Based sa news, may dalawang lalaki na kinasuhan sa U.S. dahil sa alleged $389 million Bitcoin and crypto laundering scheme na connected daw sa dark web. Link ng full article nasa baba ng post.
Kapag ganitong klaseng balita, ang dating agad sa ibang tao is “Bitcoin is used for crime” or “crypto is for illegal activities.” Pero para sa akin medyo unfair din yung ganung take, kasi kahit fiat money ginagamit naman sa laundering matagal na. Mas napapansin lang talaga crypto kasi mas madali siyang gawing headline. Ang interesting dito, kahit Bitcoin ang involved, na-track pa rin daw yung transactions. So hindi rin tama yung idea na kapag crypto gamit, automatic tago na lahat. Public blockchain pa rin yan, and once may connection sa exchange or real identity, puwede pa rin mahabol.
Sa status ngayon ng Bitcoin, marami ng tao ang nakakaalam na ang Bitcoin pag-akusa sa bitcoin na ginagamit lang ng mga kriminal ay isang kasinungalingan. Dati ay isang malaking mantsa ito sa Bitcoin dahil maraming tao ang ignorante tungkol sa Bitcoin. Ngunit pagdaan ng panahon, nakita nila ang katotohanan tungkol sa Bitcoin, at ng makita nila ang specification ng Bitcoin, ay naibunyag na ang Bitcoin ay hindi magandang gamitin sa kriminalidad dahil sa pagiging transparent nito. At napatunayan na isang propaganda lang ang pagpapakalat tungkol sa pang kriminal na activity lang ang Bitcoin.
Para sa akin, hindi Bitcoin mismo ang problema dito. Tool lang siya, nasa tao pa rin kung paano gagamitin. Same lang sa cash, bank accounts, or remittance. May legal use, may illegal use din.
Kayo ano tingin niyo, fair ba na laging nadadamay image ng Bitcoin sa ganitong case, or normal na ito habang lumalaki adoption?
Sang-ayon ako sa sinabi mo na tool lang ang Bitcoin. Katulad ng fiat currency, at iba pang mga tools, naayon sa kung sino ang may hawak nito kung ang tool ba ay gagamitin sa masama o sa mabuti.