Bitcoin Forum
July 17, 2026, 07:21:20 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: (Trading Course for Beginners) Trading Introduction  (Read 25 times)
fighter2627 (OP)
Member
**
Offline

Activity: 157
Merit: 64


View Profile
July 15, 2026, 09:26:15 AM
Last edit: July 16, 2026, 12:25:05 PM by fighter2627
Merited by coinrifft (1)
 #1

Chapter I

What is Trading? siguro naman lahat tayo ay pamilyar na dito sa salitang ito, sa totoo lang ginagawa naman nating lahat ito sa daily routine ng ating mga buhay diba? hindi lang natin marahil ito napapansin. Pero ang totoo Trading it simply means Exchanging one item for another.

Dahil pag dinala natin ito sa financial markets katulad ng Forex, Crypto currency, Stocks, ibig sabihin bilang mga traders ay nakikipagpalitan tayo ng Pera, Shares o Coins sa iba't-ibang traders sa buong mundo through online.

Ano ngayon ang Motibo natin bakit gusto nating pasukin ang mundo ng Trading? Ang direktang sagot ay para makapagprofit tayo dito ng PERA.  Bibili tayo sa murang halaga at ibebenta natin sa mataas na halaga or a simple BUY & SELL. At gagawin naman natin ito sa Financial market.

Pero bakit bumaba at tumataas ang presyo ng bawat price ng isang assets? siyempre ang sagot ay simple economic SUPPLY & DEMAND. Kapag tumataas ang demand sa isang bagay at nagkukulang ang supply nito tataas ang presyo. At kapag dumadami naman ang supply ng isang bagay at hindi masyadong mataas ang demand ay dito naman bumababa ang value ng isang bagay.

San naman ito nangyayari? Nangyayari naman ito in any market like Commodities, Stocks, at Cryptocurrencies.

Ngayon dahil sa mabilis na pagtaas ng price ng isang assets, ang mga traders ay nakakakita ng opportunidad para makabili at makapagbenta sa maikling panahon, at nangyayari ito sa 1 Day, Month, Week at 1 Minute, pwede kang makapagparticipate sa trading.  In other words Trading can make money in a short-term and Investing in the long-term.

What is Investing? Paraan naman ito na paglaan ng ating pera para sa pagkuha ng isang assets. sa pamamagitan ng assets na ito tayo ay umaasa na lalago ang ating pera para sa hinaharap para matustusan anuman ang ating mga pangarap. Sa maraming bagay ginagamit natin ang salitang Investment, tulad ng pagiinvest sa oras ng isang bagay is a form o investment.  Pero pagdating sa financial world ay ito yung pagbili ng Security, real estate, at iba pang  mga bagay na maaaring makapagbigay ng income o capital gains o maaaring makapagbigay sa isang investors. Ang karaniwan na tinitingnan ng isang Investors sa isang partikular na assets ay ang Fundamental value nito kung may potential bang umangat ang value nito sa hinaharap.

Ano naman ang kaibahan ng Trading at Investing?

Quote

   Aspeto                                                          Investing                                                            Trading

1. Layunin                                       Pangmatagalang paglago ng yaman                     Kumita sa maiikling galaw ng presyo
2. Holding Period                              Buwan hanggang maraming taon                        Minuto, oras, araw, o linggo
3. Basehan ng Desisyon                    Fundamentals at long-term outlook                      Technical analysis, momentum, at market sentiment
4. Bilang ng Transaksyon                   Kaunti                                                              Madalas
5. Oras na Ginugugol                        Mas kaunti                                                         Mas marami
6. Risk                                           Karaniwang mas mababa (depende sa asset)         Karaniwang mas mataas dahil sa madalas na pagpasok at paglabas
7. Emosyon                                    Kailangan ng pasensya                                         Kailangan ng mabilis at disiplinadong desisyon
What is FUNDAMENTAL ANALYSIS? Ito naman yung pamamaraan na pag-analyze ng Intrinsic Value ng isang asset. Ang magaling na investors ay kayang malaman kung undervalued o over value ang isang asset. Pinag-aaralan din nila yung mga bagay na nakakaapekto sa price valuation ng isang assets. Kagaya nalang ng macro economics circumstances, like the state of the wider economy or yung estado ng industriya. At kapag napansin ng isang investors na undervalue ang isang asset ay bibili sila nito sa paniniwalang tataas ang value nito sa hinaharap na a SIMPLE BUY&HOLD strategy.

Sa ngayon pano ito sinasagawa sa cryptocurrency market? Sa kaso ng cryptocurrency ay iba yung process nya, dahil ang sinusukat naman dito ay yung kanyang Onchain Metrics, tulad ng network Hashrate kapag nagkakaroon ng all time high at marami pang iba. Madalas ginagamit ang fundamental analysis sa stocks, commodities, Forex, pero sa ngayon hindi ako sure na 100% kung nagmamaterialize naba ito sa mundo ng cryptocurrency dahil alam naman natin na hindi pa talaga ganun katagal ang cryptocurrency sa ganitong industry. Kaya nga sa ngayon ang market ay mostly driven by speculation and narrative.

Bukod pa dito ay more on economics ang Fundamental analysis, at they predict the future price movements, by analyzing the economics, political, and social factors, at included dito yung mga central bank announcement, economic data, Inflation, and others, kaya mostly suitable ito sa Forex trading at Stocks market. Therefore this is more on focus in Micro/Macro economics.

Ano ba ang TECHNICAL ANALYSIS? dito naman ang method na ginagamit madalas ay yung mga past price movements, and mga chart patterns to predict future's prices. Gaya ng:

1.  Ano ba yung naging previous price recently? ano ba yung mga chart patterns na mga nabubuo?
2.  Ano ba yung sinasabi ng mga indicators tulad ng mga MA, RSI, Trendline, saan ba yung mga support and Resistance?

kaya ilan lamang ito sa mga pasok sa technical analysis. In short, more on market trends ito talaga at mas vulnerable ito sa mga traders. Ang technical analysis din ay binubuo ng pag-aaral sa Price action, Volume, Chart Pattern, Technical indicators, at marami pang iba. At lahat ng mga traders ay gumagamit ng tecnical analysis sa kahit na anumang market. Kaya nga kung matututunan mo ito ay hindi mo lang ito magagamit sa cryptocurrency kundi maging sa Stocks, at Forex.

Ngayon hindi ba kayo nagtataka kung bakit applicable ito sa lahat ng Market? Yung ay dahil they have one thing in common kasi, yun ay ang Human Involvement. Ang market kasi ay nabubuhay sa Fear and Greed of emotions sa mga participants. Kapag ang mga traders at Investors ay natatakot dahil sa uncertainty ng market ay binebenta nila ang mga hawak nilang mga assets sa mababang halaga na nagdudulot naman sa pagbagsak ng price. At kapag sila naman ay excited dahil nakikita nilang tumataas ang price ng isang asset ay ayaw nilang magpaiwan sa halip ay bibili pa sila nito sa pag-aakala na tataas pa ang price nito, ito ang dahilan kung bakit tumataas o bumaba ang price ng isang asset.

What is MARKET TRENDS? Ito naman ang overall direction ng market na pwedeng paitaas at paibaba.

2 kinds of Market Trends

1. Bull Market Ito yung panahon na patuloy ang pagtaas ng market, nagkakaroon ng fluctuation pero ang overall trend ay pataas parin, ito ang panahon na hinihintay
ng mga investors, at traders kasi ang mga assets na hawak nila ay patuloy sa pagtaas, mas nangingibabaw ang excitement at greed sa panahon na ito, mas madaling makapagprofit
sa panahon na ito.

2. Bear market Ito naman yung kabaligtaran ng Bull market, dahil bumabagsak naman ang price dito at patuloy sa pagbaba.
Bagay na kinatatakutan din na mangyari ng mga investors, at traders, kasi sa panahon na ito ay bumababa ang assets na mga hawak nila.



Sa first chapter na aking ginawa kahapon ay pinag-aralan natin ang basic idea about sa trading., Investing, Market trend, and market cycle. Para magkaroon tayo ng foundation kung ano ba ang nangyayari sa market.  Ngayon sa pagkakataon na ito ay pag-aaralan naman natin ay ang tungkol sa mga uri ng Trading style na ginagamit ng iba't-ibang traders.

Alam na natin ang basic concept ng trading, Bibili ka sa murang halaga at ibebenta naman natin sa mas mataas na halaga. Pero alam mo ba na maraming basic strategy na maari nating pagpilian. Bawat traders ay may kanya-kanyang preference  na style depende sa kanilang availability. Kaya sa chapter na ito matutuklasan mo kung ano bang trading strategy
ang naaangkop sayo.

Quote
Chapter 2

DAY TRADING ito yung paraan na pagtetrade sa loob lamang ng isang araw.

Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay isang day trader bibili siya ng isang asset at pagkalipas ng 1 o dalawang oras ay ibebenta na nya ito. Meaning sa maikling panahon ay nagawa ni Juan na makapagprofit sa market, parang napakadaling gawin pero sa reality ay hindi.

Ang Day tradiing ay nababagay lamang sa mga exprienced traders, Pero madami naring mga newbie traders na pinapasok narin ito. Ang isang day traders ay uri ng trader na in and out sa market within the day. Kaya naman hindi maipagkakaila na very stressful ang day trading. Kadalasan sila ay nagtetrade sa lower timeframe na 5min. to 1hr. Ito ay nababagay lamang sa mga taong walang masyadong ginagawa at kayang subaybayan ang galaw ng market sa lahat ng oras. Kasi mabilis ang execution dito, mabilis manalo, mabilis din matalo. Pero ang profit na nakukuha dito ay hindi rin naman ganun kalaki, hindi katulad ng sa Swing Trading.

SWING TRADING ito naman ang idea nya ay to capture the swing, ang trade ay maaring magtagal ng 1 day o weeks. it means kung isa akong swing trader na nag-enter sa trade ngayon ay hindi agad mag-eexit sa market mamaya, maaring itong magtagal ng isang araw o ilang araw o di-kaya abutin pa ng weeks bago ako mag-exit sa market.

Ang isang swing trader ay madalas nagtetrade sa higher timeframe tulad ng 4hr - Daily, di-hamak na mas malaki ang nakukuha na profit ng mga swing traders kasi mas malaki ang trend na nasasabayan nito kumpara sa Day traders. Hindi rin ito masyadong stressful, dahil nga hindi nila kailangang bantayan ang market ng minu-minuto. Pwede silang mag-enter ng position ngayon at babalikan nalang nila ito bukas o sa mga susunod na araw. Ang strategy na ito ay nababagay sa mga taong walang time na bantayan ang market ng minu-minuto. Kaya pwede itong magawa bilang part-time job talaga.

POSITION TRADING ito naman yung long-term trade talaga, sila yung mga traders na sumasabay sa trend, they aim for much higher profit. Tumatagal ang trade nila ng ilang buwan, year or couple of years.  They make trade on higher timeframe daily or weekly.  Bukod  pa dito ang tinitignan nila ay yung big features ng market, in which they use Fundamental and Technical analysis sa kanilang mga trade. Hindi rin nila pinapansin ang fluctuation ng price sa lower timeframe or yung tinatawag na market noise. Dahil naniniwala silang magpapatuloy parin ang value ng kanilang posisyon na ginawa sa trade. At kung malaki ang nakukuha na profit ng isang swing trader ay mas higit na malaki naman sa Position trader. Kasi nakasakay sila habang nagtetrending ang merkado.

Ang mga Position traders ay mga pasensyosong mga tao, hindi nila ibebenta agad ang kanilang mga assets kahit na tumaas na ang value nito, they aim for the higher prize. Kaya nga bagay na bagay ito sa mga taong busy o abala sa kanilang mga buhay-buhay.

SCALPING ito naman siguro ay mas magandang isipin nyo nalang na isa itong Day trading pero EXTREME. Kasi ito yung mga traders o scalpers na nagtetrade o nagpaparticpate sa smallest timeframe na 1min o 5minutes lang. Ang motibo ng mga scalpers ay makakuha ng maliit na profit pero madami, so, kung pagsasama-samahin mo nga naman yung mga maliliit na profit ay magiging malaki din ito. By the way, ang scalping ay hindi advisable sa mga newbies, kasi dito kailangan mabilis ang desisyon, at kailangang well knowledgeable ka sa technical analysis. Pero marami naring mga beginners ang nagsisimula as a scalpers dahil matigas ang kanilang mga ulo. HIndi rin naman natin sila masisisi dahil they got the mindset of get rich quick scheme. Subalit dito naman sila nagkakamali, dahil alam naman ng karamihan na it takes time bago ka maging profitable na traders.

sa panahon ngaun, lalo na sa cryptocurrency ay pwede naman talaga maging scalpers ang mga beginners, mas mapapabilis nga ang experienced na makukuha nila sa scalping time na magagawa nila. But they have to pay higher price na magagawa nila, pero uulitin ko kailang well verse ka sa Technical Analysis. Ngayon, kung wala kapang alam sa Technical analysis at pinasok mo ang Scalping ay hindi trader ang tawag sayo kundi YOU ARE A CERTIFIED GAMBLER.

Importante din na malaman nyo ang Basic Investing Strategy, Kaya isinama ko narin ito dito, sapagkat karamihan na mga successful traders may mga investment din dyan na mga nakatago at ang pinakacommon na strategy sa Investing ay ang Diversification.

DIVERSIFICATION ito alam na alam ng lahat sa atin dito yung kasabihan na " Don't Keep your Eggs in one basket " meaning kung magiinvest daw tayo sa isang bagay ay dapat ikalat o ilagay mo hindi lang sa isang account o assets.
Quote
Ang idea ng Diversification ay idiversify ang pera mo sa iba't-ibang assets hindi lang sa isang assets lamang, sa madaling salita ay nakakalat ang investment natin dapat.

Sa cryptocurrency industry ang idea ay the same lang din, pipili tayo ng mga coins na sa tingin natin ay malakas ang Fundamental na maaring lumipad ang price in the future at hahati-hatiin mo ito. Dahil it could be a combination of Large Cap, Mid-Cap o Low Cap coins.

Large Cap
- ito yung may mataas na marketcap katulad ng Bitcoin at Ethereum.
- mas mababa rin yung risk dito dahil proven ang tested narin sila overtime.
- kaya dito mas magandang maglaan ng mas malaking percentage ng investment.

Mid-Cap
- ito naman yung marketcap ay naglalaro naman sa 1bilyon to 10bilyons tignan nio nalang kung aling coins ang nasa ganitong marketcap value sa cmc.
- Obviously mas risky ito kumpara sa Large cap.


Low-Cap
- ito naman yung high risk high rewards naman na kung saan anything below 1bilyon dollars na market cap, pero mataas ang chance na maging zero ang value ng coins.
- Mas malaki ang growth opportunity dito, kaya ito yung tinatawag ng iba na moonshot coins. Pero marami ding mga scam na coins dito, kaya be very careful sa pagpili ng coins
  sa category na ito.


BUY&HOLD common strategy naman ito ng mga investors, at ang isa sa popular na kilala sa paggamit ng strategy na ito ay si Warren Buffet kilala bilang " The Greatest Investor of all TIME ".
Napakaimple lang ng strategy ng taong ito, bibili lang siya ng undervalued na stocks tapos ihold na nya ito ng 10years or more bago nya ito ibenta. Dito sa cryptocurrency uso din naman ang holdings at very profitable pa nga when it comes to holdings at best example for this ay ang Bitcoin. dahil ang value ni bitcoin before nung 2010 ay halos sentimos lamang, biruin mo kung nakabili manlang tayo kahit 100 pesos lang nung mga panahon na ito at naihold natin ng 16years yung 100 pesos napayaman na tayo sana ngayon diba?

ref: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5588596.msg66946645#msg66946645

██▀ ██▀ ██▀ ██▀   🅲   C  o  n  t  e  s  t  H  u  n  t  e  r  s  .  c  o  m   ▀██ ▀██ ▀██ ▀██
P r e d i c t .   C o m p e t e .   W i n
██▄ ██▄     🔎 CONTESTS   |   🏆 TOURNAMENTS   |   🎰 CASINO REVIEWS     ▄██ ▄██
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!