Probably hindi isang bagsakang 5 bilyon piso agad, pwedeng inunti-unti ito sa maliit na halaga pero still napakalaking pera niyan unless meron talaga silang ka p2p na merong ganyan kalaking halaga like from abroad. I don't know if it was true o ginagawan lang ng kwento pero if onchain yan mas public yan at madaling ma trace.
Most likely nga ganito, kasi mahirap yung isang bagsakan na worth 5B cash. Possible, umpisa palang ay dinadaan na nila sa crypto siguro just to be safe in case na dumating sa point na magkaalaman na kung pano sila mangurakot.
Or pwede ding, meron talagang tanong willing makipag p2p sa kanila ng ganyang kalaking pera. We'll never know how these powerful, rich, and corrupt people works para lang maitago ang baho nila. Siguro kung para sa ating mga simpleng mamamayan ay parang imposible, pero pag dating sa kanila ay nagiging possible basta may pera at para sa pera.