Going back sa signature campaign issue, If I am not mistaken pwede ka naman mag karon ng alt accounts at isali sa mga signature campaigns pero hindi sa iisang campaign kase dapat ay isang account lang sa isang campaign. Also kung magkakaron ka ng alt account pwede mo naman iindicate na sayo yon at wala naman masama doon for transparency nalang din. Nakakalungkot lang na meron talagang tao na medyo greedy alam naman natin na ang sobrang paghahangad ay may hindi maganda na kapalit, in his case... lahat ng account na connected ay malalagyan ng negative trust at hindi na pwede makapag participate sa kahit anong campaign.
Salamat sa pag bring up nito dahil totoo naman, wala naman masama kaso kitang kita kasi na nag violate siya ng rules dahil sa ban evading. Hindi pa ganun kalala yung alt na nasa isang campaign dahil discretion na ng campaign manager na tanggalin sila. I'm not sure kung may na ban na about dun. Sa ban evading sila nadali kasi ang pinag sesendan nila ng proven na address ay sa na ban na account so technically, damay sila dapat doon.
Anyway, balik tayo sa main point. Totoo, kung paglipat ng pondo ng gobyerno pag-uusapan, madali lang naman talaga i-trace kung gusto. Pero yung mga corrupt, sanay na sanay na sa palusot. Gaya nga ng mga flood control projects, sa papel, kumpleto lahat ng dokumento, pero pag actual mo na tinignan, ghost project pala o kaya sobrang substandard ng gawa.
Paano mo ittrace yung "kung gusto"? Hindi basta basta maoopen ang bank accounts ng tao unless may order to open it etc. Dun mo lang makikita ang flow ng pera. Kaya sinusulong itong blockchain tech para maging publicized yung funding at yung galaw ng pera, makita at magkaroon ng accountability. Dun mapapadali ang pagsusuri ng kung sino man ang may gusto. Kaya sa tingin ko makakatulong talaga ang blockchain.
Para sa akin lang, 10% handa. Kahit nga nag kaibigan ko at mga kapitbahay ko, hindi nga nila alam yung Bitcoin. Mas lalo na yung blockchain? Kung magiging batas ito, maraming mga deparmento ang mahihirap at kailangan na magdadag tauhan na experto nito. Siguro nga mas transaparent ang transactions na makikita natin pero ang tanong, maging transparent ba ang ginawa nila. Baka sa transactiosn lang kompleto pero kulang ang resulta. Baka mas marami pang kalukuhan ang mangyari.
Kailangan nila ng tamang training, madali lang yan dahil hindi naman sila ang mag lalagay nung chain. Sa tingin ko ang gagawin lang nila is parang mga forms na madali. Hindi nila kailangan intindihin ang technical know-hows about dun, ang kailangan lang nila malaman ay yung rason bakit ganun ang iniimplement kung sakali maipasa na ito.
Pero para sa akin, hindi ito ang tatapos sa kurapsyon sa bansa natin. Hanggat walang mabigat na parusa sa mga corrupt na officials, hindi sila matatakot magnakaw. Mas lalo na ang batas natin ay subrang bagal. Okay didto sa forum kapag nahuli ban or red tag agad, pero sa bansa natin kahit subrang klaro na, wala paring nakukulong.
Sa tingin ko it's a step forward pa din, dahil hindi naman basta basta matatanggal yan dahil sistema na siya sa gobyerno. Kailangan ng tamang systems in place para matanggal na yan. At sa usapan na kulong, dapat talagang may makulong na at dun na sila mag Christmas sa kulungan.
Grabe limang account yung binded tapos isang owner lang, pero ayun nga yung point about government is para sa akin is need na talaga ng government maging mas transparent which is ito ngang pinupush regards with the blockchain para aware ang lahat ng tao about the expenses and no tampered at all, as of now may isang city forgot if saan is mag adapt daw sila ng crypto gamit ng polygon network di ko lang sure if totoo pero if magkatotoo man ito is malaking changes pa din for transparency ang mangyayari. Sana nga mapabilis itong bill na ito para ang lahat ng tao wala nang duda sa mga ginagawa ng government.
Baka ang tinutukoy mo ay yung sa Baguio. Eto yung nakita kong reference
https://goodmorningbaguio.com/baguio-blockchain-government-transparency/
I hope the new generation of leaders dito sa ating bansa will really push for this implementation and start change. Nakakalungkot lang makita na ang bansa natin ay considered one of the worst sa Asia in terms of all sectors. In other words, we're the BEST in all the wrong reasons (e.g. worst tourism, highest corruption, etc.).
Sana talaga mag karoon ng pagbabago. Maling mali at minsan, nakakahiya maging Pinoy lalo na kung nag travel ka sa ibang bansa dahil puro negative news ang naririnig nila at posibleng nabasa. Kung hindi tungkol sa mga kalamidad, puro negative naman sa pag papatakbo ng bansa. Nakakalungkot.
Kung ako ang tatanungin handa naman ang pinas sa transparency, pero handa ba ang mga goverment officials?
Naitanung ko ito dahil, for sure they will do anything in their power to stop this, they will make any excuses just to dodge the bullet ika nga, kasi kung tutuusin madali lang naman iyan, kung gugustuhin nila, subalit mayroon silang proprotektahan, kasi sasabit silang lahat, sa lahat ng batas for sure na naipasa mayroong provisyun, hindi ko lang alam if napapansin ninyo may butas, palage na iyon ang ginagamit na para makatakas sa pangil ng batas.
Mayroon dapat isang tao na matuwid, at walang bahid subalit mahirap hanapin pero meron yaan, na lalaban, dito nga sa flood control katakot takot na paglihis sa katotohanan, isipin mo flood control project napunta sa dolomite na hindi ghost project dba?
Dapat maging handa sila. Hindi pwedeng hindi nila gawin 'to dahil pera natin 'to, pera ng taong bayan tapos sila lang ang nakikinabang. Kitang kita naman yung mga nangyari sa Cebu ngayon, andaming nasirang mga bahay pero bilyon naman ang linaan sa flood control, walang nangyari. Sobrang nakakalungkot. Sana naman tama ka na mag karoon ng tamang mamumuno sa bansa na matino. Sana makapagisip ang mga tao sa mga nangyayari ngayon at tanggalin ang bias.
Hindi ko alam na flood control project ang pinanggalingan ng funding sa dolomite. May reference ka tungkol dito?