Sa case ni Epstein, hindi siya actually nag-claim na siya si Satoshi.
What he said on the e-mail circulating online is, nakipag-usap daw siya sa "Founders in Bitcoin". Hindi niya pinangalanan sa e-mail kung sinu-sino 'tong mga founders na 'to.
If we assume na totoo pinagsasabi niya, it means na hindi 'lang iisang tao ang founder ng BTC, marami since he said "Founders" - plural. It could point to a government entity or a very specific group of people.

Crazy thoughts lang kabayan ng mga tao online, may mga tao talagang e lilink ang isang tao lalo na kapag alam nila na dati nang user ang famous person na ito.
Pero tingin nyo ba in future ma trace talaga ang tunay na identity ni Satoshi Nakamoto? o gaya parin dati hanggang ngayon ay mananatili syang anonymous?
Just as my theory above na group of people ang founders ng BTC, malamang mahihirapan i-identify kung sinu-sino ang mga 'yan.
Probably some very wealthy people 'cause biruin 'nyo, billions of dollars worth na 'yung holdings ni Satoshi 'yet hindi sila na ti-tempt ibenta. So, either that or it's a government entity/agency. I guess we will never know.
Ganun na nga sobrang hirap e identify ni Satoshi dahil hindi sya nag left ng trace, kaya for sure magpapatuloy lang yang mga hula hula na yan. But let see kung ano ang mangyayari in future dahil baka may mga investigator na successfully na makahanap sa tunay na Satoshi.
Over a decade na itong mystery na ito bukod sa mga kilalang personality marami rin ang mga walang pangalan na nag claim sa Bitcoin mayroon pa na gumawa ng topic at nag claim na sila si Satoshi Nakamoto.
Pero ang pinaka celebrated syempre ay si Craig Wright at si Dorian Nakamoto, dito ako talaga kay Dorian muntik na mapaniwala na sya talaga at meron pa ngang panahon na marami ang nag sabi na sya na nga, pero ang daan lang para mapaniwala na sila si Nakamoto ay kung mapagalaw nila ang kanyang address.
Siguro kung umabot na ng $1 million ang isang Bitcoin ay maaring mag temp na siya o sila na pagalawin ang wallet ni Satoshi Nakamoto.
Puro claim lang din yung mga nag claim na sila at naglaho nalang din bigla.
Si Craig ang pinaka kontrobersyal talaga dahil pinaglaban nya talaga na sya daw Satoshi kaya ayon naging clown sya at na criticize nung na prove na nag sisinungaling lang sya. Who knows na ganun talaga ang mangyayari kung umabot man ng $1 million si Bitcoin at let see what will happen in future.
Daming napangalanan no pero hanggang ngayon wala paring napatunayan na kung sino talaga si Satoshi Nakamoto, tanging si Craig Wright lang ata dyan ang malakas ang loob na angkinin na siya si Satoshi Nakamoto.
Siguro sa isip ni Craig na walang masama kung ankinin nya na siya si Satoshi, sa tingin siguro nya na worth it isugal ang reputasyon kung walang maniniwala sa kanya at malaki ang balik sa kanya kapag naniwala ang tao. Magiging Icon siya ng isang bagay na malaki ang naging epekto sa Finance system. Pero sadly hindi umubra mga gimik nya.
Kaya nga naisip nya siguro nya na magandang opportunity ito na makilala ang kanyang pangalan dahil walang nag claim ng identity ni Satoshi. Kaya sya nalang ang nagpakilala.
Pero proven ng court na fabricated lang ang kanyang proof at iba pang documents kaya binansagan sya dati na clown ng Bitcoin users. Ang ingay ng pangalan nya dati pero ngayon bigla nalang syang naglaho at potentially mahaharap sya sa mabibigat na kaso.