Re: Dapat Yakapin ng Pilipinas ang Crypto
May dalawang problema kaya hindi natin magawa na mapataas ang bilang ng mga kabayan natin na pumasok sa crypto.
1. Pera
2. Knowledge
Yung knowledge, pwedeng gawin yan ng government natin. Pwede silang mag-educate sa mga kababayan natin. Ang problema naman is hindi ito natutukan at mas natutukan pa ang ibang mga problema. Yung isa pa nga jan eh hindi na maintindihan yung mga sinasabi sa sobrang bangag.

Kidding aside, pagdating naman sa pera, alam naman natin na maraming kababayan natin ang minimum wage earner lang at dahil dun, sapat lang ang sahod nila para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at wala silang naitatabing pera para sa pag-invest sa crypto. Karamihan nga wala pang savings or emergency funds eh, ano pa kaya sa pang-invest.
Kahit anong gawin ng gobyerno natin kung wala ding pang-invest ang mga kababayan natin, wala ding silbi para sa akin. Kung titignan natin, yung mga nasa itaas or mga hindi minimum wage earners ang may oportunidad na mag-invest sa crypto dahil may naitatabi sila. Yung mga iba eh wala.