Isa na namang modus ng mga scammer para makapasok sa ating mga devices na gamit para makapagnakaw sila ng hindi namamalayan ng biktima. At ito nga yung Voice Phishing, na kung saan ay may tatawag na unknown number na magpapakilala ng ibang name at magpapanggap na kunwari ay magaayos ng valid Id documentation nung main target na biktima.
Unang red flag. Huwag sumagot ng tawag from unknown numbers lalo na kung alam mong wala ka namang ineexpect na tawag. At sa pagkakaalam ko hindi naman tumatawag ang mga government agency para ayusin ang mga documents natin. Sa tingin ko sa sobrang hirap mag-ayos ng documents dito, papatol talaga ang mga kababayan kapag may tumawag na ganyan.
At meron ipapadownload na website mismo ng gobyerno pero isa lang palang fake apps na under lang ng APK na siyang naging dahil para malimas ang pera ng biktima.
Isa pang red flag. Huwag magdownload ng website na hindi verified. I-double check ang mga websites kung ano talaga yung mga tama. Huwag na mag-open ng mga hindi verified na links.