Way back 2022 kung tama pagkakatanda ko nakapag earn ako ng 2M sa crypto dahil sa mga airdrop. At yang 2M na yan so far okay naman napag lagyan ko.
Bumili ako ng worth 800K na house and lot at ngayon kung ibebenta ko is worth 2M na. Kasi ang ganda ng development dito sa lugar namin kaya tumaas ang presyo.
Yung natitira sa 2M nalugi sa ibang negosyo at investment na crypto never naghintay na tumaas ang value at iba natalo sa sugal. Buti nalang kahit papano nakabili ako ng bahay at lupa tsaka may mga naipundar sa bahay. Kaya kahit papano thankful pa din. Sinusubukan ko ngayon kahit mataas na presyo ng bitcoin ipun pa rin nagbabakasakaling magkatotoo sinabi ng mga expert na mag $1,000,000 isang bitcoin. lol
Anong airdrop yan kabayan? Isang airdrop lang ba yan or accumulated galing sa iba-ibang projects? Di ko pa naranasan makakuha ng 7 digits sa airdrop pero hoping soon sa mga depin extensions na nasa pc ko makasungkit ng swerte.
Sa panahon ngayon, hindi na madali ang makapagpundar ng bahay at lupa kaya swerte ka pa din dahil nakapagpundar ka nyan. Tulad nga ng sabi mo doble na ang value nito kung ibebenta mo ngayon. Walang lugi sa bahat at lupq na investment dahil pwede mo din ito pagkakitaan kung nass magandang lugar. Pwede mo paupahan or maglagay ng maliit na tindahan paracmaglagay ng negosyo or parentahan din ito.