Bitcoin Forum
April 10, 2026, 10:15:30 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Ang piso ay worth P0.75 nalang  (Read 51 times)
demonica (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 532
Merit: 121


Catalog Websites


View Profile WWW
April 08, 2026, 04:02:42 PM
 #1



Nakita ko lang itong news mula sa GMA na sinasabing, ang halaga ng piso ngayon ay parang 0.75 pesos nalang ngayon.

Kung tutuusin, parang dati pa, ganyan na ang value ng piso, hindi lang ngayon. Kung napapansin nyo nung mga nagdaang taon, yung mga chichirya o candy na nabibili natin dati na piso isa ay mas nagmahal na sa mga sari-sari store. Kung hindi ako nagkakamali, ang mga candy ngayon ay mabibili na ng 4pcs ay worth P5. Yung mga chichirya ngayon ay parang wala ng mabibili na worth piso.

Hindi ko alam bakit ngayon lang nasabi ng statistics na naging worth 0.75 cents na ang piso, kung mga nakaraang taon pa natin ramdam ito. Actually, ngayong nagmamahal ang gas at apektado ang lahat ng pangunahing bilihin, parang mas bababa ang value ng piso. Baka sa susunod na mga linggo, sa P5 mo ay tatlo o dalawang candy nalang ang mabibili mo.

Anong masasabi nyo rito? Hindi ba parang outdated naman ang kanilang statistics? O sadyang out of touch na ang mga nasa government agencies kaya hindi nila alam ang tunay na nararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino? At gusto ko lang rin malaman, kung ano ang plans or next resort nyo pag patuloy na bumaba ang value ng piso? Hold more ng crypto or stablecoins instead of peso? Kasi kung makikita sa performance ng govt, mukhang mas mag dudusa pa tayo sa mga susunod na linggo. Kaya parang kinoconsider ko din ilipat pa ang iba kong funds/savings at ilagay nalang sa crypto.

█████████████████     BitList     █████████████████
████     |           Mixer           |        Exchanges        |          Casino          |     ████
|   Bitcointalk Archive   |   Data Visualization & Search   |  Currency Converter  |
fullfitlarry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 322
Merit: 207


You Attract What You Are


View Profile
April 09, 2026, 03:02:33 AM
 #2

Anong masasabi nyo rito? Hindi ba parang outdated naman ang kanilang statistics? O sadyang out of touch na ang mga nasa government agencies kaya hindi nila alam ang tunay na nararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino? At gusto ko lang rin malaman, kung ano ang plans or next resort nyo pag patuloy na bumaba ang value ng piso? Hold more ng crypto or stablecoins instead of peso? Kasi kung makikita sa performance ng govt, mukhang mas mag dudusa pa tayo sa mga susunod na linggo. Kaya parang kinoconsider ko din ilipat pa ang iba kong funds/savings at ilagay nalang sa crypto.

Tama matagal na to, naging highlight lang ngayon dahil may krisis ang buong mundo kaya siguro naglabas ng balita patungkol dito. May punto ka dun sa mga government agencies or at least yung mga namumuno dahil talaga sa korupsyon. Maaaring ang dami ng mga pera ng mga to sa banko, milyon milyon kaya walang pakialam sa presyo ng gasoline dahil kaya parin nilang bilhin.

Pag dating sa crypto, ipon lang talaga at mag hold, di ko sure kong stable coins o Bitcoin, pero para sa kin, kung kaya lang talaga ulit na mag accumulate ngayon dahil bear market, then para sa kin Bitcoin parin.

Hirap mag-advise kabayan, basta i-balance mo lang ang ipon mo, siguro kahit half sa crypto o Bitcoin. Kailangan pa rin natin ng peso na pang gastos at hindi pa talaga tayo cashless society.

Selaphiel
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 15
Merit: 0


View Profile
April 09, 2026, 10:29:56 PM
 #3

Matagal na yan, hindi lang nararamdaman ng karamihang mga kababayan natin yung value ng piso, nung panahon nga ng 1985 yung singko at dyes(10 centavos) nakakabili pa ako ng candy nung mga panahon na yan siyempre bata pa ako nyan. Pero ngayon yung ganyang amount centavo ay wala ka nga mabibili kundi panukli nalang ang silbi nyan sa panahon na ito. At wala rin naman tayong magagawa dahil ito ang nakatadhana sa henerasyon natin ngayon. Ang tanging magagawa nalang siiguro natin ay maging matatag, masinop at madiskarte sa buhay dahil kung hindi natin ito gagawin ay sabi nga nila ay magiging nganga tayo nyan. Basta pakinabangan din natin ang trend na meron tayo ngayon sa kapanahunang ito like in technology ay gamitin din natin kung pwede naman tayong makakuha ng profit dito katulad nalang nito sa cryptocurrency o bitcoin.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!