Mahirap yung ganyang sitwasyon, hindi ko na ieencourage sila na mag invest sa crypto lalo na kung alam kong sapat lang sa buhay nila yung kinikita nila. Maliban nalang kung sila o sa kanila mismo galing ang pagtatanong at pagiging curious sa crypto. Mas madali makipag usap sa mga ganoong tao dahil alam nila yung gusto nila at hindi mo ipipilit yung gusto mo at nalalaman mo sa kanila. Mahirap manghikayat kasi baka tayo pa ang masisi bakit nagkanda loss ang mga investments nila. Kaya yun na yung parang isang kondisyon kapag may gustong matuto
Agree ako sayo dito kabayan. If lalo na’t tight ka sa budget mo and nahihirapan ka to meet your obligations monthly, then investments should be at least minimized or be a less priority as of now.
Mag start ka talaga mag invest, in general, once nakapag start ka na makapag ipon and may extra kang pera na nakatago lang sa wallet mo na dapat gumagalaw and nag iincrease yung value over time.
Ganun na nga kabayan. Kung interesado naman talaga sila, sila din mismo gagawa ng paraan o kahit may matirang 100 o 500 o kung magkano man sa kinita nila. Tapos sila na magkukusa niyan magtatanong kung kailan bibili o paano. Kasi may mga kaibigan ako na hindi ko naman inencourage mag invest o bumili ng Bitcoin. Pero ang nakakagulat bigla nalang nagsabi sa akin na loss daw sila at malaking halaga pa ininvest nila. Samantalang, never ko naman sinabi sa kanila na bumili ng malaking halaga dahil laging sinasabi ko lang din naman yung kaya nilang matalo o maliit na halaga. Yung usual ba na payo na sinasabi natin sa iba.