Helo sa mga kababayan ko dito, ngayon may nais lang akong ibahagi sa inyo dito na gusto ko rin na mapag-usapan natin dito sa section na para magkaroon tayo ng bigayang kuro-kuro sa bagay na ito. Madami sa atin dito maaring laging nababasa or napapanuod ang salitang LIQUIDTY pero ang karamihan na mga kapwa kababayan natin sa field ng crypto ay hindi pa talaga ito nauunawaan ng malaliman.
Kung kaya naman ibabahagi ko sa inyo yung konting nalalaman ko tungkol sa bagay na ito. Ang Liquidity ang isa sa mga kailangan natin sa trading na nakakalimutan ng most traders at hindi nila napapansin ito. Sabi nga nila " Kung hindi mo ang alam ang liquidity sa market then ikaw ang Liquidity ". So, para hindi tayo maging liquidity kailangan nating alamin o maidentify sa market.
So ang Liquidity ito yung kung gaano kabilis ang isang asset na maconvert into cash. Ibig sabihin the more na mabilis mabenta ang isang asset sa price ay meaning mabilis at malakas ang liquidity dun, madaming demand, mataas ang supply, or mataas and trading volume sa price na yun, in short ito yung open order o PERA. Pero kung mababa ang liquidity ng isang asset ay mahihirapan ka naman na maibenta ito dahil walang masyadong demand sa area na yun.
Halimbawa nagbebenta ka ng isang Pillow tapos ang halaga ay 100k sa currency natin ay sino naman ang bibili nyan? diba wala? kasi wala naman naghahanap at walang demand at sa quality ng Pillow. Maliban nalang meron akong iphone 15 na ibebenta ko ng 20 thousand pesos for sure madaming magtatanung nyan kung available pa, kung original ba yan, so basically ganito yung kalakaran sa liquidity.
The core of LIQUIDITYBuystop liquidity(BSL) - ito yung other words na RESISTANCE, ito rin yung the usual and common na nasa itaas. So bakit ganun hindi sa baba yung buy side eh sa baba nga tayo bumibili diba then negbebenta sa itaas? diba? Ang sagot ay dahil sa area ng Resistance dyan madaming STOP LOSS, kapag nabasag kasi yung Resistance ay madaming orders ang mag-aactivate, at karamihan na mag-aactivate ay mga Buy orders.
Kung mapapansin din ninyo two words itong BSL, ito yung BUY and STOP.
Sellstop liquidity(SSL) - ito naman yung kabaligtaran ng Buystop ganun lang yun.
Type of Liquidity1. Candle liquidity
2. Liquidity level
3. Trend Liquidity
Type of liquidity Action
1. Liquidity Hunt
2. Liquidity Grab
3. Liquidity Clear out
Reference:
Ano ang kahulugan ng Liquidity?Kung may tanung kayo, ipost nio lang sasagutin ko sa abot ng aking pagkaunawa at makakaya. Salamat