Bitcoin Forum
March 31, 2026, 12:42:02 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Dead Man Switch sa Bitcoin: Gabay sa Digital na pamana  (Read 74 times)
coinrifft (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 154
Merit: 134


Spinly.io - Next-gen Crypto iGaming Platform


View Profile
March 29, 2026, 07:37:09 AM
Last edit: March 29, 2026, 06:28:13 PM by coinrifft
Merited by cryptoaddictchie (3), crwth (1), julerz12 (1), fullfitlarry (1)
 #1

Dead Man Switch sa Bitcoin: Gabay sa Digital na pamana


Talaan
  • 1. Ano ang Dead Man Switch?
  • 2. Bakit Mahalaga ito sa Bitcoin?
  • 3. Paano Ito Gumagana sa Practice?
  • 4. Mga Tools at Serbisyo
  • 5. DIY Option: Google Inactive Account Manager
  • 6. Mga Dapat Pag-isipan (Risks)
  • 7. Konklusyon
  • 8. Mga Sources at References

    1. Ano ang Dead Man Switch?

    Ito ay isang mekanismo na kung saan awtomatikong ma-a-activate o mag-trigger kapag ang isang user, (na kung saan sya ang may pag-aari) ay biglang tumigil na sa pag signal o pag confirm na sya at buhay pa at aktibo.

    Kung bago sa pelikula na napapanood natin, may isang will ang bida at may isa syang sulat na nakatago sa abogado. At maari lang tong buksan kapag sya at namatay na. At babasahin nya ang mga inihambilan ng namatay, usually may pamana ito o wala.

    Sa simpleng termino:
    • Ikaw (User): Dapat mong pindutin ang buton na "ako pa ay buhay" katulad ng isang beses sa isang buwan.
    • Ang Switch: At kapag hindi mo to nagawa sa takdang oras, iisipin ng sistema na wala ka na.
    • Ang Resulta: Ibibigay ang  re-set na impormasyon (mga susi o password) sa taong pinagkakatiwalaan mo.


    2. Bakit Mahalaga ito sa Bitcoin?

    Ang sabi nga natin: "Not your keys, not your coins."

    Kaya tayo lamang ang may hawak ng private keys (isama mo na ang ibang password), walang pwedeng makagamit, hindi ang iyong asawa, hindi ang iyong anak at lalo na hindi ang iyong banko at hindi rin ang abogado mo. At kung mawala ang access kapag ikaw ay patay na, hindi na ma-rerecover ang Bitcoin mo. Kaya napakahalaga ang "inheritance planning" lalo na marami kang Bitcoin dahil isa kang long term HOLDers.

    At sa tantiya, halos 3-4 million Bitcoin na ang nawala ng tuluyan dahil hindi na marecover dahil nawala ang access sa private keys.
    Kaya dito naman pumapasok ang konsepto ng Dead Man Switch. Ginagamit ito para masigurado natin na hindi mabababilang sa nawala ang Bitcoin natin at naisama natin sa libingan ng may-ari.



    3. Paano Ito Gumagana sa Practice?

    Narito ang dalawang pinakakaraniwang paraan kung paano ito ise-setup:

    A. Time-Locked Transactions (Bitcoin Smart Contracts)
    Gamit ang teknolohiya ng Bitcoin tulad ng OP_CHECKLOCKTIMEVERIFY (CLTV) at OP_CHECKSEQUENCEVERIFY (CSV).

    • Kung hindi mo ginagalaw ang Bitcoin mo hanggang sa itinakdang oras, ang transaksyon ay magiging valid at mapupunta ang Bitcoin sa wallet ng iyong tagapag mana.
    • Ito ay nakarehistro na sa network, ngunit hindi ito pwedeng iproseso hanggang sa takdang oras o block height.
    • At kung gagalawin mo ito bago ang takdang oras, mababago mo ang transaksyon at mabubura ang "pamana".

    B. Third-Party Dead Man Switch Services

    Meron din namang mga third-party services. Mas madaling gamitin ito ay hindi masyadong teknikal.

    • Mag-sign up ka sa isang serbisyo.
    • I-set mo ang oras (halimbawa, 30 days between heartbeats, 90 days to trigger).
    • Ipasok mo ang encrypted na kopya ng iyong seed phrase o private key.
    • Ilista mo ang email o contact ng iyong tagapag mana
    • Ang Routine: Every 30 days, may matatanggap kang email. Kapag nag-click ka, reset ang timer.
    • Ang Activation: Kung hindi ka nag-click sa loob ng X na buwan, ise-send ng serbisyo ang susi sa tagapag mana mo.


    4. Mga Tools at Serbisyo

    Narito ang mga kilalang serbisyo:

    1. Deadhand - Trustless Dead Man's Switch

    • GitHub repository: https://github.com/pyoneerC/deadhand
    • Paano ito gumagana: Gamit ang Shamir's Secret Sharing, hinahati nito ang iyong seed phrase sa tatlong shards (A, B, C). Ikaw ang may hawak ng Shard A, ang tagapagmana mo ang may hawak ng Shard B (printed PDF), at ang server ang may hawak ng Shard C.
    • Ang Trigger: Kapag hindi ka nag-heartbeat ng 90 days (3 missed checks), ie-email ang Shard C sa beneficiary. Kailangan nilang pagsamahin ang Shard B + C para makuha ang buong seed phrase.
    • Bakit maganda: Kahit ma-hack ang deadhand o magsara sila, hindi makukuha ng attacker ang buong seed phrase mo dahil kailangan pa rin nila ang Shard B na nasa beneficiary mo.
    • Self-host option: Pwede mong i-run ang sarili mong instance dahil open source ito.





    2. Liana Wallet - Bitcoin Wallet with Built-in Inheritance

    • Official Site: (https://wizardsardine.com/liana/)
    • GitHub: (https://github.com/wizardsardine/liana)
    • Paano gumagana: Isang Bitcoin wallet na gumagamit ng timelocks sa mismong Bitcoin network. May "recovery key" na magiging available lang pagkatapos ng itinakdang panahon (hal. 6 months) kung hindi nagamit ang primary key.
    • Mga Option: Pwedeng "Simple Inheritance" (1 regular key + 1 recovery key) o "Expanding Multisig" (2-of-2 multisig na may recovery key na magiging available later).
    • Bakit maganda: Walang third-party na kailangan. Lahat ng rules ay naka-encode sa Bitcoin network mismo. Kung mawala ka, hihintayin lang ng pamilya mo ang timelock bago nila makuha ang pondo.
    • Hardware Support: Gumagana sa Ledger, BitBox02, Coldcard, at Blockstream Jade.
    Pero syempre dahil 3rd party service to, may kaukulang bayad.





    3. Nunchuk Wallet - Multisig Bitcoin Wallet

    • Official Site: (https://nunchuk.io/)
    • Paano gumagana: Isang multisig wallet na may inheritance feature. Ang bagong Nunchuk 2.0 (Nov 2025) ay may "autonomous onchain failsafe" gamit ang Miniscript at timelocks.
    • Dual-Path Recovery: Pwedeng guided assistance o autonomous self-claim na magti-trigger pagkatapos ng timelock.
    • Privacy: Zero KYC requirement. Hindi kumokolekta ng personal data maliban sa email.
    • Subscription Model: Available sa Iron Hand at Honey Badger Premier subscribers.





    5. DIY Option: Google Inactive Account Manager

    Syempre hindi naman lahat sa atin ay may pang bayad sa mga seribisyo na to, kaya siguro maganda ring gamitin ang Google Inactive Account Manager bilang DIY na Dead Man Switch.

    Link: (https://myaccount.google.com/inactive)

    Mga Hakbang:

    • Pumunta sa Tool: Pumunta sa Data & privacy section ng iyong Google Account at hanapin ang “Make a plan for your digital legacy,” o direktang pumunta sa myaccount.google.com/inactive.
    • I-configure ang Timeout Period: Piliin kung kailan ituturing ng Google na inactive ang iyong account (3, 6, 12, o 18 buwan).
    • Magbigay ng Contact Details: Ilagay ang iyong mobile phone number at recovery email address upang makontak ka muna ng Google bago magsagawa ng aksyon.
    • Magtalaga ng Trusted Contacts: Ilagay ang email addresses ng hanggang 10 tao na nais mong abisuhan. Maaari mo ring ilagay ang kanilang phone numbers para sa verification.
    • Piliin ang Data na Iba-share: Tukuyin kung aling data ang ibabahagi sa bawat contact, tulad ng Gmail, Google Photos, Drive, o YouTube o Bitcoin mismo.
    • Mag-set ng Auto-Reply (Optional):Gumawa ng PGP-encrypted na mensahe na naglalaman ng instructions kung paano makuha ang Bitcoin seed phrase (huwag ilagay ang seed phrase mismo sa email).
    • Finalize at Delete Option: Piliin kung gusto mong i-delete ang iyong account kapag naging inactive na ito. I-review at i-save ang iyong plan.


      Mahahalagang Babala:

      • Hindi ito foolproof. Pwedeng alisin ito ng Google kahit anong oras.
      • HUWAG ilagay ang actual seed phrase sa email – kahit encrypted
      • Kailangan gumamit ng napakalakas na password at 2FA (app-based o YubiKey, hindi SMS) sa Gmail account.
      • Kailangan aralin ang PGP/GPG encryption (tools: GPGtools para sa Mac, GPG4win para sa Windows).



      6. Mga Dapat Pag-isipan (Risks)

      Walang sistema na perpekto, may mga panganib na dapat natin tandaan:

      1. Maling Akala
      Isang halimbawa na lang ang ma stranded ka sa isang lugar na biglang nawala ang internet. Baka isipin na ikaw ay patay na at ma-trigger ito. Meron tayong isang miembro (hindi ko na babanggitin ang pangalan, pero kung nag-iikot kayo sa forum, kilala nyo ito tiyak), na nakatira sa Iran, at nang sumiklab ang giyera, sya ang hindi na nakapag login dahil walang internet.

      2. Security ng Third-Party
      Ang risk sa third party, alam naman natin na lahat tayo ay target, paano kung na hack and third party service na to?

      3. Risk ng Long Time-Locks
      Mayroon quantum threat sa Bitcoin ngayon. Kaya hindi advisable na mag time lock ng napatagal.

      4. Paghahanda ng tagapag mana
      Handa pa ang ang tagapag mana? Marunong ba siyang gamitin ang Bitcoin wallet?

      Ilan lang ito sa dapat natin ikonsidera kung gagamit tayo ng Dead Man Switch.



      7. Konklusyon

      Sa mundo ng Bitcoin at pamana, marami rin pala tayong iisipin. Isa na ang Dead Man Switch na mekanismo na ginawa ng mga developers para harapin to. At katulad ng mga may experience na dito, ikaw ang ay control ng lahat pero dapat may exit plan ka rin. Dapat din isipin na hindi ito para sa lahat, kung mallit lang ang hawak mo, mas simple lang dapat ang pagtingin natin. Pero kung ikaw ay maraming Bitcoin at holder ka ng ilang taon, baka kailangan mo na rin pag isipan to option na to para hindi masayang ang pinaghirapan mo ng taon taon dahil pag ikaw ay namatay, dala mo rin ang Bitcoin mo.

      Kaya pag-isipan natin ang lahat.



      8. Mga Sources at References


      Paalala: Dapat tayong mapanuri at wag basta basta gumamit ng mg tools nang hindi na beripika. Huwag maglagay ng napakalaking halaga, mas mainam kung maliit muna para masubok natin ang lahat. Hindi ako nag e-endorso ng anumang produkto dito. Ang layunin ko lang naman ay magbigay-kaalaman sa ating lahat.

    crwth
    Copper Member
    Legendary
    *
    Offline Offline

    Activity: 3444
    Merit: 1397


    crwth.gunbot.com


    View Profile
    March 29, 2026, 09:41:33 AM
     #2

    Maganda ang may plano ka talaga sa kinabukasan ng iyong mga asset. Ang concern ko dito ay kung mayroon bang batas tungkol dito? Kasi alam natin parang bahay lang yan o kung ano, may estate tax kang kailangan asikasuhin at posibleng maging conflict kung sino man ang kahati. May mga legal conflicts pa din iniisip ko kung may ganito.

     
     b1exch.to 
      ETH      DAI   
      BTC      LTC   
      USDT     XMR    
    .███████████▄▀▄▀
    █████████▄█▄▀
    ███████████
    ███████▄█▀
    █▀█
    ▄▄▀░░██▄▄
    ▄▀██▄▀█████▄
    ██▄▀░▄██████
    ███████░█████
    █░████░█████████
    █░█░█░████░█████
    █░█░█░██░█████
    ▀▀▀▄█▄████▀▀▀
    julerz12
    Legendary
    *
    Online Online

    Activity: 3010
    Merit: 1434


    🚧 Campaign Management | Telegram: julerz12


    View Profile WWW
    March 30, 2026, 02:18:13 AM
    Merited by fullfitlarry (1), coinrifft (1)
     #3

    +1
    Great topic OP. I've been looking for comprehensive guide on this.  Wink
    Lahat naman tayo, sa libingan ang hantungan, kaya nararapat talaga na paghandaan ang ganitong mga bagay.
    Sa mga methods na nabanggit mo OP, I haven't really tried these 3rd party services, mostly because I don't trust any of them. The only things I've done so far is 'yung Google method and the good old personal note method.  Grin

    Maganda ang may plano ka talaga sa kinabukasan ng iyong mga asset. Ang concern ko dito ay kung mayroon bang batas tungkol dito? Kasi alam natin parang bahay lang yan o kung ano, may estate tax kang kailangan asikasuhin at posibleng maging conflict kung sino man ang kahati. May mga legal conflicts pa din iniisip ko kung may ganito.
    Ito din nasa isip ko. As of now, Bitcoin at iba pang mga crypto are treated as an intangible asset and fall under the category of personal property, pupwede ito mapamana. As for taxes, medyo magulo pa ang current laws natin regarding it. I think if hindi e-coconvert ang BTC or Crypto to PHP (fiat), it can't be taxed? Lahat kasi ng income natin ngayon may tax, so if you're not earning from your crypto (assuming you only earn from it by converting it to Peso), hindi ka kinakailangan mag bayad ng tax for it.  Cheesy
    Read more here: https://www.pwc.com/ph/en/tax/tax-publications/taxwise-or-otherwise/2022/cryptocurrency-accounting-and-taxation.html

    ▄▄███████████████████▄▄
    ▄███████████████████████▄
    ████████████████████████
    █████████████████████████
    ████████████████████████
    ████████████▀██████▀████
    ████████████████████████
    █████████▄▄▄▄███████████
    ██████████▄▄▄████████████
    ████████████████████████
    ████████████████▀▀███████
    ▀███████████████████████▀
    ▀▀███████████████████▀▀
     
     EARNBET 
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ███████▄▄███████████
    ████▄██████████████████
    ██▀▀███████████████▀▀███
    ▄████████████████████████
    ▄▄████████▀▀▀▀▀████████▄▄██
    ███████████████████████████
    █████████▌██▀████████████
    ███████████████████████████
    ▀▀███████▄▄▄▄▄█████████▀▀██
    ▀█████████████████████▀██
    ██▄▄███████████████▄▄███
    ████▀██████████████████
    ███████▀▀███████████
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██


    ▄▄▄
    ▄▄▄███████▐███▌███████▄▄▄
    █████████████████████████
    ▀████▄▄▄███████▄▄▄████▀
    █████████████████████
    ▐███████████████████▌
    ███████████████████
    ███████████████████
    ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

     King of The Castle 
     $200,000 in prizes
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██
    ██

     62.5% 

     
    RAKEBACK
    BONUS
    electronicash
    Legendary
    *
    Offline Offline

    Activity: 3290
    Merit: 1057


    NO KYC Crypto Exchange


    View Profile WWW
    March 30, 2026, 02:50:56 AM
     #4


    maganda and idea na hinati-hati sa tatlo ang seed. sa ganito, niisa ay walang access at sa ganito ay magkakaron ng tiwala ang mga user na gamitin. kailangan nga lang itong masubukan pa dahil parang experimento pa rin to.  at ang beneficiary rin ay dapat may alam sa seed at pag import dahil kung hindi, tapos ang pinaghirapan ng tao at hindi mapakinabangan ng beneficiary.

    pinopromote na nila habang ang sabi sa page ng deadhand ay " On January 1, 2030, it becomes fully open source (AGPL v3)"  baka hindi gaanong tangkilikin ito sa ngayon. gusto kasi ng mga user na mapagkatiwalaan at being opensource is a must.

    fullfitlarry
    Full Member
    ***
    Offline Offline

    Activity: 308
    Merit: 185


    You Attract What You Are


    View Profile
    March 30, 2026, 08:18:39 AM
     #5

    +1
    Great topic OP. I've been looking for comprehensive guide on this.  Wink
    Lahat naman tayo, sa libingan ang hantungan, kaya nararapat talaga na paghandaan ang ganitong mga bagay.
    Sa mga methods na nabanggit mo OP, I haven't really tried these 3rd party services, mostly because I don't trust any of them. The only things I've done so far is 'yung Google method and the good old personal note method.  Grin

    Maganda ang may plano ka talaga sa kinabukasan ng iyong mga asset. Ang concern ko dito ay kung mayroon bang batas tungkol dito? Kasi alam natin parang bahay lang yan o kung ano, may estate tax kang kailangan asikasuhin at posibleng maging conflict kung sino man ang kahati. May mga legal conflicts pa din iniisip ko kung may ganito.
    Ito din nasa isip ko. As of now, Bitcoin at iba pang mga crypto are treated as an intangible asset and fall under the category of personal property, pupwede ito mapamana. As for taxes, medyo magulo pa ang current laws natin regarding it. I think if hindi e-coconvert ang BTC or Crypto to PHP (fiat), it can't be taxed? Lahat kasi ng income natin ngayon may tax, so if you're not earning from your crypto (assuming you only earn from it by converting it to Peso), hindi ka kinakailangan mag bayad ng tax for it.  Cheesy
    Read more here: https://www.pwc.com/ph/en/tax/tax-publications/taxwise-or-otherwise/2022/cryptocurrency-accounting-and-taxation.html

    Hindi ko sure kung cover sya dito sa discussion na to: Crypto taxes sa Pilipinas, nagde-declare ba kayo ng gains?. Kasi nga hindi rin talaga klaro ang lahat para sa tin pagdating sa Bitcoin.

    At agree ako na maganda talaga ang topic na to na lahat tayo dapat panghandaan. Kahit maliit man o malaki ang holding natin, hindi natin hawak ang future kaya talagang dapat meron tayong ganitong sistema na nalagay na.

    Pages: [1]
      Print  
     
    Jump to:  

    Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!