Bitcoin Forum
February 15, 2026, 07:49:16 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Philippine Crypto Regulatory Framework  (Read 136 times)
TypoTonic (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 210
Merit: 443



View Profile WWW
August 24, 2025, 10:52:02 AM
Last edit: October 12, 2025, 04:13:10 AM by TypoTonic
Merited by crwth (1), fillippone (1)
 #1

Naglabas ng bagong CASP Rules and Guidelines ang SEC Philippines ngayong taon. Sa post na ito, ipapaliwanag ko yung mga nakalipas na framework para makita natin yung naging progreso sa loob ng walong taon at magbibigay rin ako ng sarili kong opinyon. Ilalagay ko sa baba yung mga link na pinagbasehan ko ng impormasyon.




  • Guidelines for Virtual Currency Exchanges - Circular No. 944


    • Petsa: February 2017
    • Ahensya: Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
    • Ito ang pinaka-unang regulasyon sa Pilipinas para sa mga crypto-related businesses. Dito opisyal na kinilala ang mga Virtual Currency Exchanges (VCEs) at inatasan silang magpa-rehistro bilang Remittance and Transfer Companies (RTCs).



  • Guidelines for Virtual Asset Service Providers - Circular No. 1108


    • Petsa: January 2021
    • Ahensya: Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
    • Ang mga Virtual Currency Exchanges (VCEs) ay pinalitan ng Virtual Asset Service Providers (VASPs), base sa international standards ng Financial Action Task Force (FATF). Dito, inatasan silang:
      • Magpa-rehistro sa BSP
      • Gumamit ng mga AML/CTF (anti-money laundering/counter-terrorist financing) controls
      • Magpatupad ng customer due diligence (KYC)
      • Kumuha ng certificate of Authority (COA)






  • Moratorium for new VASP Licenses - Memorandum No. M-2022-035


    • Petsa: August 2022, Epektibo simula September 2022-2025
    • Ahensya: Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
    • Pansamantalang itinigil ng BSP ang pag-apruba sa mga bagong VASP license applications sa looban ng tatlong taon. Tanging ang mga lumang lisensyadong VASP lamang ang maaaring magpatuloy ng kanilang operasyon.



  • CASP Rules & Guidelines - Memorandum Circular Nos. 04 & 05

    • Petsa: May 2025
    • Ahensya: Securities and Exchange Commission (SEC) Philippines
    • Inilabas ng SEC ang bagong CASP Rules and Guidelines, kung saan tinatarget nito ang mga crypto trading/investment platforms at exchanges. Kabilang sa mahahalagang requirements ng CASP ang sumusunod:
      • Local registration: Kailangan nilang isama ang crypto services sa kanilang business plans sa Pilipinas.
      • Capital threshold: Kailangan ay mayroong at least PHP 100 million na kapital, hindi pa kasama rito ang crypto.
      • Physical presence: Kailangan ng opisinang naglalaman ng mga kawani sa bansa.
      • Fund segregation: Paghihiwalay ng pondo ng kliyente sa assets ng kumpanya.
      • Trading and security rules: Listing standards, disclosures, at system safeguards.



Ito naman ang mga multa at parusa sa paglabag ng CASP Guidelines.

Registration fee - ang bawat application ng pagpapa-rehistro ay may kabayarang PHP 50,000.00 o kung magkano man ang determinahin ng komisyon.
Multa sa naantala o hindi pag file ng mga report - PHP 10,000.00 paunang bayad at PHP 500.00 kada araw ng pagka antala.
Multa sa kahit anong violation ng CASP Guidelines:

═════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════
    Bilang ng paglabag    
    Multa o Parusa    
═════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════
Unang beses:                 PHP 50,000.00 sa bawat paglabag                            
═════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════
Pangalawang beses:           PHP 100,000.00 sa bawat paglabag                            
═════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════
Pangatlong beses at higit pa:PHP 200,000.00 sa bawat paglabag, at pag kansela ng rehistro
═════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════════
Ginawa gamit ang Signatools Table Generator ni masulum



Base sa mga impormasyong ito, makikita natin na medyo late na tayo nagkaroon ng development, siguro dahil hindi pa masyadong kilala ang crypto sa Pilipinas before 2017. Parang nagsimula lang yata ito mag boom sa atin noong sumikat yung mga play-to-earn kagaya ng Axie Infinity at Plants vs Undead. Yung pinaka una nating crypto regulation ay lumabas 8 years after maimbento ang Bitcoin. Sa paglipas ng panahon, habang dumarami ang nakaka alam at nag a-adopt ng Bitcoin ay pahigpit na rin nang pahigpit ang regulasyon sa crypto sa Pilipinas. Hindi tuloy makapasok sa bansa yung mga malalaking international exchanges dahil hindi sila makakuha ng lisensiya.

  • Mga Update

    • Petsa: August 2025
    • Ahensya: Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
    • Naglabas ang BSP ng announcement noong August 29 na ieextend nila ang "moratorium for new VASP Licenses" at walang tiyak na panahon kung kailan ito matatapos.

  • Mga susunod na plano

    • Plano ng gobyerno na i-adopt ang Crypto-Asset Reporting Framework (CARF) sa 2028. Ito ay mga bagong alituntunin na ginawa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) na naglalayong gawing mas transparent ang mga transaction gamit ang crypto.




Talaan ng ilang mga patungkol rito:

https://www.ccn.com/education/crypto/philippines-sec-bans-crypto-exchanges-funds-risk-explained/
https://www.sec.gov.ph/mc-2025/sec-mc-no-04-series-of-2025the-sec-rules-on-crypto-asset-service-providers-sec-casp-rules/#gsc.tab=0
https://www.sec.gov.ph/mc-2025/sec-mc-no-05-series-of-2025the-sec-guidelines-on-the-operations-of-crypto-assets-service-providers-sec-casp-rules/#gsc.tab=0
https://insightplus.bakermckenzie.com/bm/banking-finance_1/philippines-sec-issues-rules-and-guidelines-on-crypto-asset-service-providers-casp
https://www.bsp.gov.ph/SitePages/MediaAndResearch/MediaDisp.aspx?ItemId=7647&MType=MediaReleases
https://business.inquirer.net/531185/ph-to-adopt-oecd-crypto-tax-framework

bettercrypto
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1974
Merit: 348


BETMOCO.com Premier casino


View Profile WWW
August 24, 2025, 01:49:39 PM
 #2

Yung pagpapatigil ng pagkuha sa VASP license effective hanggang 2025 o 2035? bakit parang sobrang tagal naman? hindi nalang sinabi na ban totally ang mga crypto foreign exchange dito sa bansa natin, hindi yung ganyan lantarang panloloko yang ganyang mga pinaggagawa nila. Ewan ko lang kung tama yung pagkakaintindi ko.

Kaya walang asenso ang bansa natin sa gobyernong meron tayo ngayon, edi lumalabas na kasinungalingan lang yung sinasabi ng Sec na binibigyan nila ng pagkakataon na makakuha ng lisence ang mga crypto foreign exchange kung ganyan naman pala yung policy ng pagpapatigil nila ng pagbigay ng VASP license? pero kung ngayon taon lang meaning kaya siguro nagbigay ng anunsyo na pwede ng kumuha ng lisence ang mga crypto exchange kaya ganun? tama ba?

.

BETMOCO


████
██
██
██
██
██
██
██
██
████
PREMIER CRYPTO CASINO & SPORTSBOOK
⠀Use code "BCT" for 50% Lossback | $5000 MAX
.
.
████
██
██
██
██
██
██
██
██
████
.

PLAY NOW
TypoTonic (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 210
Merit: 443



View Profile WWW
August 24, 2025, 02:18:01 PM
Last edit: September 12, 2025, 05:43:07 AM by TypoTonic
 #3

Yung pagpapatigil ng pagkuha sa VASP license effective hanggang 2025 o 2035? bakit parang sobrang tagal naman? hindi nalang sinabi na ban totally ang mga crypto foreign exchange dito sa bansa natin, hindi yung ganyan lantarang panloloko yang ganyang mga pinaggagawa nila. Ewan ko lang kung tama yung pagkakaintindi ko.

Kaya walang asenso ang bansa natin sa gobyernong meron tayo ngayon, edi lumalabas na kasinungalingan lang yung sinasabi ng Sec na binibigyan nila ng pagkakataon na makakuha ng lisence ang mga crypto foreign exchange kung ganyan naman pala yung policy ng pagpapatigil nila ng pagbigay ng VASP license? pero kung ngayon taon lang meaning kaya siguro nagbigay ng anunsyo na pwede ng kumuha ng lisence ang mga crypto exchange kaya ganun? tama ba?

As per Memorandum No. M-2022-035, natigil ang application ng mga bagong VASP licenses noong September 01, 2022 at magtatagal ito nang tatlong taon. Malamang ay iaangat na ang Moratorium na ito sa darating na Setyembre. Sa palagay ko mukhang totoo naman na bukas ang SEC sa mga foreign crypto exchange basta susunod sila sa mga alituntunin ng BSP para sa mga VASP at ng SEC para sa mga CASP.

Update: Naglabas pala ang BSP ng announcement noong August 29 na ieextend nila ang moratorium at walang tiyak na panahon kung kailan ito matatapos. Base ito sa thread ni @Natalim --> monopoly is happening?

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!