I think hindi tayo dapat mag completely rely on AI para ito yung magiging sole condition natin to follow yung kanilang prediction. Remember, these AI tools only compile all the written information that has been written and compiled by people in the first place.
Like yung na-suggest ko before, AI prediction websites should be used as a TOOL and not as a main material in determining kung ano ba dapat yung mga cryptocurrencies na tataas or bababa sa presyo. If nag rely tayo sa kanila completely, there will always be some sort of error to the point na baka very avoidable sana.
Sure, maganda ang AI and yung mga nagagawa nito kasi sobrang convenient ang ginagawa nila for us. Pero we should only use this talaga as a tool lang and not the main material. Own research and information will always be superior to that of the findings of an AI and we should not completely rely on the latter solely for our decision in which crypto to invest in.
Well, at the end of the day naman nasa tao nalang talaga kung paniniwalaan nya itong AI o hindi. Oo sa ibang bagay nakakatulong ang AI sa mga ibang aspeto, pero para sa akin in terms of prediction sa trading ay never kung gagawin na iasa sa AI ang prediction analysis ko kapalit ng organic na pag-aanalisa ko sa trading activity na aking ginagawa.
Trading is trading, at matagal na itong ginagawa ng karamihang mga tao wala pa ang internet, nung umangat ang technology natin at nagkaroon ang AI dun lang naman ito sumulpot yang Ai na yan. So, majority sa nakita ko sa mga nagbigay ng kanilang mga opinyon sa pinag-uusapan natin dito ay ayaw ng karamihan na irely sa Ai ang prediction nila sa trading analization.