Orihinal na akda ni:
theymosOrihinal na paksa:
Writing a welcome message
Ito ay isang burador para sa pagsulat ng panimulang mensahe para sa mga bagong user. Ang mga user na ito ay makikita nila sa kanilang mga screen na nakumpirma ang kanilang rehistrasyon, at ito rin ay maaaring makita sa help center kahit anong oras.
Ang ilang mga tala sa simula ay makikitang inspirasyon mula sa signature ni xtraelv, na talagang nagustuhan ko.
Pakiusap na magbigay kayo ng mga suhestiyon para sa mga gustong idagdag/palitan. Gayunpaman:
- Ayoko maglagay ng eksaktong numero patungkol sa hangganan ng lahat ng merit/aktibidad dahil kailangan ko alalahanin na i-update ito lagi.
- Hindi ako naniniwala sa paggawa ng tiyak na listahan ng mga patakaran.
- Hindi na kailangang magbigay ng kumpletong eksplikasyon patungkol sa forum. Ito ay pangunahing bagay lamang.
Welcome to bitcointalk.org, the Bitcoin Forum! Maaari ninyong makita ang panimulang mensahe na ito sa “help” na makikita sa itaas na bahagi ng menu kahit anong oras.
Bilang miyembro ng forum, makakakita ka ng mga alamat: kamangmanghang tagumpay at mga kalunos-lunos na kabiguan. Itong forum na ito ay
ginawa ni Satoshi Nakamoto at makikita
ang kaunaunahang exchange,
ang unang altcoin, at
ang unang ICO, at tulad din ng mga
mapaminsalang softwares,
malakihang pag nanakaw, at
hindi kapani-paniwalang pang i-scam. Ikaw din mismo ay maaaring maging parte ng kasaysayan ng forum: kung paano mo ito gagawin ay nasa iyo na.
Talaan ng nilalamanAng layunin ng forumAng forum na ito ay ginawa upang magbigay ng mga libreng (pero maayos) na pagpapalitan ng ideya. Kung mayroon kang ideya na maaaring sabihin, ito ay posible hangga't sumusunod ka sa mga panuntunan.
Maraming tao ang pumunta dito dahil lang sa isang layunin at ito ay kumita ng pera. Ang pamunuan ng forum ay sobrang saya dahil maibibigay nito ng maayos ang mga kailangan para sa pag-igting ng kanilang sarili: Tunay nga, isa sa mga dahilan sa paggawa ng Bitcoin ay para wasakin ang artipisyal na hadlang para sa maraming tao sa mundo ang kasaganaan.
Gayunpaman, kung ang layon mo ay kumita ng pera, maaaring maging kumplika ito para sa layon ng forum na magkaroon ng
diskusyon, kung gayon ay taliwas ka sa agos at sa huli ay hindi ka magiging matagumpay.
Kung nakikita mo ang forum bilang isang “trabaho” na kailangang makumpleto ang isang simpleng gawain at mabayaran, paniguradong ikaw ay madidismaya at ang pamunuan ng forum ay hindi magbibigay ng simpatya. Kung ikaw ay kumikita ng pera gamit ang forum, ito ay dahil sa inobasyon at pagnenegosyo, at hindi sa isang walang kuwentang gawain.
Ranggo sa ForumKung kayo ay magsisimula pa lamang, kayo ay isang Newbie, at mayroon kayong iilang nakakairitang limitasyon. Ang mga ito ay para mabawasan na hindi mo gaanong makikita pagkatapos mong sumali sa forum ng ilang linggo. Kung ikaw ay nasa forum para magsalita, iyon lang ang mga kailangan mong malaman patungkol sa ranggo. Huwag kang mag-alala masyado dito. Kalaunan ay ikaw din ay tataas ang ranggo.
Kung gusto mong pataasan ang inyong ranggo, may dalawa kang kailangan pataasin sa iyong profile:
- Activity, na tumataas dahil sa ikaw ay nagpo-post ng isa kada araw. Ang pag po-post ng higit pa dyan ay walang silbi para sa pag taas ng inyogn aktibidad
- Merit ay nakukuha mula sa paggawa ng isang magandang post.
Kung ikaw ay magpo-post ng halos sampung libo kada linggo, ang aktibidad mo ay limitado pa rin at ikaw ay isa pa ring newbie. Kahit ikaw pay ay mag post ng sampung libo, at wala kang makukuhang merit ikaw ay mananatili pa ding Newbie. Maaari lamang umangat ang iyong ranggo sa
pagbibigay ng patuloy na magagandang post. Ito ay ayon sa kalidad, hindi isa dami.
Pag ikaw ay gumagawa ng isang kalidad na post, maaaring maraming tao ang makikipag-usap dito na para bang gumagawa ng isang book report sa eskwelahan: magbibigay ng impormasyong alam nating ito ay mula sa kanila mismo. Kung walang gustong magbasa dito, maaaring wala ring magbibigay ng merit dito. Bukod pa rito, ang haba at kalidad ng iyong Ingles ay isa lamang maliit na detalye. Sa paggawa ng isang kalidad na post na maaaring mabigyan ng merit, ikaw dapat ay nagbibigay ng isang bagong ideya, personal na karanasan, o di kaya ay pananaw na maaaring pumukaw sa interes ng ibang forum users.
Pag post ng mga imahe at pagsuot ng signatureAng mga user na mayroong Newbie na ranggo ay hindi maaaring mag-post ng mga imahe o kaya ay magsuot ng mga signature. Kung gusto mong magkaroon nito, pwede kang mag-rank up (napaliwanag sa itaas) o di kaya ay magbayad ng
copper membership.
Mga karaniwalang pag labag sa patakaranIto ang mga karaniwang paglabag sa patakaran na ginagawa ng mga newbie. Mayroon pang ibang patakaran bukod sa mga ito.
- Plagiarismo: kung kayo ay kumopya ng teksto mula sa kung saanman, paniguradong mayroon kayong magandang dahilan dito at kailangan ninyong ilagay kung saan ninyo nakuha ito. Ang hindi pagsunod dito ay plagiarismo. Ang pagpapalit ng ilang salita ay hindi masyadong mahalaga. Ito ay matatawag pa ring plagiarismo, at ikaw ay paniguradong permanenteng banned, kahit ilang taon pa ito ay matapos mong gawin.
- Sunod-sunod na pag-post: Huwag mag-post ng dalawang beses sa isang usapin. Sa halip, i-edit ang iyong lumang post.
- Mababang kalidad ng post: Huwag mag post ng mga walang laman nab asura tulad ng “Tama ka dyan!”, “Magandang proyekto!”, etc. Maaari kang ban para dito, dahil ito ay walang kwenta kung gusto mo lang tumaas ang ranggo mo, dahil hindi ka dito makakakuha ng merit sa kahit anong post.
Lengguwahe Kung kayo ay bihasa sa kahit anong lengguwahe bukod sa Ingles, inirerekomenda na kayo ay mag-post sa inyong local board. Ang mga board na ito ay may Magandang kumunidad na maaring kang tulungan at sa ibang paraan ay maaring isang maging kalamangan kumpara sa ang alam lang ay engles
Sa Ingles na seksiyon, ito ay Ingles lang ang pinapayagan. Hindi naman kailangan na kayo ay magsalita ng
perpektong Ingles, pero kailangan kayo ay naiintindihan. Subukan mo ang iyong makakaya. Kung kayo ay sigurado kung ang Ingles mo ay hindi sapat, maari kang humingi ng tulong sa iyong local board o di kaya sa Beginners & Help section
Ito ang mga local boards:
AUTOMATIC_LIST_OF_LOCAL_BOARDS
Mag-ingat sa mga scamsIto ay isang pseudonymous forum kung saan nagbibigay ng sariling kalayaan at sariling
responsibilidad, kaya maraming scammers. Sa pakikipagkalakalan, mas mainam na isipin na lahat ng tao ay maaaring mang sa sayo, kaya umakto ng naaayon. Gumamit ng escrow at tingnan nang maigi ang bawat trust rating na maaaring makita sa gilid ng post ng kanilang mga profile. Kung kayo ay pamilyar na sa mga tao sa forum,
maari kayong gumawa ng sarili ninyong trust list kesa gumamit ng default
Para sa tulongUna,
hanapin ang iyong problema at tingnan kung may nagtanong na ba nito. Kung wala kayong nahanap, maaari kayong magtanong sa
Meta section. Kung kayo ay hindi nagsasalita ng Ingles, maaari kayong magtanong sa inyong local section o di kaya ay mag-PM sa mga moderators ng inyong local section.
Kung sa tingin ninyo ang isang post ay lumabag sa patakaran, maaaring gamitin ang “report to moderator” link. Huwag direktang mag-PM sa mga moderator.