Sa lahat ng nakalista, yung Coins ph lang talaga ginagamit ko for convenience na lang din dahil madali maglabas at magpasok ng funds. Sa pagkakatanda tinry ko lang yung PDAX dati pero hindi masyado nagustuhan kaya nag-stick na lang ako sa mga international exchange.
Sa coins ph naman, yung basic app lang din ginagamit ko at hindi yung mismong trading platform nila na Coins Pro.
Ako din, madalas ako sa coins.ph ngayon dahil mukhang gumaganda siya. Inalis na nila yung coins pro at okay pa rin naman at sana lang ibalik nila yung sa mga load para sulit na sulit silang gamitin ulit.
Madami-daming balita dati nyan kaya yung iba nainis nung sinabi ni Unionbank na crypto friendly sila. Pero most naman nung incident na yun at before pa mag-announce si UB na crypto friendly at supporter sila.
May mga balita naman na din yun kaso nga lang related naman sa blockchain at parang hindi na hype yung ginawa nilang peso stablecoin, wala na akong update tungkol dun.
Eto yung isa sa mga hinahanap ko sa list kasi medjo matunog din to dati pero biglang nawala na lang recently.
Nagkaroon kasi ng kaso is Abra, nagregister na din ako diyan dati pero nanghingi agad ng KYC tapos noong gumawa ako ng konting research, parang delikado dahil may mga articles na lumalabas na tungkol sa kaniya. Okay sana mag hold at earn diyan kaso di ko na tinuloy, parang last update diyan na nabasa ko tungkol sa CPRX pero parang wala ding nangyari, failure din.
hindi ako makapag withdraw ng kahit anong crypto sa Maya hangang buy and sell nalang magagawa ko. Sobrang tagal nilang maayos kaya nagtataka ako kung na-hack kaya sila at ayaw lang nilang sabihin sa public.
Hindi naman siguro, kasi may magbubulgar niyan kung na hack sila. Parang ang sistema nila ay yung dating Paypal na nag adopt ng crypto at sa mismong platform lang nila puwede mag buy and sell at walang withdrawal. Kumbaga, numbers game ang nangyayari sa mga users at walang actual na crypto na tinetrade.
Sa dami ng exchanges na nabanggit, Coins.ph pa rin talaga ang pinaka-convenient para sa akin. Napansin ko rin na maraming nagkakaroon ng problema sa GCrypto at Maya pagdating sa bilis ng transactions, kaya di ko pa sila ginagamit at base na rin nung nag explore ako sa kanila. Ang PDAX naman, mukhang promising dahil sa mga bagong features nila, pero tulad ng iba, mas umaasa pa rin ako sa international exchanges. Sa Moneybees, narinig ko na mabilis ang response nila via chat, kaya interesting na subukan yan lalo na't may mga nearby locations. Sana nga mag-evolve pa ang local exchanges natin para mas maraming pagpipilian at maging mas competitive sa market!
Kaya nga kabayan, karamihan sa atin ay coins.ph parin talaga. Yung pagiging una niya at malaking exchange ang dahilan kung bakit parang convenient siya gamitin. Ang hindi lang nagustuhan ng marami sa PDAX ay laging may scheduled maintenance at parang nagkakasundo lahat pa rin ng mga exchanges na ito kapag bull run, lahat sila biglaang may maintenance.
Sa lahat ng mga nabanggit na mga lokal exchange ni op ay wala akong ginagamit dyan hanggang ngayon in terms of crypto activity. Puro mga international exchange lang din ang ginagamit ko na merong p2p features papunta sa gcash, seabank, at Maya apps.
Yung gcash kasi madalas kung ginagamit bilang personal wallets lang at pambayad sa mga billings ko at pagpapadala ng pera at the same time din pambayad sa grocery, restaurant, at pagwithdraw sa mga ATM basta bancnet. Tapos yung sa Maya apps naman nagagamit ko lang sa pagbili ng crypto kapag meron akong natatanggap na voucher amounting 20 pesos at ito yung ipambili ko ng crypto pero hindi ko pa nagagamit sa billings payment.
Pero mo naman i-try kabayan pero expect mo na yung KYC. Para kasing ang gusto ko lang dito ay suportahan din natin yung sariling atin dahil convenient din naman sila papunta sa e-wallets natin. May konting fees like 10 pesos per withdrawal kay coins.ph pero okay naman at instant basta instapay lang ang piliin. Pero yun nga, kung saan tayo convenient mag trade at mag withdraw, basta smooth ay doon tayo.
Makikita mo naka list sa article na shinare mo OP yung BloomSolutions - BloomX App(
https://bloomx.app/)
pero parang na sa early acccess phase pa lang sila, ibig sabihin may mga ibang user na gumagamit na nito basta may early access ka, so limited pa lang siya.
Curious ako ano itsura nito, baka meron sa inyo mga kabayan jan na nakasubok ng BloomX app na bumili/magbenta ng Bitcoin?
Hindi siya early access phase, dati pa yan kabayan at nag close na sila. Nagamit yan ng madami dati lalong lalo na sa panahon ni axie noong wala pang slp sa coins.ph at binance. Kung maalala mo yung sobrang mahal ng fee sa pag claim ng slp, isa sila sa nakilala sa panahon na yun. Sayang kasi mababa siguro demand sa kanila at kulang sila sa marketing, magandang choice din sana yang bloomx.
Local Crypto Exchange Reveals Reason for Shutting Down BloomX AppParang di ako familiar sa Moneybees siguro dahil wala itong mobile version ..
about International exchange? yeah mostly yan pa din ang gamit ng karamihan katulad ko .
Coins.ph and Gcrypto pa din ang madalas ko gamitin sa local though PDAX sometimes gamit ko din .
Through chat ka magbebenta sa kanila sa website nila, at magrerespond naman ang mga support nila sayo at totoong tao ang kachat mo diyan kabayan, base sa experience ko ay okay din naman si moneybees.
Kaya sa mga may plano diyan sa bull run, ayan yung mga exchanges na puwedeng pagwithdrawan niyo kapag medyo malaking amount ang ilalabas niyo.