Wala na sirang sira na ang coins.ph dito satin community. So kung tatanungin na kaya ba higitan ng coins.ph yung existing company na nagooffer ng same service mukhang malabo na. Hindi sya kasi katulad ng backed ng mga big telco like smart and globe, ito yung mga pinaka biggest advance ng Maya at Gcash.
Tsaka kung ako naman users bakit pa ako lilipat sa iba or kakagamit ng iba kung okay or mas better na yung app na ginagamit ko ngayon. Not unless nalang siguro kung mag pa bounty sila ng malaki sa mga gumagamit baka itry ko app nila ulit..
Tama ka jan kabayan, di ko din alam kung bakit kapag local is sobrang gahaman kase nila kaya ayan maraming users talaga ang nawala na sa kanila kaya mahirap na bumalik lalo na sobrang lala din ng experience ko jan sa Coins.ph nalock ang account ko and hindi ko na naaccess may laman pa na BTC yun nafreeze.
Pero mukang way nila to dahil wala naman na silang choice need nila magadopt dahil napagiiwanan na talaga sila ng ibang mga platform, sayang dati sobrang popular pa naman ng coins.ph noong 2016 halos lahat siguro ng nagcrycrypto dito sa bansa coins.ph ang gamit and sobrang dali pa magwithdraw rekta na agad sa bank or atm machines, naalala ko pa security bank ang madaling withdrawal.
Sobrang dami lang talagang issues and hindi na nila naayos kaya ayon nagalisan na ang mga user tapos mageevolve sila sa financial app, lalaki lang lalo ang problema nila hindi rin babalik ang mga user kung hindi naman inayos yung mga dating issues.