Sa dami ng problema ng bansa hindi na talaga ito mabibigyan ng pansin dahil lalo na ngayon nakikita nila ito na threat sa mga nangyayaring katiwalian or nakawan sa gobyerno, pagnapasok ang crypto or blockchain every records andun lahat madali makikita saan napunta ang pera, ang pinakamaganda nito magantay sa bagong administrasyun at magdasal na pro crypto sila mahirap kasi ngayon lalo na nakita ninyo naman ang kalagayan, kaya sa tingin ko hindi sa ngayon maaring sa sunod na admin.
Saka ang laki ng ginagastos ng bansa sa mga hearing sa senado at kongreso. Sa halip na ipokus ang oras nila sa pag-aaral sa mga batas na ikauunlad ng ating bansay ay pinopukusan nila ang trabaho na hindi naman talaga sa kanila kung hindi sa hudikatura. Isipin mo kada hearing gumagastos ang gobyerno ng 24-25 milyon pesos at kung high profile pa ang iheheraring nila ay mas malaki pa dito ang ginagastos nila. Kung pinapasok na lang sana nila investment specifically Bitcoin investment ang mga extra milyon na expenses na ginagastos nila sa mga pagdinig ng mga hearings na hindi naman nagkakaroon ng resulta, malaki na sana ang naipon ng Pilipinas na Bitcoin fund.
Yan din kabayan ang lumalabas sa feed ko ngayon dito sa facebook, sabi 24million daw ang ginagastos per day sa kada hearing so kahit anong mangyare isa lang talaga ang matatalo dito tayong mga mamamayang Pilipino ang matatalo may makulong man o may makatakas jan sa mga hearing nila laging tayo pa rin ang kawawa. Kung titignan kahit wag na siguro magkaroon ng mga hearing dahil wala rin naman nangyayare tapos talo pa tayo sa gastos diba, masokey pa siguro itulong nalang yung 24million kasya mapunta jan sa hearing tulad nalang nung flood control projects wala naman nakulong dun sa mga binanggit ang nakulong lang naman yung mga mahihirap, mga middle class na walang pera na nasangkot talaga sa flood control pero dun sa mga master mind wala nakatakas pa yung ibang nabanggit.
Masmaganda at dapat talaga yakapin ng bansa naten ang Bitcoin pero parang malabo pa sa ngayon sobrang laki ng matutulong ng teknolohiya pa lang ng Bitcoin sa bansa naten pero ang nangyayare na tatakeadvantage pa para pagkakitaan nanaman ang mga kababayan naten.