•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?
Gaya ng sinabi ng iba, time management lang ang kailangan dahil kahit ilang oras lang ang ilaan dito sa forum ay pwede na. Staff ako sa isang private company, pag-uwi sa bahay, papasok naman ako sa online class ko (nag-aaral kasi ako ulit) tapos after, dito naman sa forum. Sinasabay ko rin yung pag self-study para maging VA para maging freelancer na lang.
•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Sapat naman dahil pareho kami ng asawa ko may trabaho at may negosyo rin na cellphone repair na matagal na naming business. Bonus na lang ang sideline dito sa forum.
•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?
Kung may opportunity na darating i grab lang. Mahirap din kasi makampante dapat laging prepared.
•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
Kapag pamilyado na tayo yung focus na lang ay ang kumita para sa pamilya. Para sakin, as long as may income hindi ko na iniisip yung negative sides dahil wala namang trabahong madali. Kailangan lang pagbutihin kasi in the future makikita rin naman yung bunga ng pinaghirapan natin.