Siguradong stablecoin ang maghahari sa mga pang araw araw na transaksyon, remittance at bayaran dahil sa pagiging stable nito. Iyan naman talaga ang pangunahing layunin nito. Pero ang fixed supply ng Bitcoin ang nagbibigay dito ng mas matinding monetary property na hindi kayang tapatan ng kahit anong stablecoin

Oo nga't on chain ang mga stablecoin, pero naka back naman ang mga ito sa fiat o mga bangko. Maaaring maginhawa silang gamitin sa mga transaksyon, pero hindi nila kayang solusyunan ang pinaka ugat na problema ng fiat money. Kaya naman, magpapatuloy ang coexistence ng stablecoin at Bitcoin. Alam mo naman, ang pinakamagandang uri ng pera ay laging nananalo muna bilang Store of Value bago ito pumasok bilang Medium of Exchange

Sa totoo lang, ang mataas na paggamit ng stablecoin ay hindi nagpapababa sa halaga ng Bitcoin. Sa katunayan, lalo pa nitong pinalalaki ang demand para sa BTC bilang reserve asset sa likod ng maraming stablecoin
