coinrifft (OP)
Full Member
 
Offline
Activity: 154
Merit: 134
Spinly.io - Next-gen Crypto iGaming Platform
|
 |
March 29, 2026, 07:37:09 AM Last edit: March 29, 2026, 06:28:13 PM by coinrifft |
|
Dead Man Switch sa Bitcoin: Gabay sa Digital na pamana Talaan- 1. Ano ang Dead Man Switch?
- 2. Bakit Mahalaga ito sa Bitcoin?
- 3. Paano Ito Gumagana sa Practice?
- 4. Mga Tools at Serbisyo
- 5. DIY Option: Google Inactive Account Manager
- 6. Mga Dapat Pag-isipan (Risks)
- 7. Konklusyon
- 8. Mga Sources at References
1. Ano ang Dead Man Switch?
Ito ay isang mekanismo na kung saan awtomatikong ma-a-activate o mag-trigger kapag ang isang user, (na kung saan sya ang may pag-aari) ay biglang tumigil na sa pag signal o pag confirm na sya at buhay pa at aktibo.
Kung bago sa pelikula na napapanood natin, may isang will ang bida at may isa syang sulat na nakatago sa abogado. At maari lang tong buksan kapag sya at namatay na. At babasahin nya ang mga inihambilan ng namatay, usually may pamana ito o wala.
Sa simpleng termino:
- Ikaw (User): Dapat mong pindutin ang buton na "ako pa ay buhay" katulad ng isang beses sa isang buwan.
- Ang Switch: At kapag hindi mo to nagawa sa takdang oras, iisipin ng sistema na wala ka na.
- Ang Resulta: Ibibigay ang re-set na impormasyon (mga susi o password) sa taong pinagkakatiwalaan mo.
2. Bakit Mahalaga ito sa Bitcoin?
Ang sabi nga natin: "Not your keys, not your coins."
Kaya tayo lamang ang may hawak ng private keys (isama mo na ang ibang password), walang pwedeng makagamit, hindi ang iyong asawa, hindi ang iyong anak at lalo na hindi ang iyong banko at hindi rin ang abogado mo. At kung mawala ang access kapag ikaw ay patay na, hindi na ma-rerecover ang Bitcoin mo. Kaya napakahalaga ang "inheritance planning" lalo na marami kang Bitcoin dahil isa kang long term HOLDers.
At sa tantiya, halos 3-4 million Bitcoin na ang nawala ng tuluyan dahil hindi na marecover dahil nawala ang access sa private keys. Kaya dito naman pumapasok ang konsepto ng Dead Man Switch. Ginagamit ito para masigurado natin na hindi mabababilang sa nawala ang Bitcoin natin at naisama natin sa libingan ng may-ari.
3. Paano Ito Gumagana sa Practice?
Narito ang dalawang pinakakaraniwang paraan kung paano ito ise-setup:
A. Time-Locked Transactions (Bitcoin Smart Contracts) Gamit ang teknolohiya ng Bitcoin tulad ng OP_CHECKLOCKTIMEVERIFY (CLTV) at OP_CHECKSEQUENCEVERIFY (CSV).
- Kung hindi mo ginagalaw ang Bitcoin mo hanggang sa itinakdang oras, ang transaksyon ay magiging valid at mapupunta ang Bitcoin sa wallet ng iyong tagapag mana.
- Ito ay nakarehistro na sa network, ngunit hindi ito pwedeng iproseso hanggang sa takdang oras o block height.
- At kung gagalawin mo ito bago ang takdang oras, mababago mo ang transaksyon at mabubura ang "pamana".
B. Third-Party Dead Man Switch Services
Meron din namang mga third-party services. Mas madaling gamitin ito ay hindi masyadong teknikal.
- Mag-sign up ka sa isang serbisyo.
- I-set mo ang oras (halimbawa, 30 days between heartbeats, 90 days to trigger).
- Ipasok mo ang encrypted na kopya ng iyong seed phrase o private key.
- Ilista mo ang email o contact ng iyong tagapag mana
- Ang Routine: Every 30 days, may matatanggap kang email. Kapag nag-click ka, reset ang timer.
- Ang Activation: Kung hindi ka nag-click sa loob ng X na buwan, ise-send ng serbisyo ang susi sa tagapag mana mo.
4. Mga Tools at Serbisyo
Narito ang mga kilalang serbisyo:
1. Deadhand - Trustless Dead Man's Switch
- GitHub repository: https://github.com/pyoneerC/deadhand
- Paano ito gumagana: Gamit ang Shamir's Secret Sharing, hinahati nito ang iyong seed phrase sa tatlong shards (A, B, C). Ikaw ang may hawak ng Shard A, ang tagapagmana mo ang may hawak ng Shard B (printed PDF), at ang server ang may hawak ng Shard C.
- Ang Trigger: Kapag hindi ka nag-heartbeat ng 90 days (3 missed checks), ie-email ang Shard C sa beneficiary. Kailangan nilang pagsamahin ang Shard B + C para makuha ang buong seed phrase.
- Bakit maganda: Kahit ma-hack ang deadhand o magsara sila, hindi makukuha ng attacker ang buong seed phrase mo dahil kailangan pa rin nila ang Shard B na nasa beneficiary mo.
- Self-host option: Pwede mong i-run ang sarili mong instance dahil open source ito.

2. Liana Wallet - Bitcoin Wallet with Built-in Inheritance
- Official Site: (https://wizardsardine.com/liana/)
- GitHub: (https://github.com/wizardsardine/liana)
- Paano gumagana: Isang Bitcoin wallet na gumagamit ng timelocks sa mismong Bitcoin network. May "recovery key" na magiging available lang pagkatapos ng itinakdang panahon (hal. 6 months) kung hindi nagamit ang primary key.
- Mga Option: Pwedeng "Simple Inheritance" (1 regular key + 1 recovery key) o "Expanding Multisig" (2-of-2 multisig na may recovery key na magiging available later).
- Bakit maganda: Walang third-party na kailangan. Lahat ng rules ay naka-encode sa Bitcoin network mismo. Kung mawala ka, hihintayin lang ng pamilya mo ang timelock bago nila makuha ang pondo.
- Hardware Support: Gumagana sa Ledger, BitBox02, Coldcard, at Blockstream Jade.
Pero syempre dahil 3rd party service to, may kaukulang bayad.

3. Nunchuk Wallet - Multisig Bitcoin Wallet
- Official Site: (https://nunchuk.io/)
- Paano gumagana: Isang multisig wallet na may inheritance feature. Ang bagong Nunchuk 2.0 (Nov 2025) ay may "autonomous onchain failsafe" gamit ang Miniscript at timelocks.
- Dual-Path Recovery: Pwedeng guided assistance o autonomous self-claim na magti-trigger pagkatapos ng timelock.
- Privacy: Zero KYC requirement. Hindi kumokolekta ng personal data maliban sa email.
- Subscription Model: Available sa Iron Hand at Honey Badger Premier subscribers.

5. DIY Option: Google Inactive Account Manager
Syempre hindi naman lahat sa atin ay may pang bayad sa mga seribisyo na to, kaya siguro maganda ring gamitin ang Google Inactive Account Manager bilang DIY na Dead Man Switch.
Link: (https://myaccount.google.com/inactive)
Mga Hakbang:
- Pumunta sa Tool: Pumunta sa Data & privacy section ng iyong Google Account at hanapin ang “Make a plan for your digital legacy,” o direktang pumunta sa myaccount.google.com/inactive.
- I-configure ang Timeout Period: Piliin kung kailan ituturing ng Google na inactive ang iyong account (3, 6, 12, o 18 buwan).
- Magbigay ng Contact Details: Ilagay ang iyong mobile phone number at recovery email address upang makontak ka muna ng Google bago magsagawa ng aksyon.
- Magtalaga ng Trusted Contacts: Ilagay ang email addresses ng hanggang 10 tao na nais mong abisuhan. Maaari mo ring ilagay ang kanilang phone numbers para sa verification.
- Piliin ang Data na Iba-share: Tukuyin kung aling data ang ibabahagi sa bawat contact, tulad ng Gmail, Google Photos, Drive, o YouTube o Bitcoin mismo.
- Mag-set ng Auto-Reply (Optional):Gumawa ng PGP-encrypted na mensahe na naglalaman ng instructions kung paano makuha ang Bitcoin seed phrase (huwag ilagay ang seed phrase mismo sa email).
- Finalize at Delete Option: Piliin kung gusto mong i-delete ang iyong account kapag naging inactive na ito. I-review at i-save ang iyong plan.
Mahahalagang Babala:
- Hindi ito foolproof. Pwedeng alisin ito ng Google kahit anong oras.
- HUWAG ilagay ang actual seed phrase sa email – kahit encrypted
- Kailangan gumamit ng napakalakas na password at 2FA (app-based o YubiKey, hindi SMS) sa Gmail account.
- Kailangan aralin ang PGP/GPG encryption (tools: GPGtools para sa Mac, GPG4win para sa Windows).
6. Mga Dapat Pag-isipan (Risks)
Walang sistema na perpekto, may mga panganib na dapat natin tandaan:
1. Maling Akala Isang halimbawa na lang ang ma stranded ka sa isang lugar na biglang nawala ang internet. Baka isipin na ikaw ay patay na at ma-trigger ito. Meron tayong isang miembro (hindi ko na babanggitin ang pangalan, pero kung nag-iikot kayo sa forum, kilala nyo ito tiyak), na nakatira sa Iran, at nang sumiklab ang giyera, sya ang hindi na nakapag login dahil walang internet.
2. Security ng Third-Party Ang risk sa third party, alam naman natin na lahat tayo ay target, paano kung na hack and third party service na to?
3. Risk ng Long Time-Locks Mayroon quantum threat sa Bitcoin ngayon. Kaya hindi advisable na mag time lock ng napatagal.
4. Paghahanda ng tagapag mana Handa pa ang ang tagapag mana? Marunong ba siyang gamitin ang Bitcoin wallet?
Ilan lang ito sa dapat natin ikonsidera kung gagamit tayo ng Dead Man Switch.
7. Konklusyon
Sa mundo ng Bitcoin at pamana, marami rin pala tayong iisipin. Isa na ang Dead Man Switch na mekanismo na ginawa ng mga developers para harapin to. At katulad ng mga may experience na dito, ikaw ang ay control ng lahat pero dapat may exit plan ka rin. Dapat din isipin na hindi ito para sa lahat, kung mallit lang ang hawak mo, mas simple lang dapat ang pagtingin natin. Pero kung ikaw ay maraming Bitcoin at holder ka ng ilang taon, baka kailangan mo na rin pag isipan to option na to para hindi masayang ang pinaghirapan mo ng taon taon dahil pag ikaw ay namatay, dala mo rin ang Bitcoin mo.
Kaya pag-isipan natin ang lahat.
8. Mga Sources at References
Paalala: Dapat tayong mapanuri at wag basta basta gumamit ng mg tools nang hindi na beripika. Huwag maglagay ng napakalaking halaga, mas mainam kung maliit muna para masubok natin ang lahat. Hindi ako nag e-endorso ng anumang produkto dito. Ang layunin ko lang naman ay magbigay-kaalaman sa ating lahat.
|