Bitcoin Forum
October 07, 2026, 05:20:44 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: « 1 [2]  All
  Print  
Author Topic: Do not Delete for Translation  (Read 789 times)
fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 504
Merit: 364


You Attract What You Are


View Profile
May 31, 2026, 02:46:12 AM
Last edit: May 31, 2026, 10:26:30 PM by fullfitlarry
 #21

15. Coin Control
bumalik mula sa talaan ng nilalalaman

Ang coin control na tampok ay pinapayagan ka kung paano mo ma kontrol ang pag gastos ng coins iyong HD wallet. Maaari kang pumili kung anong address ang magpapadala ng mga coins at kung alin sa mga coins na natanggap mo ang gagamitin.

Kapag nagpapadala ka ng bitcoin sa ibang tao, ang bitcoin client ang pipili ng medyo random sa kung alin sa iyong mga address ang magpapadala ng mga coins. Sa coin control, maaari eksakto ang piliin. Mas tiyak kung alin sa iyong unspent outputs ang magpapadala ng inputs.

Imahe sa ibaba kung paano i-enable ang coin control sa Bitcoin core wallet

Settings > Options > Wallet > (tick) Enable coin control features.




Ang imahe sa ibaba ay pinapakita kung paano mo gastusin (Gumamit ako dito ng Electrum Wallet - Bitcoin testnet para sa halimbawa)




Paano gamitin?

1. I-Click ang Address tab
2. Pumili ng address na gusto mong gastusin
3. I-Right-click at piliin ang spend from



Ang imahe ay pinapakita, ang iyong coin control ay aktibo.

ito ang Halimbawa ng transaksyon gamit ang coin control



Ang transaksyon na ginawa ko ay magmumukang ganito:[/b] https://live.blockcypher.com/btc-testnet/tx/dcfd79703dc27b32b636d10dd037e5ea53055641cbe18c558b6d89a81ccaef09/ (* wag ipakita ang tx id kung gusto mo ng privacy)


Mga pinagkunan:

[1]. https://medium.com/@nopara73/coin-control-is-must-learn-if-you-care-about-your-privacy-in-bitcoin-33b9a5f224a2
[2]. https://bitcoin.stackexchange.com/questions/37486/what-does-bitcoin-cores-coin-control-features-do-and-how-do-i-use-it
[3]. https://cryptomining-blog.com/tag/what-is-coin-control/

fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 504
Merit: 364


You Attract What You Are


View Profile
May 31, 2026, 02:57:24 AM
Last edit: May 31, 2026, 10:25:10 PM by fullfitlarry
 #22

16. Circuit of Transactions
bumalik mula sa talaan ng nilalalaman

Noong 2013 Bitcoin Conference sa San Jose, CA [1], si Olivier Coutu mula sa University of Montreal Canada ay nag-alok ng isang Circuit of Transactions sa pamamagitan ng paggamit ng network theory papuntang istruktura ang mga Bitcoin transactions na bumuo ng kumplikadong circuits, na ginagawang mas mahirap sundan ang mga pagkakakilanlan ng mga partidong kasangkot [2].




May ilang konsepto ng mga networks ang ginagamit sa circuit ng mga transaksyon, halimbawa.:- Butterfly Network [3]



- Benes Network [4].


Benes Network from Wikimedia Commons [4]

Ang transaksyon circuit ay gagawing mahirap na suriin ang pagkakakilanlan ng mga may-ari ng Bitcoin address na kasangkot sa mga transaksyon, kaya't lalong tumataas ang anonymity ng Bitcoin.[5].
Gayunpaman, ang matemakita sa likod nito ay kumplikado, at hanggang ngayon ay wala pang madaling implementasyon ang nagawa. [6].

Walang partikular na orihinal tungkol sa protocol na ito;
Sa unang tingin, ang konsepto ng transaction circuit ay katulad ng Coinjoin.
Ipinakita ni Olivier Coutu ang Circuit of Transactions. (Decentralized Mixers for Bitcoin) sa Bitcoin conference noongMay 2013 habang si Gregory Maxwell's ang CoinJoin ay August 2013. May ibang mas simpleng konsepto ang lumabas, katulad ng ipinatupad ni Taaki at Martin (ngunit ang paunang ideya ay hindi rin maihihiwalay sa konsepto ng CoinJoin na iminungkahi ni Gregory Maxwell) [6].

Sanggunian:
[1] Bitcoin 2013 conference - Olivier Coutu - Decentralized Mixers for Bitcoin
     https://www.youtube.com/watch?v=6hc8qaR_Fok
[2] Olivier Coutu, Privacy in Bitcoin through decentralized mixers
     https://core.ac.uk/download/pdf/151552849.pdf
[3] Martin Collier. A systematic analysis of equivalence in multistage networks. Journal of Lightwave Technology, vol. 20, No. 9, September 2002
     https://pdfs.semanticscholar.org/9c3a/5530f8492dc63d200f08080ea93c2f0cd6ac.pdf
[4] https://en.wikipedia.org/wiki/Clos_network
[5] Dimaz Ankaa Wijaya, Bitcoin Tingkat Lanjut, page 60: Puspantara, 2016.
     https://play.google.com/books/reader?id=EEFgDQAAQBAJ&hl=en&pg=GBS.PA60
[6] Vitalik Buterin, Trustless Bitcoin Anonymity Here at Last, 2013
     https://bitcoinmagazine.com/articles/trustless-bitcoin-anonymity-here-at-last-1377737692
-    Other references look at post #1

fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 504
Merit: 364


You Attract What You Are


View Profile
June 08, 2026, 11:09:08 AM
Last edit: June 11, 2026, 01:59:02 AM by fullfitlarry
 #23

New translation:

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5582531

Gabay para sa Bagong Gumagamit: Paano ako mag-lathala ng mga larawan sa forum?
Pinalakas ng TalkImg


Una sa lahat, maligayang pagdating sa Bitcointalk forum. Dito ay matatagpuan mo ang isang kamangha-manghang komunidad na tutulong sa iyo na matuto tungkol sa mundo ng Bitcoin at marami pa. At kung sila ay darating para mag-a-anunsyo sila ng serbisyong may kaugnayan sa Bitcoin, lubos itong pahahalagahan; lahat tayo ay gusto ng mga bago at maaasahang serbisyo, at ito lamang ang paraan ng Bitcoin para patuloy na pa itong lumago.

Ngunit kung ikaw man ay isang tagahanga ng Bitcoin o isang tagapagtaguyod ng serbisyo, may isang bagay na dapat mong malaman bago ka magsimulang galugarin ang forum ay: kung paano mag-lathala ng larawan sa forum. Ginawa ko ang gabay na ito sa pag-asang makakatulong ito sa iyo, bilang bagong gumagamit.

 Paano gumagana ang mga larawan sa forum?  .:
Ang BitcoinTalk ay walang sistema para mag-upload ng mga larawan, at hindi rin ito direktang nagho-host ng mga larawan. Kaya, upang mag-host ng larawan, kailangan mong gumamit ng panlabas na iamge serbisyo. Bukod dito, ang forum ay may ilang partikular na patakaran tungkol sa mga larawan na dapat mong isaalang-alang:
  • Tumatanggap lamang ng larawan sa mga sumusunod na formats: JPG, JPEG, PNG, GIF
  • Hindi pwedeng mahigit sa 2.5MB na espasyo

Dapat ding banggitin na ang forum ay gumagamit ng image proxy, na tinitiyak na lahat ng larawang tinitingnan ng mga gumagamit ng forum ay dumadaan sa proxy na ito. Pinapayagan nito na ang mga gumagamit at pagkakakilanlan sa web ay manatiling protektado kapag ginamit ang mga panlabas na hosting na mga serbisyo. At katotohanan na ito ang dahilan na ang ilang image hosting na serbisyo at na nagba-block sa proxy na ito dahil sa sobrang dami ng mga kahilingan. Kaya, mahalaga na pumili ng serbisyo sa pagho-host ng larawan na hindi gumagawa ng ganitong uri ng hadlang, tulad ng TalkImg.


 Kailan ako pwedeng mag lathala ng larawan?  .:
Mayroon ding mahalagang alituntunin sa forum: pwede ka lamang mag lathala ng larawan kapag ikaw ay Junior member.

Ang ibig sabihin nito kahit na mag-lathala ka ng link ng larawan sa forum, hindi ito makikita hanggang hindi mo pa naaabot ang antas na to. Hindi na ako pupunta sa detalye sa gabay na to kung paano tumaas ang antas, pero pwede mong konsultahin ang mga sumusunod na paksa para sa karagdagang impormasyon:
FAQ: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa 'activity' ng forum, mga ranggo ng account, at merit
Merit at mga kinakailangan para sa bagong ranggo

Depende sa iyong aktibidad/partisipasyon sa forum, maaari kang makarating sa Junior na antas sa loob ng 6-7 linggo. Ngunit, kung ayaw mong maghintay (halimbawa, kung layunin mong i-promote ang isang serbisyo), pwede kang kumuha ng pag-subscribe sa Copper. Sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang beses na bayarin, mawawala ang mga paghihigpit na ito. Pakitandaan na hindi ito sapilitan! Kailangan mo lang gawin ito kung nais mong maagang magdagdag ng mga larawan. Karamihan sa mga gumagamit ng forum ay mas gusto na maghintay hanggang sa pwede na silang makapagdagdag ng mga larawan.

 Paano mag dagdag ng larawan sa paksa/lathalain?  .:
Tulad ng nabanggit dati, Ang BitcoinTalk ay walang pindutan para mag-upload ng mga larawan, at hindi rin sapat na i-drag at i-drop lamang ang larawan sa paksa/lathalain sa lugar na iyong ginawa. Ang mga lathalain sa forum ay nakabatay sa nakasulat na teksto at BBCode code (maaari kang matuto pa tungkol dito).

Ang ibig sabihin nito ay kailangan mong isulat sa teksto ng iyong lathala ang code at ang link sa larawan na ibinigay ng serbisyo sa pagho-host ng larawan. Kailangan mong isulat ang [img] tag at sa loob ng tag ilagay mo ang link ng larawan. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa:

Paano ito sinusulat: [img]https://www.talkimg.com/images/2026/05/09/UJfwVG.png[/img]
Tulad ng makikita:



 Paano gumagana ang mga sistema ng pagho-host ng mga larawan?  .:
Sa madaling sabi, ang kailangan mo lang ng link sa isang imahe. Gayunpaman, para magamit ito sa isang forum, inirerekomenda na gumamit ng serbisyo ng pagho-host ng imahe sa halip na kopyahin nang direkta ang mga link mula sa ibang mga websites. Ang pagkopya ng links sa ibang websites ay maaaring lumabag sa ilang patakaran ng sites, at ang imahe at madaling ma-block ng website na iyon kaya hindi ito maipapakita sa forum.

Kaya naman, may mga serbisyo na pinapayagan sa isang tao na mag-upload ng mga larawan at makatanggap ng link, na pwede nilang gamitin dito sa forum. Halos lahat ng ganitong uri ng serbisyo ay gumagana sa parehong paraan, at karaniwang madaling gamitin. Sundin ang mga hakbang na ito kung gagamit ka ng TalkImg (ito ay libre).


1. Pumunta ka sa www.talkimg.com at i-click ang "Start Upload" o simpleng i-drag ang imahe sa pahina.


2. Pagkatapos piliin ang imahe, isang kumpirmasyong pahina ang lalabas; simpleng i-click ang "Upload" (tandaan na ang mga imahe ay dapat sumunod sa mga alituntunin na binanggit sa itaas).


3. And upload ay kumpleto na, at kapag tapos na, isang link/code ay lalabas para kopyahin mo.


4. I-paste ang link/code sa lathalain na iyong sinulat:



 Konklusyon  .:
Para sa mga hindi pamilyar sa ekosistema ng forum, at lahat ng ito ay mukhang kumplikado. Ngunit naniniwala ako na mas simple at mas praktikal ito kaysa sa unang tingin. Habang patuloy mong tinutuklas ang forum at nakikilahok, makikita mo na ang lahat ay halos awtomatiko.

Sana ay makatulong ang gabay na ito sa iyo upang maintindihan kung paano gumagana ang mga imahe sa forum. Narito ang dalawang karagdagang paksa na maaaring makatulong kapag nag-lathala ng mga imahe sa forum:
Gabay sa pag-post ng mga larawan (may pagbabago ng sukat), at hyperlink
Gabay: Pinakamahuhusay na kasanayan sa paggamit ng mga larawan sa forum/web



Paalala ng May-akda: Sa buong gabay na ito, imumungkahi ko ang serbisyo ng TalkImg para mag-upload ng mga larawan, ngunit malaya ang gumagamit na pumili ng kanilang nais na serbisyo sa pagho-host ng larawan. Ang serbisyo ng TalkImg ay nilikha para sa forum; kung nais mong malaman pa, bisitahin ang opisyal na paksa.

fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 504
Merit: 364


You Attract What You Are


View Profile
July 17, 2026, 01:24:16 PM
Last edit: July 26, 2026, 01:12:10 PM by fullfitlarry
 #24

New translation: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5243405.0
by: notocactus

|
Mga nakatagong pahina/ tampok
|
Mga paglalarawan ng use case
|
|Donasyon sa forum||
|Donasyon|Impormasyon tungkol sa mga nag-donate sa forum (donators - 10 BTC, VIP - 50 BTC). Mga kasong kapuri-puri ay hindi kasama|
|Ads||
|adinfo|Pagkuha ng impormasyon tungkol sa mga kasalukuyang ad slot (9 na pangunahing slot at 1 factoid slot)|
|adstats|listhan ~eksaktong bilang ng mga impression para sa ads|
|Seguridad||
|Mga gantimpala sa seguridad|Pag-uulat ng mga kahinaan sa seguridad ng bitcointalk.org at pagtanggap ng bayad sa bitcoin.|
|seclog|Nagising, pagpapalit ng password (Jr. Members - default). I-click ang 'Show all' para makuha ang detalye ng mga newbies.|
|modlog|Mga binura/tinanggal na posts, mga threads; awtomatikong na-ban/tuluyang tinanggal na accounts. Pansamantalang na ban na accounts na hindi kasama rito.|
|captcha bypass code|Ang iyong unique na captcha-bypass na link. Tingnan ang anusyo|
|Tungkol sa privacy|Ang pagbibigay ng pinakamahusay na paglalarawan sa ating kasalukuyang mga gawain patungkol sa mga usaping may kinalaman sa privacy, at hindi ito isang kasunduan.|
|Ang iyong session code|Ang lahat ng iba pang aktibong session ay ila-log out, ngunit hindi ang kasalukuyang session.|
|Patrol||
|Mga kamakailang post|Huling 100 na kamakailang post (mula sa lahat ng account)|
|Patrol|Huling 200 na kamakailang post (mula sa Newbie na accounts)|
|Patrolyang walang gantimpala|Huling 200 na kamakailang post (mula sa Newbie na accounts (sa labas ng  bounty threads)|
|Mga pinakabagong post na naka-customize|Huling 100 na kamakailang post (mula sa lahat ng accounts) sa specific board (ex: 1 ~ Bitcoin discussion)|
|Pasadyang patrol na walang nakatakdang pabuya|Huling 200 na kamakailang post (mula sa Newbie na accounts (sa labas ng bounty threads) (ex: 1 ~ Bitcoin discussion)|
|Listahan ng mga post/thread ng user||
|Listahan ng mga thread ng isang user|Listahan ng isang user na threads sa partikular na boards (ex: 24 ~ Meta; 1292764 ~ my UID)|
|Listahan ng mga posts ng isang user|Listahan ng isang user posts sa partikular na boards (ex: 39 ~ Beginners & Help; 1292764 ~ my UID)|
|Mga istatistika ng forum||
|Sentro ng estadistika|Mga istatistika ng forum (Ang Kasaysayan ng Forum — gamit ang time offset ng forum — ay hindi na gumagana simula pa noong huling bahagi ng 2017)|
|Paglalabas ng datos ng merito|Paglalabas ng datos ng Merit tuwing Biyernes ni theymos|
|Mga kamakailang merito|Huling 500 transaksyon ng merit|
|Mga kamakailang paksa na may pinakamataas na pagkilala|50 pinakamataas na merit ng kamakailang paksa|
|Mga paksang may pinakamataas na merito sa lahat ng panahon|50 pinakamataas na merit ng kamakailang paksa, sa lahat ng panahon|
|Mga kamakailang tugon na may pinakamataas na pagkilala|50 pinakamataas na merit na mga tugon|
|Mga tugon na may pinakamataas na merito sa lahat ng panahon|50 pinakamataas na merit na mga tugon, sa lahat ng panahon|
|Mga user na may pinakamataas na merit, kamakailang merit|50 pinakamataas na merit users, kamakailang merit|
|Mga user na may pinakamataas na merit sa lahat ng panahon|50 pinakamataas na merit users, sa lahat ng panahon|
|Mga pinakamapagbigay na nagpadala ng merit kamakailan|50 pinaka-mapagbigay na nagpapadala ng merito, kamakailan|
|Pinakamagagandang-loob na nagpapadala ng merit sa lahat ng panahon|50 pinaka-mapagbigay na nagpapadala ng merito, sa lahat ng panahon|
|Mga nangungunang nagpadala sa mga user na permanenteng na-ban, sa nakalipas na 180 araw|50 nangungunang nagpadala ng nagpadala sa mga user na permanenteng na-ban, sa nakalipas na 180 araw|
|Estadistika|Mga estatistika sa kabuuang pinagmumulan ng merit at kabuuang merit na nalilikha sa sMerit kada 30 araw|
|Tiwala||
|Mga setting ng pagtitiwala|I-setup / i-update ang mga setting ng trust; pangkalahatang-ideya ng trust network|
|Paglalabas ng datos ng tiwala|Paglalabas ng datos ng tiwala (trust data dump) ni theymos, tuwing umaga ng Sabado.|
|Paghahati hati ng Default ng tiwala|Paghahati hati ng Default ng tiwala|
|Mga kandidato ng DT1|Hanapin ang listahan ng lahat ng kandidato sa DT1.|
|Hanapin ang eksklusibong listahan ng DT1 ng isang user sa forum.|Gamitin ang user ID ng user na gusto mong hanapin ang kanyang DT exclusive list.|
|Hanapin ang kumpletong listahan ng DT1 ng isang user sa forum.|Gamitin ang user ID ng user na gusto mong hanapin ang kanyang DT inclusive list.|
|Iba't-iba pa||
|Mga bayad na membership|Magbayad ng isang beses upang mapataas ang kakayahan ng iyong account. Copper membership lamang ang mayroon sa ngayon.|
|Mga nakatagong BBcodes|Ilang karagdagang smiley gamit ang BBcode|
|59 na BBCode tags na kinikilala ng parser|Isang alpabetikong pagkakaayos ng 57 pangalan ng tag|
|Pagkainis|Mga nakakainis rediction na mga serbisyo na pinagbabawal.|
|Pababang mga pagkakasunud-sunod ng thread batay sa bump-score|Listahan ng mga thread ayon sa pababang bump score sa mga hindi target na boards|
|Pataas na pagkakasunod-sunod ng mga thread batay sa bump score|Listahan ng mga thread ayon sa pataas bump score sa mga hindi target na boards|
|Ang pina-ikling forum nalinks|Mga pinaikling link ng mga thread/post sa forum(Kapaki-pakinabang ito para sa table)|
|Ignore board preference|Pumili ng mga board na hindi papansinin|
|Pahina ng Tulong para sa Gumagamit ng SMF|Pangunahing gabay sa istruktura ng SMF forum|
|Ang SMF Bulletin Board Code|Listahan ng mga SMF Bulletin Board Code|
|Mga istatistika ng ulat|Mga istatistika  ng kasaysayan ng iyong ulat|
|Unang paksa|Kunin ang pinakaunang paksa sa forum|
|theymos sa Bitcoin|theymos sa Bitcoin|
|Lumang site files|Kunin ang lumang site's files|
|PGP Pubic Key|PGP Pubic Key|
|Abiso sa email|Isang abiso sa email kung meron sumagot sa isang paksa|
|Tingnan/ Hindi tingnan na board|Ginagamit ito para tingnan o hindi tingnan ang partikular na board|
|Hanapin ang personal na mensahe|Ginagamit ito para hanapin ang PMs na partikular na mensahe|
|Ayusin ang mga PM sa outbox ayon sa username|Piliin ang icon na pataas/pababa upang ayusin ayon sa alpabetikong pagkakasunod-sunod (pataas/pababa)|
|Ayusin ang mga PM sa inbox ayon sa username|Piliin ang icon na pataas/pababa upang ayusin ayon sa alpabetikong pagkakasunod-sunod (pataas/pababa)|
|Ang iyong IP logs|Para ito sa nakalipas na 30 araw.. Tingnan para sa mga detalye|
|Alisin Proxyban|I-check ang katayuan ng proxyban|
|Sino ang online|I-check kung sino ang online (parehong mga bisita at mga user)|
|Ang Draft na pahina|Ang temp recycle bin (sa huling 100 posts/ mga paunang sulyap, binubura pagkatapos ng 7 araw). Tingnan ang detalye and Gabay|
|Hindi pinapansin||
|Magdagdag ng isang user sa listahan ng iyong hindi pinapansin|I-customize ang pahina gamit ang iyong user ID at username ng taong nais mong hindi pansinin.|
|Magdagdag ng isang user sa iyong PM-na hindi pinapansin na listahan|I-customize ang pahina gamit ang iyong user ID at username ng taong nais mong hindi pansinin.|
|Magdagdag ng user sa iyong listahan na hindi pinagkakatiwalaan|gamitin ang format ~username (ang username na isa sa hindi mo pinagkakatiwalaan)|
|Kumuha ng bersyon para sa mobile|idagdag ang alinman ;wap; wap2 ;imode sa dulo ng URL link|
|Mga Ugnayan|Makipag-ugnayan para sa iba pang isyu sa loob na forum; mga isyung pang-negosyo o legal|
|Whitelisting|Para mabawasan ang pag-aantay sa pagitan ng mga posts, PMs, ulat|
|Ipakita ang lahat sa sa mga posts sa paksa na mababa sa 25 na pahina *|Gamitin ang format https://bitcointalk.org/index.php?action=printpage;topic=topicID|
*: Pagpi-print ng thread para sa mga paksa na may 25 pahina pataas, mag-check in "Ipakita ang Lahat" sa mga mahahabang paksa


Ilang mungkahi


Mga Kredito

fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 504
Merit: 364


You Attract What You Are


View Profile
September 08, 2026, 07:29:45 AM
Last edit: September 15, 2026, 01:43:39 AM by fullfitlarry
 #25

New translation: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5583197

[LIBRENG TOOL] NoFomoBTC — Bitcoin Converter, Pagsusuri, Network at Mga Tool sa Pag-aaral





NoFomoBTC — Mga Bitcoin tool na walang FOMO
Converter • Pagsusuri • Kalendaryo ng Merkado • Network • Akademya

Mga tapat na tool para sa crypto. Walang signals. Walang prediksyon. Walang pangakong kita.

Ang NoFomoBTC ay isang Bitcoin-focused na toolkit para sa mga taong na gusto ng kapaki-pakinabang na datos at praktikal na impormasyon nang walang hype.

Imbis na sabihin sa iyo kung ano ang susunod na gagawin ng Bitcoin, ang site na ito ay tutulungan kang suriin kung ano ang nangyayari sa ngayon, pag-aralan kung ano ang nangyari dati, maintindihan ang panganib, at pag-aralan kung paano talaga gumagana ang Bitcoin.



1. Simpleng Bitcoin Converter



I-convert ang BTC sa fiat na pera sa isang malinis na interface, magdagdag ng maraming hanay, at ikumpara ang mga halaga nang hindi lumilipat-lipat sa magkakahiwalay na calculator.

Mga Tampok:
  • Live na presyo ng Bitcoin via CoinGecko
  • Update ng presyo kada 10 segundo
  • Maraming hanay ng pagbabagong-anyo
  • Simple at Detalyadong pagtingin ng mgam mode



2. Pagsusuri ng Presyo ng Bitcoin



Ang pahina ng pagsusuri at pinagsama kasaysayan ng presyo ng Bitcoin kasama ang mga moving average, Bollinger Bands, mga sona ng suporta/paglaban, RSI, at MACD.

Mamili sa pagitan ng 24H, 7D, 30D, 90D at 1Y views. I-zoom, pan at inspeksyunin ang eksantong price points.

Important: Ang pahina ay pinakapakita ang kasalukuyang estado ng chart. Hindi ito ipinapakita bilang prediksyon o senyales para bumili/magbenta.



Imbis na itago ang lahat sa likod ng isang iskor, ipinapakita ng site ang mga obserbasyong nag-aambag sa kasalukuyang pagbasa.

Mga kasama sa paghahati:
  • Uso
  • Puwersa ng paggalaw
  • Pabago bago at mga antas
  • Mga kamakailang pattern
  • Konteksto ng suporta at resistensya



I-set up ang pagsusuri ng kalidad

Isang limang-kundisyong pre-flight checklist para sa mga gumagamit na nag desisyon nang suriin ang isang ideya sa pangangalakal.

Sinusuri nito ang mga bagay tulad ng:
  • Pagkakatugma ng maraming timeframe
  • Lakas ng kalakaran
  • Panganib-sa-gantimpala
  • Distansya galing sa paglaba/suporta
  • Labis na momentum

Ang mataas na score ay hindi pa rin ipinapakita bilang isang instruksyon sa pangagalakal.


3. Gamitin ang sarili mong AI bilang coach



Ang NoFomoBTC ay hindi tumatawag ng AI model para sa iyo.

Sa halip, ihahanda ito ng Socratic prompt na naglalaman ng iyong plano sa pangangalakal, ang kasalukuyang estado ng chart, at ang mga nababasa sa multi-timeframe. Pwede mong kopyahin ang prompt papunta sa sarili mong ChatGPT, Claude o Gemini account.

Ang layunin ay gawing ang AI na tanong ang iyong pangangatwiran, panganib, plano sa paglabas, at mga blind spot, imbis na bigyan ka ng kumpiyansang hula sa presyo.

Ang parehong seksyon ay naghahambing din ng mga indicator sa iba't ibang timeframe para ang mga maikling pahanon na pagbasa ay makita ang konteksto.



4. Estratehiya sa Backtester + Sukat ng Posisyon Calculator



Estratehiya sa Backtester
  • Iulit ang mga simpleng patakarang pangkasaysayan.
  • Piliin ang test window
  • Kasama ang fee sa pangangalakal
  • Kasama ang slippage
  • Tingnan kung ano ang dapat ginawa sa piling makasaysayang panahon.

Sukat ng Posisyon Calculator

Kalkulahin kung magkano ang Bitcoin na aakma sa napiling porsyento ng panganib sa account gamit ang iyong entry at stop price. Ang target ay pwede mo ring idagdag sa konteksto ng risk-to-reward.



5. DCA History Explorer + Araw-araw na Tala ng Pagsasanay sa Pag-trade



Tagapag-explore ng Kasaysayan ng DCA

I-replay ang matatag na kasaysayang pagbili ng Bitcoin gamit ang isang nakapirming halaga at napiling takdang panahon. Ipinapakita rin ng tool na ito ang hindi komportableng bahagi na madalas itinatago ng pangunahing kita, kabilang na ang pagbaba ng halaga at ang tagal nito sa ilalim ng tubig.

Pagsasanay sa Pag-trade

Itala ang hypothetical na kalakalan kasama na ang dahilan ng pagsasagawa nito, entry, stop, target, at laki ng posisyon.

Ang talaarawan ay nakatago sa browser at maaari ito i-export bilang CSV.


6. Pakiramdam ng Merkado



Tingnan ang sentimyento ng merkado sa konteksto ng Takot & Kasakiman kasama ang 24-oras na sulyap sa mga nangungunang cryptocurrencies.

Ang layunin ay ipakita ang saloobin ng merkado, hindi gawing hula ang sentimyento.



7. Kalendaryo ng Merkado — Konteksto, Hindi Hula



Ang Kalendaryo ng Merkado ay sinusubaybayan ang mga nakatakdang kaganapan na madalas na kasabay ng mas mataas na paggalaw ng Bitcoin, kabilang ang:

  • Pagpupulong ng Fed/FOMC
  • Paglabas ng US CPI at PPI
  • Non-Farm na bayarin
  • Mga Paghahabol para sa Kawalan ng Trabaho
  • Pag-expire ng mga opsyon ng BTC
  • Mga kaganapan na may kaugnayan sa halving ng Bitcoin

Ang kalendaryo ay inilaan para sa kamalayan upang ang mga gumagamit ay hindi mabigla sa nakatakdang pagbabago-bago.



Pagsusuri ng Kasaysayan

Pumili ng mga uri ng nakaraang kaganapan at suriin kung paano talagang gumalaw ang Bitcoin sa mga nagdaang pagkakataon.

Ang talahanayan ay kinukumpara ang paggalaw ng presyo sa:
-4H, -30M, +30M, +1H, +4H, +24H and +7D.


Ito ay isa sa mga pangunahing ideya sa likod ng NoFomoBTC: ang parehong uri ng kaganapan ay maaaring magdulot ng magkakaibang reaksyon sa merkado, kaya ipinapakita ang makasaysayang datos sa halip na pilitin ang isang simpleng salaysay.



8. Bitcoin Network — Ang Silid ng Makina



Ang pahinang ito ay isang hakbang papalayo sa presyo at ipinapakita kung ano ang ginagawa ng Bitcoin network.

Kasama sa live na impormasyon ng network ang:
  • Mga kasalukuyang antas ng bayad sa transaksyon
  • Tinatayang gastos para sa isang karaniwang transaksyon
  • Sikip ng mempool
  • Hindi pa nakumpirmang transaksyon na natambak

Ang mga datos ay pinakpakita sa mga paliwanag sa simpleng Ingles.



Maaari mo ring subaybayan:
  • Kasalukuyang taas ng Bitcoin block
  • Hashrate ng network
  • Pag-unlad sa kasalukuyang panahon ng paghahati
  • Tinatayang pagbibilang sa susunod na paghahati



9. Ang Akademya



Ang Akademya ay naglalaman ng 15 estrukturadong na leksyon at pagsubaybay sa progreso.

The Academy contains 15 structured lessons and progress tracking.

Ang mga paksa sa kasalukuyang kurikulum ay kasama ang chart ng presyo, kung ano ang nagpapagalaw sa presyo, mga pattern ng kandila, estruktura ng merkado, suporta/paglaban, moving averages, RSI, volume, mga wallet, at iba pa.

Kasama rin sa Akademya ang:
Time Machine • Glosaryo • Radar ng Panlilinlang • Museo ng Pagkabagsak



Ang mga leksyon ay idinisenyo batay sa simpleng mga paliwanag at praktikal na pagsusuri.

Halimbawa, ang leksyon sa wallet ay sinaksaklaw ang:
  • Private keys at public addresses
  • Seed phrases
  • Custodial vs non-custodial wallets
  • Hot vs cold storage
  • Mga praktikal na gawi sa seguridad
  • Maikling pagsusuri ng kaalaman



Bakit NoFomoBTC?

Ang mga gamit sa crypto ay kadalasang nagiging isa pang pinagmumulan ng ingay: signals, hula, sobrang laking pag-angkin at mga screenshot ng haka-hakang kita.

Ang NoFomoBTC ay gumagamit ng kabaligtaran na pamamaraan.

NoFomoBTC takes the opposite approach.

Tingnan ang datos.
Intindihin ang konteksto.
Subukan ang ideya.
Pangasiwaan ang panganib.
Pag aralan ang sistema.
Gumawa ng sarili mong desisyon.


Bisitahin ang NoFomoBTC

Bitcointalk • X • Telegram • GitHub

Presyo via CoinGecko.  Sentimyento via alternative.me. Datos ng network via mempool.space. Hindi ito payong pinansyal.

Translations:

- Urdu translation, made by Adiljutt156


fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 504
Merit: 364


You Attract What You Are


View Profile
October 06, 2026, 08:49:23 AM
Last edit: Today at 05:18:30 AM by fullfitlarry
 #26

New translation:

https://bitcointalk.org/index.php?topic=1206977.0

Ito ay isang Pampublikong Serbisyo na Pahayag:

Kung nawala mo ang iyong password, HUWAG MONG GAMITIN ANG LIHIM NA TANONG PARA MABAWI ANG ACCOUNT. Magreresulta lamang ito sa pag-locked ng iyong account. Mangyaring gamitin ang email sa pag recover na opsyon upang mabawi ang account.Ang dahilan kung bakit naka-lock ang mga account ay dahil sa noong Mayo 2015 hacked ay inilabas ang Bitcointalk database na hindi ligtas na na-secure ang lihim na Tanong at Sagot. Kaya upang maiwasan ang paghula sa mga sagot, ang ginawa ni theymos ay awtomatikong i-lock ang mga account na naibabalik gamit ang lihim na tanong kapag sinubukan ang opsyong na ito. Ito ay upang pigilan ang mga hacker na maaaring mahulaan ang mga sagot mula sa leaked na database.

Kung ang iyong account ay na locked, para mabawi ito, mangyaring magpadala ng email sa nakalagay sa iyong screen kapag sinubukan mong mag login. Pwede ka ring gumawa ng bagong account at i-pm mo si theymos at badbear. Sa email at sa PM, para mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan, Kailagan mo ng pirmahan ang mensahe kasama ang bitcoin address na dati mo nang ginamit, ng hindi bababa sa 2 buwang nakalipas. Konting pasensiya. Si Theymos at Badbear at abalang mga tao. Ang email mo o pm ay maaaring mawala sa mga ibang bagay na kailangan nilang gawin. Kailangan mong ipadala ulit and iyong email at pm isang beses kada linggo para makita nila ito at matugunan nila. Kung kailangan mo ng tulong sa pag pirma ng mensahe, pwede mong tingnan ang thread na ito: https://bitcointalk.org/index.php?topic=990345.0

Kung hindi mo nawala ang password mo o kaya nabawi mo ang access sa account mo, wag mong i-set ang lihim na tanong. Magiging abala lang to. Siguraduhin mo na i-set ang email address na pwede mong ma-access. Magiging madali ang lahat and hindi na kinakailangan mga isang mahabang proceso sa pagbawi.


Pages: « 1 [2]  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!