Isa na namang modus ng mga scammer para makapasok sa ating mga devices na gamit para makapagnakaw sila ng hindi namamalayan ng biktima. At ito nga yung Voice Phishing, na kung saan ay may tatawag na unknown number na magpapakilala ng ibang name at magpapanggap na kunwari ay magaayos ng valid Id documentation nung main target na biktima. At meron ipapadownload na website mismo ng gobyerno pero isa lang palang fake apps na under lang ng APK na siyang naging dahil para malimas ang pera ng biktima.
Kaya nga ako hindi ako sumasagot sa mga number na unknown lang, samantalang ito nakausap nya pa mismo yung taong scammer, after ng pagdownload ay ayun na nga nagsimula na ang pagnanakaw sa kanyang Gacsh, Maya, digital bank at hanggang sa umabot ang perang nakuha na parang nasa 200k mahigit din, kaya kung sa atin ito mangyayari lalo na related tayo sa crypto industry na gumagamit ng mga coinsph wallet, Pdax, at iba pang mga foreign exchange ay siguradong magkakaroon ang scammer ng chance na mabuksan lahat ng yan, kaya maging maingat po tayong lahat sa ganitong mga istilo ng mga scammer na ito.
Eto yung source link:
https://www.youtube.com/watch?v=0Rm_F1mG34AAno yung Voice Phishing o Vishing?
https://www.proofpoint.com/us/threat-reference/vishing