Chapter IWhat is Trading? siguro naman lahat tayo ay pamilyar na dito sa salitang ito, sa totoo lang ginagawa naman nating lahat ito sa daily routine ng ating mga buhay diba? hindi lang natin marahil ito napapansin. Pero ang totoo Trading it simply means Exchanging one item for another.
Dahil pag dinala natin ito sa
financial markets katulad ng Forex, Crypto currency, Stocks, ibig sabihin bilang mga traders ay nakikipagpalitan tayo ng Pera, Shares o Coins sa iba't-ibang traders sa buong mundo through online. Ano ngayon ang Motibo natin bakit gusto nating pasukin ang mundo ng Trading? Ang direktang sagot ay para makapagprofit tayo dito ng PERA. Bibili tayo sa murang halaga at ibebenta natin sa mataas na halaga or a simple BUY & SELL. At gagawin naman natin ito sa Financial market.
Pero bakit bumaba at tumataas ang presyo ng bawat price ng isang assets? siyempre ang sagot ay simple economic
SUPPLY & DEMAND. Kapag tumataas ang demand sa isang bagay at nagkukulang ang supply nito tataas ang presyo. At kapag dumadami naman ang supply ng isang bagay at hindi masyadong mataas ang demand ay dito naman bumababa ang value ng isang bagay.
San naman ito nangyayari? Nangyayari naman ito in any market like
Commodities, Stocks, at Cryptocurrencies. Ngayon dahil sa mabilis na pagtaas ng price ng isang assets, ang mga traders ay nakakakita ng opportunidad para makabili at makapagbenta sa maikling panahon, at nangyayari ito sa 1 Day, Month, Week at 1 Minute, pwede kang makapagparticipate sa trading. In other words Trading can make money in a short-term and Investing in the long-term.
What is Investing? Paraan naman ito na paglaan ng ating pera para sa pagkuha ng isang assets. sa pamamagitan ng assets na ito tayo ay umaasa na lalago ang ating pera para sa hinaharap para matustusan anuman ang ating mga pangarap. Sa maraming bagay ginagamit natin ang salitang Investment, tulad ng pagiinvest sa oras ng isang bagay is a form o investment. Pero pagdating sa financial world ay ito yung pagbili ng Security, real estate, at iba pang mga bagay na maaaring makapagbigay ng income o capital gains o maaaring makapagbigay sa isang investors.
Ang karaniwan na tinitingnan ng isang Investors sa isang partikular na assets ay ang Fundamental value nito kung may potential bang umangat ang value nito sa hinaharap.Ano naman ang kaibahan ng Trading at Investing?
Aspeto Investing Trading
1. Layunin Pangmatagalang paglago ng yaman Kumita sa maiikling galaw ng presyo
2. Holding Period Buwan hanggang maraming taon Minuto, oras, araw, o linggo
3. Basehan ng Desisyon Fundamentals at long-term outlook Technical analysis, momentum, at market sentiment
4. Bilang ng Transaksyon Kaunti Madalas
5. Oras na Ginugugol Mas kaunti Mas marami
6. Risk Karaniwang mas mababa (depende sa asset) Karaniwang mas mataas dahil sa madalas na pagpasok at paglabas
7. Emosyon Kailangan ng pasensya Kailangan ng mabilis at disiplinadong desisyon
What is FUNDAMENTAL ANALYSIS? Ito naman yung pamamaraan na pag-analyze ng Intrinsic Value ng isang asset. Ang magaling na investors ay kayang malaman kung undervalued o over value ang isang asset. Pinag-aaralan din nila yung mga bagay na nakakaapekto sa price valuation ng isang assets. Kagaya nalang ng macro economics circumstances, like the state of the wider economy or yung estado ng industriya. At kapag napansin ng isang investors na undervalue ang isang asset ay bibili sila nito sa paniniwalang tataas ang value nito sa hinaharap na a
SIMPLE BUY&HOLD strategy.
Sa ngayon pano ito sinasagawa sa cryptocurrency market? Sa kaso ng cryptocurrency ay iba yung process nya, dahil ang sinusukat naman dito ay yung kanyang
Onchain Metrics, tulad ng network Hashrate kapag nagkakaroon ng all time high at marami pang iba. Madalas ginagamit ang fundamental analysis sa stocks, commodities, Forex, pero sa ngayon hindi ako sure na 100% kung nagmamaterialize naba ito sa mundo ng cryptocurrency dahil alam naman natin na hindi pa talaga ganun katagal ang cryptocurrency sa ganitong industry. Kaya nga sa ngayon ang market ay mostly driven by speculation and narrative.
Bukod pa dito ay more on economics ang Fundamental analysis, at they predict the future price movements, by analyzing the economics, political, and social factors, at included dito yung mga central bank announcement, economic data, Inflation, and others, kaya mostly suitable ito sa Forex trading at Stocks market.
Therefore this is more on focus in Micro/Macro economics.
Ano ba ang TECHNICAL ANALYSIS? dito naman ang method na ginagamit madalas ay yung mga past price movements, and mga chart patterns to predict future's prices. Gaya ng:
1. Ano ba yung naging previous price recently? ano ba yung mga chart patterns na mga nabubuo?
2. Ano ba yung sinasabi ng mga indicators tulad ng mga MA, RSI, Trendline, saan ba yung mga support and Resistance?
kaya ilan lamang ito sa mga pasok sa technical analysis.
In short, more on market trends ito talaga at mas vulnerable ito sa mga traders. Ang technical analysis din ay binubuo ng pag-aaral sa Price action, Volume, Chart Pattern, Technical indicators, at marami pang iba. At lahat ng mga traders ay gumagamit ng tecnical analysis sa kahit na anumang market. Kaya nga kung matututunan mo ito ay hindi mo lang ito magagamit sa cryptocurrency kundi maging sa Stocks, at Forex.
Ngayon hindi ba kayo nagtataka kung bakit applicable ito sa lahat ng Market? Yung ay dahil they have one thing in common kasi, yun ay ang
Human Involvement. Ang market kasi ay nabubuhay sa Fear and Greed of emotions sa mga participants. Kapag ang mga traders at Investors ay natatakot dahil sa uncertainty ng market ay binebenta nila ang mga hawak nilang mga assets sa mababang halaga na nagdudulot naman sa pagbagsak ng price. At kapag sila naman ay excited dahil nakikita nilang tumataas ang price ng isang asset ay ayaw nilang magpaiwan sa halip ay bibili pa sila nito sa pag-aakala na tataas pa ang price nito, ito ang dahilan kung bakit tumataas o bumaba ang price ng isang asset.
What is
MARKET TRENDS? Ito naman ang overall direction ng market na pwedeng paitaas at paibaba.
2 kinds of Market Trends1. Bull Market Ito yung panahon na patuloy ang pagtaas ng market, nagkakaroon ng fluctuation pero ang overall trend ay pataas parin, ito ang panahon na hinihintay
ng mga investors, at traders kasi ang mga assets na hawak nila ay patuloy sa pagtaas, mas nangingibabaw ang excitement at greed sa panahon na ito, mas madaling makapagprofit
sa panahon na ito.
2. Bear market Ito naman yung kabaligtaran ng Bull market, dahil bumabagsak naman ang price dito at patuloy sa pagbaba.
Bagay na kinatatakutan din na mangyari ng mga investors, at traders, kasi sa panahon na ito ay bumababa ang assets na mga hawak nila.
