regarding with the crypto ang pinaka latest na nga lang is itong issue with the Binance and we know its already february and still wala na pa din silang update sa case na ito kasi sure satin hodler sa binance eh, tapos ang ilan sa atin is talagang paldo na sa crypto pero sure ako aangal din sila or tayo na tahimik ang buhay tapos biglang magkakaroon ng ganito.
Sa totoo lang, matagal na talagang sinisilip itong crypto pero wala silang magawang hakbang kung paano ang gagawin nila dito kaya lumipat sila sa e-commerce. Kawawa lang talaga yung mga online businesses na maliit lang kumita tapos sisingilin pa ng tax tapos alam naman nating hindi napupunta sa tama yung mga binabayad natin sa gobyerno. Sinabi mo pa kabayan lalo na't dumami na ang mga buwaya sa gobyerno ngayon. Siguro para mas maimpose talaga nila mas mainam na sa mga local crypto exchanges na lang nila gagawin ang pagpapataw ng additional 1% kasi dyan din naman dadaan mga kinikita natin kesa naman isa-isahin pa nila ang mga cryptocurrency enthusiast para patawan ng karampatang tax napaka imposibleng gawin pero kung talagang kursunada sila ay magiging kumplikado na due to decentralization at pwede natin ideny na may kita tayo sa crypto.
|
|
|
|
DapanasFruit
Member
Offline
Activity: 1218
Merit: 49
Binance #Smart World Global Token
|
|
February 03, 2024, 09:50:00 AM |
|
Sobrang daming kinukuhang taxes ni BeBeM para lang ilagay sa confidential funds ng mga politikong nasa tunay na top rich list na ng Pilipinas. Wala talaga tayo magawa lalo na maliit na nasa eCommerce at crypto dito sa Pilipins kundi sumunod kung ano ang gusto ng pamahalaan kahit pa sino tamaan. Masakit ito sa mga maliit na tulad natin na kunti lang puhunan at kung minsan para na ding isang kahig isang tuka yun nga lang digital version sya. Di na ako aasa na i-reconsider to ng gobyerno sa totoo nga nyan marami pang industriya ang magulantang na lang na kasama na sila sa magbabayad ng buwis...baka nga darating panahon pati farmers at fisherfolks eh magbabayad na din ng ibat-ibang buwis. Tingnan na lang natin kung ano talaga ang ipapatupad na buwis sa cryptocurrency lalo na malapit na magsirado ang Binance operation dito sa Pilipinas.
|
|
|
|
|