Di ako maniniwala jan. Lahat ng predictions gamit ang AI ay based pa din kung anong meron ngayon at sa past na data like the charts at using many indicators. So wala pa rin kasiguraduhan pero mapapabilis ng AI ang pagbasa ng charts using indicators na gusto natin. Kaya malaking tulong pa din ang AI pero never talaga niya kayang mapredict ang future with 100% accuracy. Mas mauna maging mataas ang accuracy ng AI predictions sa mga sports kay sa mga assets tulad ng bitcoin lalo na decentralized pa ito.
I mean ganun naman talaga yung analysis kahit sa anong larangan pa yan eh, ang pinagkaiba lang sa standard na analysis ay mas mabilis ito at kaya niyang ifactor lahat ng mga variables na pwedeng makaapekto sa presyo ng bitcoin, naiintindihan ko kung bakit hindi ka pa benta sa kapasidad ng AI prediction pero maghintay ka lang ng ilang taon at tiyak ako na hahanga ka talaga, may isa nga lang na problema pagdating sa ganiyan na bagay, maaaring hindi irelease ng mga AI developer sa publiko yung ganyan na klase ng AI at sa mga kumpanya lang nila ito ibebenta dahil sila yung may maraming pera naan pwedeng ibayad sa kanila, kahit na pinagtatawanan natin at nasusuka tayo sa mga AI artists, hindi dapat natin maliitin yung application ng AI sa iba pang fields.
- Alam mo kabayan kung sa ibang bagay ay malaki naman talaga ang naitutulong ng AI technology sa panahon natin ngayon, medyo trending nga ang AI at this point of time, diba? nagagamit na nga rin sa mga masamang bagay ang AI. Pero ang concept na pinag-uusapan nga ay yung sa prediction sa trading.
Kahit kelan kasi hindi mangyayaring maging maging maganda ang resulta ng AI pgdating sa sa Prediction dito sa trading. Sapagkat ang data nga naman na panggagalingan ay galing parin naman talaga sa TAO na gumawa ng AI, gets mo? SO kung tao parin naman pala ang origin na isasagot ng AI sa bagay na ito ay magandang sa sarili na nating analysis ang gawing prediction sa long as na meron tayong nalalaman sa trading talaga.