Icheck niyo rin itong iba pang mga
transparency data dashboard na ginawa nila. Imagine, pwede naman pala makagawa ng ganito kagandang mga project kahit community-driven at walang bayad. Paano pa kaya kung meron silang napakalaking pondo? Nakakahiya naman sa gobyerno natin.

Its impressive indeed. Sana lang maiapply to sa national for integration. When I heard them speak qnd explain sa senate hearing wih Mangalong mahahalata mo na they are efficient builder and may concern. Kaya wala din halos tanong ang mga ibang politicians kqsi they can see the professional handling it well and the only way forward is to try it. Ang hirap lang eh madaming balakid sa ganitong kaganda na plano. Well lets cross finger for that.
Maganda ito kung magkakaroon ng ganeto ang gobyerno natin, pero pagdating sa mga ganyan, I think mas mabuti nalang na maging opensource nalang iyan, kasi magiging additional budget pa ito, at mapapatungan nanaman ng mga tonggress, since about lang naman ito sa information ng government, SALN, Budget, and other information services from the governent, maiiwasan pa ang pagmanipulate, besides, ang source din naman ng information ay galing sa government websites, etc., so if fake ang inilabas ng government or tamper, ganun parin, last time kasi, nabasa ko, ung pinagusapan nila parang 1billion ung hinihingi na pondo, which parang too much, wala pa ung project gusto na agad pumaldo ng mga meron.
Alam mo kasi, kung may idea ka kung pano ginagawa ang budget sa national dito sa bansa natin, ay yung mga hokus pokus na nangyayari sa Bicam pagdating sa GAA nagkakaroon na ng mga blank, since na ang approval ay mangyayari sa GAA ang pipirma dyan ay yung Presidente.
Kaya imposibleng hindi yan makikita ng presidente, so bago iforward ito sa Gaa filled na yung blank na ginawa sa Bicam, inserted na kumbaga. Isipin mo pagdating ng GAA ang veto lang na ginawa ng presidente ay nasa 29Bilyons at ang natira ay 421bilyons ito ay tungkol sa budget na ginawa para sa 2025, ito yung pinagpiyestahan ng mga buwayang kaalyado nya. Paano yung inutang na trilyons kanino kaya mapupunta yun? para sa aking opinyon, bulsado na yun ng presidente, parang ganito yan, siguro iniisip ng presidente bahala na kayo dyan sa 421 bilyons na mga alipores ko basta sa akin naman ang inutang na trilyons sa ibang bansa, at tayong mga mamamayan naman ang magdurusa sa inutang na trilyons dahil tayo magbabayad. Kaya diskumpyado parin talaga ako dyan.