Anong klaseng kabobohan nanamang yang ginagawa nila? Hindi ba nila narealise na hindi lang crypto related activity ang pwedeng gawin sa telegram, napaka daming tao na hindi involve sa crypto ang maaapektuhan nyan pag e ban nila yung telegram.
Hindi makatarungan yung plano nila, kabobohan lang.
sorry sa harsh words.
What can you expect sa government natin diba? Di ata nila kayang humanap ng mas magandang solusyon sa mga problemang yan kaya ang tanging magagawa nila ay e ban ang mga platform na tingin nila kaduda duda para iwas na sa malaking trabaho.
Maraming tututol dito at ito ang isa sa mga pinaka worst na gagawin ng gobyerno hindi tayo sumasabay sa halip umuurong tayo sa development ng technology, pero kung sakali may mga paraan pa naman para maka access dapat magsagawa ng hearing ang gobyerno para malaman nila na mas lamang ang advantage kaysa disadvantage ng pag ban sa Telegram.
Dito magaling ang gobyerno natin hindi inutil kasi sila at di nila masugpo ang mga online criminality kaya dadaanin na lang nila sa pag ban kahit na maraming magandang bagay na dulot ang isang platform.
Marami talaga, di naman din sa ganung bagay na naisip nila ang gamit ng telegram. Malawak ang usage nito kaya sobrang katangahan nila pag e generalize nila at e ban ang app nato.
Marami parin bang Telegram users dito? At tingin nyo makatarungan tong concern at possible action na gagawin ng DICT?
Agree ba kayo sa hakbang ng gobyernong ito? Tingin ko hati ang opinyon ng mga tao dito may agree at hindi agree lalo na yung regular telegram users.
Kung gustong makibahagi sa usapan sa latest post ng Bitpinas ay pumunta kayo dito
https://web.facebook.com/share/p/1ApRj4Cf85/Noble but lame reason. They seem to be just focusing on a quick but shallow solution.
Papaano naman 'yung mga non-finance users na messaging features 'lang ng TG ang talagang ginagamit? Tingin ba nila if walang Telegram ay titigil na mga scams, e lilipat 'lang din mga yan sa kung aling bagong messaging platform ang papatok. lol
Ang dapat nilang gawin, mas higpitan pa nila yung sim card purchases and verifications since TG relies mostly on phone numbers kapag nagsasign-up.
Then, palawakin pa nila info dissemination about scams, make the common folks be 100% aware of it, lalo na mga kabataan ngayon.
Wala talaga tayong aasahan sa kanila dahil parang sila din lito kung sa kung ano ba ang dapat tamang gawin. Gusto nila mabilisang solusyon para di na ata sila mahirapan pa. Parang wala na talaga silang gagawing matino dyan.
Marami parin bang Telegram users dito? At tingin nyo makatarungan tong concern at possible action na gagawin ng DICT?
Agree ba kayo sa hakbang ng gobyernong ito? Tingin ko hati ang opinyon ng mga tao dito may agree at hindi agree lalo na yung regular telegram users.
Kung gustong makibahagi sa usapan sa latest post ng Bitpinas ay pumunta kayo dito
https://web.facebook.com/share/p/1ApRj4Cf85/I'm still a telegram user simula ng mahumaling ako sa crypto. I think they have the grounds to impose a ban pero I think hindi nasa platform yun kundi nasa mismong users na rin. Ignorance is a sin. Kasi kung educated ka about sa platform at why in the first place ginagamit mo yan, there's no way you'll be scammed.
I think naka rely lang sila sa quantity ng scams na nagaganap and not the actual usage of the users na ginagamit ito especially for good reasons. Kung tatanungin ba sila na marami ring nangyayaring scam sa Facebook, will they do it the same? I guess hindi, the thing is, yung gobyerno is probably do not fully understand how telegram works. It's just a platform at pwede namang lahat ng mga platforms gamitin for scams.
Di ako masyadong gumagamit ng telegram na umay sa daming nag memessage about scams. Pero kahit na ganun pa man di parin magandang ideya na e ban ito. Ang mas maganda siguro nilan gawin ay kausapin ang may ari or management ng app na yan at gumawa sila ng magandang aksyon para maiwasan or mabawasan ang mga illegal activities na nangyayari dyan.
Nakaktawang isipin na sa halip na magpalaganap ng anti-scam information, mas pinili ang planong pagban sa telegram app. Nagpapakota ito na mas piniling magpakatamad ng DICT dahil mas madali nga namang putulin o iban ang apps kesa magpalaganap ng anti scam information.
Sa totoo lng, madali lang sana maiwasan ang mga scam na naglipana sa telegram kung meron lang sanang dedicated program para bigyan ng edukasyon ang mga tao. Subalit mas pinili ng nasa katungkulan ang maupo na lang at magmasid ng walang ginagawang paraan para matulungan ang mamamayan tungkol sa pag iwas sa mga scam
Parang di maalam ang mga nakaupo dyan at pabara bara nalang mga desisyon nila. Siguro kailangan nilang makipag coordinate sa mga stake holders o mga tao para makita din naman nila ang sentiments nila sa mga gagawing action.
Kung di lang sila nagkukulang sa information drive ukol sa financial scams or kahit anong related sa mga gawain yan ay baka unti - unting maging financial literate ang mga kababayan natin.
Agree ba kayo sa hakbang ng gobyernong ito?
Hindi rin ako agree sa mga ganitong preventive measures, dahil gaya ng sabi ng iba, lilipat lang sa ibang platforms ang mga scammers at illegal gambling providers, so sa madaling salita, little to no ang impact nito while medyo malaki ang magiging collateral damage nito
[e.g., normal users]. Bukod ba dun, nothing stops them from using VPNs to keep using such platforms!
Kaya nga e sana naisip man lang nila yun at di talaga matatapos sa pag ban ang mga gawaing yan. Kung tutulungan lang nilang matuto ang mga tao ukol sa mga scams which I think trabaho din naman ata nila yun ay baka dun pa sila maging effective. Nilahat na nila e at damay pati sibilyan kung binan nila talaga ang telegram. Damay mga bold sharers and sellers
Talamak din kasi ang Bitcoin at crypto scams sa app na yan at hindi parin nagagawan ng solusyon ng developer para ma lessen ang ganitong gawain sa platform nila.
Pinanood ko yung interview
(nasa baba yung video). Hindi naman direktang minention yung Bitcoin or crypto, "financial scams" lang in general, kasama na rin yung illegal gambling at sexual exploitation
(pornography). Hindi na rin naman bago yung mga ganitong concern, kahit dito sa forum ang tawag ng ibang members sa Telegram eh "scammer's paradise".

Kasama nadin yun in general sa financial scams since naka linya din dun ang Bitcoin at crypto. At yun din talaga ang main concern din sa app na yan kaya napag initan na ito ng gobyerno natin.
Pag na ban talaga nila ito ay bye bye airdrops at iba pang legit hustle pag nagkataon.