Bitcoin Forum
June 14, 2026, 12:05:44 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Mas magiging gamit ba ang stablecoins kaysa Bitcoin sa future?  (Read 22 times)
Viscore (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3360
Merit: 669

Sig campaign? Telegram ID- @LT_Mouse


View Profile
June 13, 2026, 02:47:52 PM
 #1

Napaisip lang ako tungkol sa magiging role ng Bitcoin at stablecoins sa future.

Sa ngayon, kapag usapang crypto, Bitcoin pa rin ang pinaka kilala. Pero kung gagamitin talaga sa daily transactions, parang mas praktikal gamitin ang stablecoins tulad ng USDT at USDC.

Mas madaling bilangin, mas madaling ipadala, at hindi ka kabado na biglang magbago ang value habang hawak mo pa. Kung $100 ang pinadala mo, halos $100 pa rin ang value niya. Hindi tulad ng Bitcoin na puwedeng tumaas o bumaba agad depende sa market. Kaya minsan naiisip ko, baka sa future Bitcoin ay mas maging investment or store of value na lang, habang stablecoins naman ang mas ginagamit sa payments, remittances, trading, at ordinary transactions.

Pero dito rin papasok ang isang interesting na tanong.
Sinasabi ng marami na tataas ang value ng Bitcoin dahil sa demand. Pero paano kung ang mas malaking demand sa crypto space ay mapunta sa stablecoins dahil mas madali silang gamitin sa totoong buhay?

Makakaapekto ba ito sa Bitcoin in the long run, o magkaiba lang talaga sila ng purpose?
Para sa inyo, mas magiging dominant ba ang stablecoins pagdating sa actual usage, habang Bitcoin naman ay magiging pang-hold at long-term investment na lang?
crwth
Copper Member
Legendary
*
Offline

Activity: 3528
Merit: 1603


crwth.dev


View Profile
June 13, 2026, 05:47:10 PM
 #2

Nasabi mo na kabayan eh, mostly it's about storing BTC kasi of the potential market price na magkaroon siya. Sa tingin ko, iba iba ang purpose ng different entities, whether corporate or individual. Minsan para sa hedge against the fiat and iba naman, just a store in value, making sure na mayroon talagang kept amount.

Tandaan palagi na
Code:
High usage ≠ high value

Meaning, hindi porket hindi siya pang everyday use, mababa ang value niya. May mga ibang paraan na lang para magamit 'to.

▄▄████████████████████▄▄
▄███████▀▀██████▀▀███████▄
████████████████████████
████████▄▄██████▄▄██████

████████████████████████
██▄▄█████████████▄▄██████
██▀▀██████████████████▄▄██
██████▀▀██████████████▀▀██
██████████████████████████
██████▀▀██████▀▀████████
████████████████████████
▀███████▄▄██████▄▄███████▀
▀▀████████████████████▀▀
 
 DΞX.fo 
▄▄██████
█████████
██████████
█████████
██████████
█████████
▀▀██████

▄███████
▄██████████
████████████
█████████████
█████████████
|
▄▄█
▄████▀
▄███▀
▄██▀▄██
█████▀▀
███████
████████
▀██▄████
▄████▄▄
▄█████▀███
▄█████▀████
█████▀███████
▀██▀█████████
|  BTC     XMR  
  DAI     LTC  
   Fees  0.8%    
BALIK
Copper Member
Hero Member
*****
Offline

Activity: 2842
Merit: 631


🍓 BALIK Never DM First


View Profile
June 13, 2026, 09:39:16 PM
 #3

Siguradong stablecoin ang maghahari sa mga pang araw araw na transaksyon, remittance at bayaran dahil sa pagiging stable nito. Iyan naman talaga ang pangunahing layunin nito. Pero ang fixed supply ng Bitcoin ang nagbibigay dito ng mas matinding monetary property na hindi kayang tapatan ng kahit anong stablecoin Wink

Oo nga't on chain ang mga stablecoin, pero naka back naman ang mga ito sa fiat o mga bangko. Maaaring maginhawa silang gamitin sa mga transaksyon, pero hindi nila kayang solusyunan ang pinaka ugat na problema ng fiat money. Kaya naman, magpapatuloy ang coexistence ng stablecoin at Bitcoin. Alam mo naman, ang pinakamagandang uri ng pera ay laging nananalo muna bilang Store of Value bago ito pumasok bilang Medium of Exchange Wink

Sa totoo lang, ang mataas na paggamit ng stablecoin ay hindi nagpapababa sa halaga ng Bitcoin. Sa katunayan, lalo pa nitong pinalalaki ang demand para sa BTC bilang reserve asset sa likod ng maraming stablecoin Smiley

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!