Bitcoin Forum
June 29, 2026, 06:15:14 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Bullish at Bearish Cycle sa Bitcoin  (Read 107 times)
coinrifft (OP)
Full Member
***
Offline

Activity: 252
Merit: 201

Rainbet

View Profile
June 26, 2026, 08:48:28 AM
Merited by cryptoaddictchie (1), Peanutswar (1), fullfitlarry (1)
 #1

Bullish at Bearish Cycle sa Bitcoin

Image generated by AI

Talaan

I. Panimula

Alam naman na natin na ang Bitcoin ay kilala sa matitinding paggalaw ng presyo sa merkdado. At sa simula pa, , paulit-ulit na naranasan ng merkado ang tinatawag na bullish cycle at bearish cycle. At kung ikaw ay isang namumuhunan sa Bitcoin, mahalagang malaman mo ang pinagkaiba ng dalawang ito. Lalo rin sa mga trader, dahil dito nakasalalay ang kanilang kikitaan kahit ano pa mang uri ka ng trader.

II. Bullish Cycle sa Bitcoin

Ang bullish cycle ay panahon kung kailan patuloy na tumataas ang presyo ng Bitcoin sa loob ng kulang kulang na dalawang taon. Karaniwang nagsisimula ito pag tapos ng Bitcoin halving dahil ang supply ay mas nagiging limitado pero ang demand ay nakapataas..

At kapag dumating itong cycle na to, halos lahat ng investor at trader ay nagiging positibo sa galawan ng presyo dahil nga inaasahan na tataas ang presyo nito sa mga sumusunod na taon. At lalo na kung may mga positibong balita tungkol sa adoption,  institutional investments, at mga bagong development sa industriya. Katulad na lang itong huling bull cycle na nahalal si Trump dahil kilala siyang supporter ng Bitcoin ay nais nyang mga Strategic Bitcoin Reserve ito ng Estados Unidos. Ganun din na buksan ng mga malalaking institution ang ETF sa kanilang mayayamang kliente.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karaniwang katangian ng bullish cycle:

  • Pagpasok ng mga bagong mamumuhunan
  • Patuloy ang pagtaas ng presyo ng Bitcoin
  • Mataas na trading volume sa mga exchange
  • Positibong sentimyento sa merkado
  • Pagtaas ng interes mula sa mga institusyon at malakaking kumpanya

Pero pakatandaan na meron din tayong tinatawag na  FOMO (Fear of Missing Out), ito yung mga namumuhunan na bumili dahil ayaw nilang sila ay mapag-iwanan lalo sa kita. Ngunit hindi nila tinitingnan na ang pagbili nila ay malapit sa top price ng bull cycle na iyon.

At kung dumating ang matinding price correction at kabahan sila, malamang na magbenta ito ng patalo.

III. Bearish Cycle sa Bitcoin

Kabaligtaran naman ang bearish cycle. Ito ang panahon na kung saan ang presyo ng Bitcoin ay patuloy na bumababa. At maraming mga namumuhunan ay nagbebenta sa panahong ito, marahil at kinukuha lang nila ang kanila kita sa nagdaang bullish cycle. At dito rin nagkakaroon ng mga balitang FUD kaya nagiging negatibo ang  sentimyento ng merkado.

Ilan sa mga katangian ng bearish cycle ay:

  • Patuloy na pagbaba ng presyo
  • Pagtaas ng takot at pag-aalinlangan ng mga namumuhunan
  • Pagbaba ng trading activity
  • Mas maraming nagbebenta kaysa bumibili
  • Negatibong balita at market sentiment

At sa panahong ito, maraming mga baguhan na investor (newbie) ay natatakot sa nakikita nilang galawan sa merkado kaya sila ay nagbebenta kahit matalo sila. Hindi sila katulad ng mga matatagal na dito na hindi na kinakabahan ngunit bagkus ay imbis na magbenta, sila ay namimili pa para mas dumami ang kanila hawak.

IV. Paghahambing ng Dalawang Cycle

AspetoBullish CycleBearish Cycle
PresyoTumataasBumababa
SentimyentoPositiboNegatibo
Kilos ng InvestorMas maraming bumibiliMas maraming nagbebenta
Media CoverageKadalasang positiboKadalasang negatibo
EmosyonKasabikan at kumpiyansaTakot at pag-aalinlangan

V. Mga Salik na Nakaaapekto sa Market Cycles

May iba't ibang salik na nakaaapekto sa pagbuo ng bullish at bearish cycles sa Bitcoin market.

  • Supply at Demand – Kapag mas mataas ang demand kaysa supply, tumataas ang presyo. Kapag kabaligtaran naman, bumababa ito.
  • Bitcoin Halving – Ang halving ay nagpapababa sa dami ng bagong Bitcoin na nalilikha, na maaaring magdulot ng kakulangan sa supply at pagtaas ng presyo sa paglipas ng panahon.
  • Regulasyon – Ang mga batas at regulasyon mula sa iba't ibang bansa ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kumpiyansa ng merkado.
  • Economic Conditions – Ang inflation, interest rates, at iba pang economic factors ay maaaring makaapekto sa paggalaw ng presyo ng Bitcoin.

VI. Mga Aral para sa mga Namumuhunan

Ang pag-unawa sa market cycles ay makatutulong sa mga investor na gumawa ng mas matalinong desisyon.

Narito ang ilang mahahalagang aral:

  • Magkaroon ng malinaw na investment strategy.
  • Iwasang magpadala sa emosyon tulad ng takot at kasakiman.
  • Magsagawa ng sariling pananaliksik bago mag-invest.
  • Gumamit ng wastong risk management.
  • Magkaroon ng pangmatagalang pananaw sa merkado.

Ang mga bullish cycle ay maaaring magbigay ng malaking oportunidad para sa paglago ng kapital, habang ang mga bearish cycle naman ay maaaring maging pagkakataon upang makabili sa mas mababang presyo at makapag ipon ng marami sa ating wallet.

VII. Konklusyon

Ang bullish at bearish cycles ay normal na bahagi ng Bitcoin market. Kaya dapat wag tayong matakot na harapin to at ituring na bahagi ng paglalakbay natin bilang isang mamumuhunan. Marami na sa atin dito ay nakaranas na ng isang buong cycle, kaya alam na nila ang gagawin at hindi na kinakabahan. At ito rin ang magtuturo sa atin kung paano tayo dumiskarte bilang isang namumuhunan. Nagiging susi rin to sa paggawa ng tamang desisyon. At isa sa estratehiya ay yung tinatawag na DCA (Dollar-Cost Average).

Mga Sanggunian

Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline

Activity: 2282
Merit: 460

Track any Bitcoin address, No Logs

View Profile
June 26, 2026, 11:59:55 PM
Last edit: June 27, 2026, 12:16:43 AM by Asuspawer09
 #2

Maganda itong topic mo kabayan, detalyadong detalyado tungkol sa Bullish at Bear cycle, sa tagal ko dito sa Bitcoin medjo maraming cycles na rin akong naexperience and most of the time maraming pagkakamali akong nagagawa lalo na aking mga trades, Isa sa mga narealize ko dito sa Bull at bear market is dapat ay lagi kang advance, two steps ahead ka kung magisip sabi nga nila, hindi kase naten alam kung Bullish or Bear ang market madalas late na kapag narerealize naten ito, Kaya isa sa mga ginagawa ko is always do the sell and buy at any moment. Noong tumaas ang presyo ng Bitcoin up to 126k$ lagi akong nagbebenta ng small volumes everytime na umaakyat at presyo dahil alam ko possible biglang bumagsak ang market at biglang magsimula ang bear market, marami kase aatin ang hindi alam, akala nila aangat lang ng aangat dahil Bullish.

Isa pa pansin ko din sobrang ganda na ng AI ngayon nakakapaggenerate na ng sobrang detalyadong images na informational tulad neto, sinubukan ko din gumamit noong nakaraan ng ganitong AI images and nagulat din ako na kayang kaya na niya magbigay ng magagandang mga images tulad nyan.

cryptoaddictchie
Legendary
*
Offline

Activity: 2856
Merit: 1594

View Profile
June 27, 2026, 05:12:47 AM
Merited by fullfitlarry (1)
 #3

Noong tumaas ang presyo ng Bitcoin up to 126k$ lagi akong nagbebenta ng small volumes everytime na umaakyat at presyo dahil alam ko possible biglang bumagsak ang market at biglang magsimula ang bear market, marami kase aatin ang hindi alam, akala nila aangat lang ng aangat dahil Bullish.
Totoo to kabayan, mayroon din akong mga pagkakamali sa ibang bull cycles and hindi naman ito maiiwasan eh kasi nga yung time of the bull eh di matagal and kapag tingin mo pabagsak na dapat habang paakyat palang eh nagbebenta ka na paunti unti amd maganda din yung paunti unti sell para if ever mas tumaas pa may mabebenta ka pa. Sa bear season ito yung time na nakakatamad ksi talagang more on holding lang and buyung back ng mga tokens na tingin mo gagawa ng magandang trend line sa bull.

Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline

Activity: 2282
Merit: 460

Track any Bitcoin address, No Logs

View Profile
June 27, 2026, 05:45:08 PM
Merited by fullfitlarry (1)
 #4

Noong tumaas ang presyo ng Bitcoin up to 126k$ lagi akong nagbebenta ng small volumes everytime na umaakyat at presyo dahil alam ko possible biglang bumagsak ang market at biglang magsimula ang bear market, marami kase aatin ang hindi alam, akala nila aangat lang ng aangat dahil Bullish.
Totoo to kabayan, mayroon din akong mga pagkakamali sa ibang bull cycles and hindi naman ito maiiwasan eh kasi nga yung time of the bull eh di matagal and kapag tingin mo pabagsak na dapat habang paakyat palang eh nagbebenta ka na paunti unti amd maganda din yung paunti unti sell para if ever mas tumaas pa may mabebenta ka pa. Sa bear season ito yung time na nakakatamad ksi talagang more on holding lang and buyung back ng mga tokens na tingin mo gagawa ng magandang trend line sa bull.

Tama ka jan kabayan, pagdating sa holding sobrang hirap talagang gawin, lalo na kung hindi pa maayos ang finances mo, isa sa mga natutunan ko dahil maayos na ang finances mo dahil noong nagsimula ako puro Bitcoin investment lang naman halos lahat ng pera ko, kaya kapag kailangan ng pera laging napupunta sa need ko magsell ng Bitcoin ko, medjo padalos dalos lang talaga noong baguhan pa lamang pero noong marami na akong experience masokey talaga na may financial foundation ka dahil hindi ka basta basta bibitay sa investment mo o magbebenta, dahil alam mo na hindi mo naman kailangan ang pera, dahil may liquidity ka or savings.

Dapat din yung volume na binebenta mo sa pagangat ng Bitcoin is hindi mo gagamitin sa ibang investment dahil kung gagastusin mo rin or gagamitin din para ka din nagbenta ng Bitcoin sa ganoong market price isa sa mga natutunan ko is sobrang halaga talaga ng liquidity sa investment, kung wala kang liquidity at puro nakainvest lang ang pera mo, madalas matatalo ka or meaning mali o hindi maganda ang strategy mo.

fullfitlarry
Sr. Member
****
Offline

Activity: 406
Merit: 327

You Attract What You Are

View Profile
June 28, 2026, 01:46:53 AM
Merited by cryptoaddictchie (1)
 #5

Noong tumaas ang presyo ng Bitcoin up to 126k$ lagi akong nagbebenta ng small volumes everytime na umaakyat at presyo dahil alam ko possible biglang bumagsak ang market at biglang magsimula ang bear market, marami kase aatin ang hindi alam, akala nila aangat lang ng aangat dahil Bullish.
Totoo to kabayan, mayroon din akong mga pagkakamali sa ibang bull cycles and hindi naman ito maiiwasan eh kasi nga yung time of the bull eh di matagal and kapag tingin mo pabagsak na dapat habang paakyat palang eh nagbebenta ka na paunti unti amd maganda din yung paunti unti sell para if ever mas tumaas pa may mabebenta ka pa. Sa bear season ito yung time na nakakatamad ksi talagang more on holding lang and buyung back ng mga tokens na tingin mo gagawa ng magandang trend line sa bull.

Tama, at idag dag na rin siguro natin na wag i-time ang market, lalo na sa bullish cycle, kung sa tingin natin eh kumita na tayo ng mganda sa $100k eh pwede naman magbenta ng maliit at kunin ang profit.

Kung hindi ako nagkakamali parang may nakita akong nag post na to at ang tawag he ladder strategy, o parang hagdan ang pagbenta at hindi isang buhusan. Kung bumagsak eh di goods parin sa atin, at kumita tayo, pag tumaas meron pa tayong pang benta para sa susunod, like sa $110k or $120k++.

Peanutswar
Legendary
*
Offline

Activity: 2324
Merit: 2002

Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL

View Profile
Today at 05:42:22 AM
 #6

Noong tumaas ang presyo ng Bitcoin up to 126k$ lagi akong nagbebenta ng small volumes everytime na umaakyat at presyo dahil alam ko possible biglang bumagsak ang market at biglang magsimula ang bear market, marami kase aatin ang hindi alam, akala nila aangat lang ng aangat dahil Bullish.
Totoo to kabayan, mayroon din akong mga pagkakamali sa ibang bull cycles and hindi naman ito maiiwasan eh kasi nga yung time of the bull eh di matagal and kapag tingin mo pabagsak na dapat habang paakyat palang eh nagbebenta ka na paunti unti amd maganda din yung paunti unti sell para if ever mas tumaas pa may mabebenta ka pa. Sa bear season ito yung time na nakakatamad ksi talagang more on holding lang and buyung back ng mga tokens na tingin mo gagawa ng magandang trend line sa bull.

Ako is naka abang na ako ng TA ko pag dating sa price ni Bitoy na tatama sya ng 120k and hindi nga nag kamali ako hula-lisis ko kasi expect nag surpass pa nga ito eh nag partial sell na din ako sa price ng mga around 100, 110 at 120k so di nako nag intay pa para sa price ni Bitcoin na mas umangat pa instead nag TP nako so satisfied naman ako so far may gains din naman nangyari so tamang DCA na ako ngayong cycle para sa next bullrun is same thing happen kurot na din ng partially.

 b1exch.to 
  ETH      DAI   
  BTC      LTC   
  USDT     XMR    
.███████████▄▀▄▀
█████████▄█▄▀
███████████
███████▄█▀
█▀█
▄▄▀░░██▄▄
▄▀██▄▀█████▄
██▄▀░▄██████
███████░█████
█░████░█████████
█░█░█░████░█████
█░█░█░██░█████
▀▀▀▄█▄████▀▀▀
cryptoaddictchie
Legendary
*
Offline

Activity: 2856
Merit: 1594

View Profile
Today at 09:10:00 AM
 #7

Ako is naka abang na ako ng TA ko pag dating sa price ni Bitoy na tatama sya ng 120k and hindi nga nag kamali ako hula-lisis ko kasi expect nag surpass pa nga ito eh nag partial sell na din ako sa price ng mga around 100, 110 at 120k so di nako nag intay pa para sa price ni Bitcoin na mas umangat pa instead nag TP nako so satisfied naman ako so far may gains din naman nangyari so tamang DCA na ako ngayong cycle para sa next bullrun is same thing happen kurot na din ng partially.
Wow grabe din ang tp hit mo boss. $120k 1 bitcoin ba yan boss. Congrats sayo boss! Tingin ko maganda na nga talaga mag dca now kasi grabe na din binaba ng price eh . Sarap sana mag dca sana makatsamba ako sa mga airdrops kahit yung Multipli natin Im expecting big na malaki makuha dun men para maka bawas naman ako sa mga balances ko na nawala.

Tingin mo boss anong year kaya papalo ang bull run?

bhadz
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3206
Merit: 635

View Profile WWW
Today at 10:51:19 AM
 #8

Ako is naka abang na ako ng TA ko pag dating sa price ni Bitoy na tatama sya ng 120k and hindi nga nag kamali ako hula-lisis ko kasi expect nag surpass pa nga ito eh nag partial sell na din ako sa price ng mga around 100, 110 at 120k so di nako nag intay pa para sa price ni Bitcoin na mas umangat pa instead nag TP nako so satisfied naman ako so far may gains din naman nangyari so tamang DCA na ako ngayong cycle para sa next bullrun is same thing happen kurot na din ng partially.
May naalala ako sa hula-lisis haha. Mas mabuti ka kabayan na mas mataas yung price na TP mo, ako naka TP sa iba't ibang price, before mag $100k at yung mataas din. Sulit na din sa mga nakabenta sa medyo peak dahil hindi natin alam kung gaano kataas yung aabutin nun last year. Sa ngayon bawi nalang ulit sa DCA na kahit anong price pa yan basta makabawi kahit kokonti. Kahit ilang decimal o mbtc ang maipon ay okay na rin basta ang mahalaga ay may ginagawa tayo hangga't bagsak pa ang presyo kasi mahirap na ulit makabili kapag medyo malaki laki yung nabenta.

███████▄▄███▄███▄
███▄▄████████▌██
▄█████████████▐██▌
██▄███████████▌█▌
███████▀██████▐▌█
██████████████▌▌▐
████████▄███████▐▐
█████████████████
███████████████▄██▄
██████████████▀▀▀
█████▀███▀▀▀

▄▄▄██████▄▄▄███████▄▄▄
███████████████████████████
███▌█████▀███▌█████▀▀███████████▄▄▄▄▄▄▄▄
███▌█████▄███▌█████▄███▐███████████████████▄
▐████████████▀███████▄██████████▀▀▀▀▀▀▀▀████▀
▐████████████▄██▄███████████▌█████████▄████▀
▐█████████▀█████████▌█████████████▄▄████▀
██████████▄███████████▐███▌██▄██████▀
██████████████▀███▐███▌██████████████████████
████▀██████▀▀█████████▌███▀▀▀▀███▀▀▀▀▀▀▀████▌
 
      P R E M I E R   B I T C O I N   C A S I N O   &   S P O R T S B O O K      

█▀▀

▀▀▀

▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

  98%  
RTP

▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

▀▀█

▀▀▀

█▀▀

▀▀▀

▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

 HIGH 
ODDS

▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

▀▀█

▀▀▀
 
..PLAY NOW..
lionheart78
Legendary
*
Offline

Activity: 3458
Merit: 1199

View Profile WWW
Today at 02:14:22 PM
 #9

Ang maganda lang dito ay alam natin kung kailan nagsisimula ang bullrun at kung kailang ang posibleng pasimula ng bear market.  Kaya kapag pakiramdam natin ay nasa mid or last part na ng pagsurge ng BTC kahit hindi natin maibenta ang hawak natin sa presyong ATH, ay maari na nating unti-unting ibenta ang hawak natin, sabi nga ng naunang reply pwede naman ladderized selling kahit na ma benta nating ng 100% ang holdings natin basta pagdating ng bear market ay makapagreplenish tayo ng mas malaking amount ng BTC since mas mababa naman ang price ng BTC sa presyong pagbenta natin during the bull market.

Ako is naka abang na ako ng TA ko pag dating sa price ni Bitoy na tatama sya ng 120k and hindi nga nag kamali ako hula-lisis ko kasi expect nag surpass pa nga ito eh nag partial sell na din ako sa price ng mga around 100, 110 at 120k so di nako nag intay pa para sa price ni Bitcoin na mas umangat pa instead nag TP nako so satisfied naman ako so far may gains din naman nangyari so tamang DCA na ako ngayong cycle para sa next bullrun is same thing happen kurot na din ng partially.
May naalala ako sa hula-lisis haha. Mas mabuti ka kabayan na mas mataas yung price na TP mo, ako naka TP sa iba't ibang price, before mag $100k at yung mataas din. Sulit na din sa mga nakabenta sa medyo peak dahil hindi natin alam kung gaano kataas yung aabutin nun last year. Sa ngayon bawi nalang ulit sa DCA na kahit anong price pa yan basta makabawi kahit kokonti. Kahit ilang decimal o mbtc ang maipon ay okay na rin basta ang mahalaga ay may ginagawa tayo hangga't bagsak pa ang presyo kasi mahirap na ulit makabili kapag medyo malaki laki yung nabenta.

Tama ka dyan kabayan, kapag bear market pwede magaccumulate ulit kahit DCA kung sakaling wala tayong pangbili ng malakihan.  Ang mahalaga ay macapitalize natin ang mga advantages kapag bear at bull market.

█████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████

█████████████████████▀█▀████████████████▀████████████████▀█████████████████████████████▀████████████████████████████████
█████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████
████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████
███████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████
███████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████▀██████▀█████▀████████▀█████
██████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████
█████████████████████▄█▄████████████████▄████████████████▄█████████████████████████████████▄██████▄█████▄████████████
█████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████
█████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████
█████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████
 
 🍒   ⚽️    IIIIIFASTEST GROWING CASINO & SPORTSBOOK     Play Now    
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!