
Nakita ko lang itong news mula sa GMA na sinasabing, ang halaga ng piso ngayon ay parang 0.75 pesos nalang ngayon.
Kung tutuusin, parang dati pa, ganyan na ang value ng piso, hindi lang ngayon. Kung napapansin nyo nung mga nagdaang taon, yung mga chichirya o candy na nabibili natin dati na piso isa ay mas nagmahal na sa mga sari-sari store. Kung hindi ako nagkakamali, ang mga candy ngayon ay mabibili na ng 4pcs ay worth P5. Yung mga chichirya ngayon ay parang wala ng mabibili na worth piso.
Hindi ko alam bakit ngayon lang nasabi ng statistics na naging worth 0.75 cents na ang piso, kung mga nakaraang taon pa natin ramdam ito. Actually, ngayong nagmamahal ang gas at apektado ang lahat ng pangunahing bilihin, parang mas bababa ang value ng piso. Baka sa susunod na mga linggo, sa P5 mo ay tatlo o dalawang candy nalang ang mabibili mo.
Anong masasabi nyo rito? Hindi ba parang outdated naman ang kanilang statistics? O sadyang out of touch na ang mga nasa government agencies kaya hindi nila alam ang tunay na nararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino? At gusto ko lang rin malaman, kung ano ang plans or next resort nyo pag patuloy na bumaba ang value ng piso? Hold more ng crypto or stablecoins instead of peso? Kasi kung makikita sa performance ng govt, mukhang mas mag dudusa pa tayo sa mga susunod na linggo. Kaya parang kinoconsider ko din ilipat pa ang iba kong funds/savings at ilagay nalang sa crypto.