Marami din akong ganito pero kahit papano naman kumita parin naman siguro tayo, depende nalang siguro kung puro loss ang mga nakaraan naten or yung mga unang pasok nalang dito sa crypto

. Pero sa totoo lang ang nakakapanghinayang lang talaga kahit na kumita naman talaga tayo dito sa crypto, is yung bakit hindi tayo sumagad dati na sana nag-all in nalang tayo or naginvest pa ng masmalaki noong bagsak pa at puro mabababa pa ang presyo ng mga cryptocurrency noong around 2017 siguro pagkakaalala ko na nagstart ako kung saan yung mga matataas na presyo na altcoins ngayon barya lang dati.
Isa siguro sa mga regrets ko is hindi ako naging maingat sa paghawak ko sa pero noon na kumikita ako ng malaki sa cryptocurreny siguro dahil estudyante pa ako noon kaya hindi ko masyado nakikita o hindi pa ako marunong magmanage ng pera ko, dahil student pa lang ako malakas akong gumastos noong mga panahon na yun and kapag nakakachamba at kumikita binibili ko kaagad and hindi ko iniisip na magreinvest dahil na iisip ko kikita pa naman ako kapag nagtrabaho na ko. Iba talaga ang mindset and knowledge, naisip ko kung maaga pa lang naginvest na ako ng long term siguro nagagawa ko na ng maaga yung mga gusto ko.