Bitcoin Forum
July 18, 2026, 01:11:08 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Ang Banta ng Quantum Computers sa Bitcoin  (Read 45 times)
coinrifft (OP)
Full Member
***
Offline

Activity: 266
Merit: 212


Rainbet


View Profile
July 16, 2026, 10:22:48 AM
Last edit: Today at 08:58:02 AM by coinrifft
Merited by cryptoaddictchie (1), tech30338 (1)
 #1

Ang Banta ng Quantum Computers sa Bitcoin

Image generated by AI




Talaan





1. Panimula

Parang wala akong nakitang diskusyon dito sa local board natin, pero sa global eh marami na kaya siguro kahit tayong mga pinoy at maganda na ring talakayin ang paskang ito. Hindi naman ako experto sa paksang ito, kaya maganda talaga na mag share tayo ng kuro-kuro natin at malaman ang magandang gawin.

Siguro simulan ko na ang batayan: Magiging sapat ba ang lakas o kakayahan ng quantum computing o magiging ligtas ba ang Bitcoin laban dito? Bagama't seryoso ang usaping ito, mahalagang maunawaan na ang panganib ay hindi pa agarang kinakaharap ng Bitcoin. Gayunpaman, patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ang mga posibleng epekto nito upang maging handa sa hinaharap.




2. Ano ang Quantum Computer?

Ang quantum computer ay isang bagong uri ng computer na gumagamit ng qubits sa halip na tradisyunal na bits. Dahil dito, kaya nitong magsagawa ng ilang uri ng kalkulasyon nang mas mabilis kaysa sa mga karaniwang computer na ginagamit natin. Kaya hindi lang basta basta 0 at 1 sa tradisyunal na computer ngunit 0, 1, o kahit anong kombinasyon ng dalawa nang sabay-sabay. Ganyan kalakas ang Quantum computer.

Isa sa mga algorithm na nagbibigay ng pangamba ay ang Shor's Algorithm, dahil kapag ito ang ginamit ng Quantum computers, kaya nitong basagin ang ilang cryptographic algorithm gaya ng ECDSA (Elliptic Curve Digital Signature Algorithm) na ginagamit ng Bitcoin sa pagpapatunay ng mga digital signature.




3. Paano Nito Maaaring Maapektuhan ang Bitcoin?

Hindi mismo ang Bitcoin o Blockchain ang maaapektuhan ng quantum computer kundi ang banta ay nasa cryptography na ginagamit upang protektahan ang mga private key.

Kapag naging sapat ang kakayahan ng isang quantum computer na sinabi ng Google na sa taong 2032 na handa na ito, at pwede nitong subukang kalkulahin ang private key mula sa isang public key. Kapag nagtagumpay ito, maaaring magawa ng isang umaatake na ilipat ang bitcoin ng may-ari nang walang pahintulot.

Mas mataas ang panganib sa mga address na naipakita na ang kanilang public key, tulad ng mga address na nakapagpadala na ng bitcoin. Samantala, ang mga bitcoin na nasa mga address na hindi pa nagagamit ay nananatiling mas ligtas dahil hindi pa nailalantad ang kanilang public key.




4. Totoo na Bang Nanganganib ang Bitcoin?

Sa ngayon ay wala, wala pang umiiral na quantum computer na may sapat na lakas upang basagin ang cryptography ng Bitcoin sa praktikal na paraan. Ngunit katulad ng ni link ko sa taas ang mga experto sa Google ay nagasasabi na palapit na ng palapit ang banta.




5. Mga Solusyong Pinag-aaralan ng Bitcoin Community

Hindi naman inuupuan ito ng Bitcoin community at Bitcoin devs. Patuloy ang pananaliksik tungkol sa post-quantum cryptography, mga cryptographic algorithm na idinisenyo upang manatiling ligtas kahit laban sa quantum computers. At alam naman natin ang mayroon silang consenus at may kakayahan mag-upgrade sa pamamagitan ng mga Bitcoin Improvement Proposals (BIPs). Siguro mas magandang matalakay din natin ito sa isang pang paksa.

At tanging payo na natatanggap natin ay iwasang muling gamitin ang parehong Bitcoin address upang mabawasan ang exposure ng kanilang public key.




6. Konklusyon

Ang quantum computing ay isang teknolohiyang may malaking potensyal na makaapekto sa maraming larangan, kabilang ang cybersecurity at cryptocurrencies. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay nananatiling teoretikal ang banta nito sa Bitcoin. Ngunit sa matakot tayo, siguro mas magandang maunawaan natin sa ngayon ang banta sa Bitcoin. Inisip ko rin na kapag nandiyan na ang banta baka nakapag upgrade na tayo sa bagong cryptographic key.

At sa susunod, tingan naman nating ang mga proposal, or yung BIP na patungkol dito.




7. Mga Sanggunian


SatsPH
Member
**
Offline

Activity: 110
Merit: 68

For JM


View Profile
July 17, 2026, 09:54:52 AM
 #2

Eto ang sinabi ni Satoshi tungkol dito,

SHA-256 is very strong.  It's not like the incremental step from MD5 to SHA1.  It can last several decades unless there's some massive breakthrough attack.

If SHA-256 became completely broken, I think we could come to some agreement about what the honest block chain was before the trouble started, lock that in and continue from there with a new hash function.

If the hash breakdown came gradually, we could transition to a new hash in an orderly way.  The software would be programmed to start using a new hash after a certain block number.  Everyone would have to upgrade by that time.  The software could save the new hash of all the old blocks to make sure a different block with the same old hash can't be used.

So sa pagkakaintindi ko, pag nasira ang SHA-256 sa kahit anong mang pamamagitan katulad ng quantum computers. Mag transition ang community sa bago. Parang madali lang sabihan sa ngayon pero mukhang malaki ang dadaan natin dito sa tingin ko.
Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline

Activity: 2296
Merit: 463


Track any Bitcoin address, No Logs


View Profile
July 17, 2026, 06:36:43 PM
 #3

Naalala ko noon may napanood ako na video di ko na maalala kung sa youtube or facebook ko siya napanood, na maypatong daw or reward sa makakahack sa Bitcoin something like that I think nasa million something dollars and reward, na up until now wala pa rin nakakagawa nun kapag na crack daw nila ang Bitcoin, not sure kung paano nagwowork yun or kung possible ba yun.

Pero similar din siguro dito dahil kapag kapag nangyare ito ibig sabihin parang wala na rin sense dahil makukuha na ang Bitcoin naten kahit na nakatago or tayo lang ang may alam ng seed phrase or key naten, so ibig sabihin at risk talaga palagi ang Bitcoin dahil at any moment possible may mangyare and kapag nacrack ito syempre bagsak ang presyo at malaki ang magiging epekto nito sa Bitcoin, kaya mahirap talaga na maginvest lalo na kung ganito ang sitwasyon, huwag talaga basta bagsak lang ng bagsak dahil possible pa rin na matalo ka kahit na sa Bitcoin kana naginvest hindi sa mga meme token, dahil ang pinakabasis lang talaga ng presyo is supply and demand so kapag walang demand bagsak ang presyo.

tech30338
Sr. Member
****
Offline

Activity: 1190
Merit: 298


Instant Crypto Withdrawals


View Profile WWW
Today at 06:38:37 AM
 #4

Ang Banta ng Quantum Computers sa Bitcoin

Image generated by AI




Talaan





1. Panimula

Parang wala akong nakitang diskusyon dito sa local board natin, pero sa global eh marami na kaya siguro kahit tayong mga pinoy at maganda na ring talakayin ang paskang ito. Hindi naman ako experto sa paksang ito, kaya maganda talaga na mag share tayo ng kuro-kuro natin at malaman ang magandang gawin.

Siguro simulan ko na ang batayan: Magiging sapat ba ang lakas o kakayahan ng quantumm computing o magiging ligtas ba ang Bitcoin laban dito? Bagama't seryoso ang usaping ito, mahalagang maunawaan na ang panganib ay hindi pa agarang kinakaharap ng Bitcoin. Gayunpaman, patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ang mga posibleng epekto nito upang maging handa sa hinaharap.




2. Ano ang Quantum Computer?

Ang quantum computer ay isang bagong uri ng computer na gumagamit ng qubits sa halip na tradisyunal na bits. Dahil dito, kaya nitong magsagawa ng ilang uri ng kalkulasyon nang mas mabilis kaysa sa mga karaniwang computer na ginagamit natin. Kaya hindi lang basta basta 0 at 1 sa tradisyunal na computer ngunit 0, 1, o kahit anong kombinasyon ng dalawa nang sabay-sabay. Ganyan kalakas ang Quantum computer.

Isa sa mga algorithm na nagbibigay ng pangamba ay ang Shor's Algorithm, dahil kapag ito ang ginamit ng Quantum computers, kaya nitong basagin ang ilang cryptographic algorithm gaya ng ECDSA (Elliptic Curve Digital Signature Algorithm) na ginagamit ng Bitcoin sa pagpapatunay ng mga digital signature.




3. Paano Nito Maaaring Maapektuhan ang Bitcoin?

Hindi mismo ang Bitcoin o Blockchain ang maaapektuhan ng quantum computer kundi ang banta ay nasa cryptography na ginagamit upang protektahan ang mga private key.

Kapag naging sapat ang kakayahan ng isang quantum computer na sinabi ng Google na sa taong 2032 na handa na ito, at pwede nitong subukang kalkulahin ang private key mula sa isang public key. Kapag nagtagumpay ito, maaaring magawa ng isang umaatake na ilipat ang bitcoin ng may-ari nang walang pahintulot.

Mas mataas ang panganib sa mga address na naipakita na ang kanilang public key, tulad ng mga address na nakapagpadala na ng bitcoin. Samantala, ang mga bitcoin na nasa mga address na hindi pa nagagamit ay nananatiling mas ligtas dahil hindi pa nailalantad ang kanilang public key.




4. Totoo na Bang Nanganganib ang Bitcoin?

Sa ngayon ay wala, wala pang umiiral na quantum computer na may sapat na lakas upang basagin ang cryptography ng Bitcoin sa praktikal na paraan. Ngunit katulad ng ni link ko sa taas ang mga experto sa Google ay nagasasabi na palapit na ng palapit ang banta.




5. Mga Solusyong Pinag-aaralan ng Bitcoin Community

Hindi naman inuupuan ito ng Bitcoin community at Bitcoin devs. Patuloy ang pananaliksik tungkol sa post-quantum cryptography, mga cryptographic algorithm na idinisenyo upang manatiling ligtas kahit laban sa quantum computers. At alam naman natin ang mayroon silang consenus at may kakayahan mag-upgrade sa pamamagitan ng mga Bitcoin Improvement Proposals (BIPs). Siguro mas magandang matalakay din natin ito sa isang pang paksa.

At tanging payo na natatanggap natin ay iwasang muling gamitin ang parehong Bitcoin address upang mabawasan ang exposure ng kanilang public key.




6. Konklusyon

Ang quantum computing ay isang teknolohiyang may malaking potensyal na makaapekto sa maraming larangan, kabilang ang cybersecurity at cryptocurrencies. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay nananatiling teoretikal ang banta nito sa Bitcoin. Ngunit sa matakot tayo, siguro mas magandang maunawaan natin sa ngayon ang banta sa Bitcoin. Inisip ko rin na kapag nandiyan na ang banta baka nakapag upgrade na tayo sa bagong cryptographic key.

At sa susunod, tingan naman nating ang mga proposal, or yung BIP na patungkol dito.




7. Mga Sanggunian

Meron akong nabasa tungkol dito sa quantum computer kung saan maari nitong mabreak ang security ng bitcoin at sinsabi nga na ito ay isang banta, subalit, ang katotohanan ay masyado pang malayo, currently sa mga nabasa ko ilang quantum bits palang ang okay at hindi pa sapat para mabreak ito, kasalukuyan daw na meron pang mga error sa qubits nila na tinatawag at hindi pa ito lahat okay kasi may meron pa nga issue, siguro aabutin pa ng matagal ito pero kung sakali nga na maperfect na ito, dun na siya isang threat.

 
██████████████████████████████████████████████▀█████████████████████████████
██████████▀█████████████████████████████████████▀███████████████████████████
██████████▄█████████████████████████████████████████████████████████████████
███████████████████████████████████████████████████████████████████████████
███████████████████████████████████████████████████████████████████████████
█████████████████████████████▄█████████▀▀████████████████████████████████
████████████████████████████████▀████████████████████████████▄██████████████
██████████████████████████████▀█████████▄███▀██████████████▄███████████████
███████████████████████████████████████████████████████████████████████████
█████████████████████████████████████████████████████████████████████████
█████████████████████████████████████████████████▄▄█████████████████████████
███████████████████████████████████████████████████▀▀███████████████████████
.
█▀▀▀▀









█▄▄▄▄
.
.
▀▀▀▀█









▄▄▄▄█
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!