Hindi pa natin masasabi kung papasa o hindi, pero ang mahalaga ay may nag-file na ng bill. Sa tingin ko, hindi naman ito ganoon kahirap ipasa dahil ginagawa na rin ito sa ibang bansa, at dahil sikat na rin ang Bitcoin ngayon, baka ikonsidera nila. Strategic reserve lang naman ang usapan dito, pero kung magkano ang ilalagay nila, nasa kanila na ‘yun.
Yung Maharlika Investment, baka puwede na rin nilang ikonsidera na ilagay ang portion ng pondo doon.
Kahit na alam naman natin na low chance na ma approve to. Pero goods na goods parin ang ginawa ni Cong Villafuerte na e file ang Bitcoin Strategic Plan sa bansa natin dahil para maging aware ang gobyerno natin na pwede pala nilang e take advantage ang pag invest at pag adopt kay Bitcoin.
Yung Maharlika funds? Wag na natin asahan yun. Baka wala na yun dahil di na nagbibigay ng update ang gobyerno natin kung anong pinaggagawa nila sa pera ng taongbayan.
Kung papasa ito sa kasalukuyang house at senate ay nakasalalay sa presentation, at maraming deliberation, ang kalakaran kasi sa paggawa ng batas dapat mayroon din sa upper chamber na susuporta kasi magkakaroon yan ng deliberation at debatehan at mga house hearings.
Kaya nakasalalay ito sa main author na makakumbinsi ng mga mag coco author para mapabilis ang approval sa house at maipasa sa senate para sa kanilang verison naman, kaya kung walang senador na willing mag sponsor at magdeliberate sa floor mababaon ito.
Kya first step pa lang ito at malayo pa ito pero mas maganda yung mga stakes holders sa cryptocurrency ay mag umpisa na maglobby para umusad ito sa dami ng mga urgent bills mukhang mahina ang laban nito.
Hopefully ma e present talaga nila ng maayos ang bill nato para umabante. Kaya lets hope for the best na e consider ng administrasyon ngayon na makilahok sa mga bansang nag tatag na ng kanilang Bitcoin Strategic Reserve para di na naman tayo mapag iwanan.
okay naman para sakin. magandang magkaroon ng bitcoin reserve, but at the negative side hindi kaya mas lumala pa ang corruption, at the same time, magiging hot topic nanaman ang pagdating sa tax lalong magiging mainit nanaman sa crypto taxes ang bir kaya neto? maganda achievement din first in asia, baka magkaroon nanaman ito ng panibagong target ang mga corrupt officials, anu sa tingin nyo baka magdollar sign nanaman ang mga mata nila hehe.
Yan lang din ang negative sides nyan pero since BSP naman ang mag handle ng funds nito ay tingin ko safe naman at pwede din naman sigurong e track yun since everything is recorded naman sa blockchain.
Malabo for now since busy mga mambabatas natin sa mga infra project natin kung saan malaki ang nakukulimbat nila. Mga oldies din pati ang mga nasa finance department ng bansa natin kagaya ng BSP kaya sa tingin ko ay madami ang tututol dito lalo na kung makikita nila kung gaano ka volatile ang Bitcoin.
Maganda ito kung mapapasa tapos yung mga nakukurakot ng mga official ay dito malalagay dahil siguradong papaldo ang pinas.
Sana magdivert ng budget para dito kung sakali man mapasa.
Yun lang busy sila sa flood control anomalies ngayon, pero malay mo naman diba baka mapansin din nila pwede din pala sila gumawa ng kapaki-pakibanang na bagay na makakatulong sa bansa natin.
Sakto lang kahit naman may ganito wala pa din boss since sa current adminstration eh di papasa ito. They are favored to removal ng mga unnecessarily crypto related except dun sa mga affiliated nila like yung local dexes na talagang prinopromote nila like coinsph.
On the positive note, at least improving need na lang ng implementation.
Pero kahit na ganun paman ay ayos narin na may na file na batas para dito. Dahil nabigyan tayo ng pag asa na may mambabatas pala sa bansa natin na may alam sa Bitcoin at gustong mag sulong ng Bitcoin Strategic Reserve sa Pinas.
off topic: napansin ko na napaka sobrang baba ng tiwala ko sa gobyerno natin, ahahaha.
May ginawa ba silang tama ngayon? haha puro kapalpakan pinag aatupag ng mga tongressman ngayon.
Mahirap makurakot itong Bitcoin reserve dahil transparent ang Bitcoin blockchain at siguradong ipapublic ng gobyerno ang wallet address na hahawak sa Bitcoin reserve. Kung sakaling ma-aprubahan at marelease ang fund para sa Bitcoin reserve, madaling makita kung naisakatuparan ba ang planong ito sa pamamagitan ng pagcheck ng wallet address na naipublish to hold iyong Bitcoin na bibilhin.
Sa pagsubmit ng proposal for Bitcoin reserve, medyo alanganin ako na bibigyan agad ito ng pansin ng congress or ng senate. Baka tapos na ang termino ng presidente ay hindi pa ito pumapasa sa kongreso. Alam naman natin pagdating sa pagapprove ng isang bill proposal, kapag hindi siya ganun kainit sa masa, hindi ito pinapansin dahil nga sa kulang sa publicity.
Yun din since every purchase at iba pang transfer ay record. Tsaka lahat ng platforms sa bansa nag ask ng KYC kaya mabilis lang mahuli ang gustong mag kurakot.
Pero yun lang talaga ang downside nito sa ngayon since current congress ay parang hindi talaga ito bibigyan ng pansin lalo na't busy pa talaga sila sa ibang bagay.