Ang Banta ng Quantum Computers sa Bitcoin
Image generated by AI
Talaan
1. PanimulaParang wala akong nakitang diskusyon dito sa local board natin, pero sa global eh marami na kaya siguro kahit tayong mga pinoy at maganda na ring talakayin ang paskang ito. Hindi naman ako experto sa paksang ito, kaya maganda talaga na mag share tayo ng kuro-kuro natin at malaman ang magandang gawin.
Siguro simulan ko na ang batayan: Magiging sapat ba ang lakas o kakayahan ng
quantum computing o magiging ligtas ba ang Bitcoin laban dito? Bagama't seryoso ang usaping ito, mahalagang maunawaan na ang panganib ay hindi pa agarang kinakaharap ng Bitcoin. Gayunpaman, patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ang mga posibleng epekto nito upang maging handa sa hinaharap.
2. Ano ang Quantum Computer?Ang quantum computer ay isang bagong uri ng computer na gumagamit ng
qubits sa halip na tradisyunal na bits. Dahil dito, kaya nitong magsagawa ng ilang uri ng kalkulasyon nang mas mabilis kaysa sa mga karaniwang computer na ginagamit natin. Kaya hindi lang basta basta 0 at 1 sa tradisyunal na computer ngunit 0, 1, o kahit anong kombinasyon ng dalawa nang sabay-sabay. Ganyan kalakas ang Quantum computer.
Isa sa mga algorithm na nagbibigay ng pangamba ay ang
Shor's Algorithm, dahil kapag ito ang ginamit ng Quantum computers, kaya nitong basagin ang ilang cryptographic algorithm gaya ng
ECDSA (Elliptic Curve Digital Signature Algorithm) na ginagamit ng Bitcoin sa pagpapatunay ng mga digital signature.
3. Paano Nito Maaaring Maapektuhan ang Bitcoin?Hindi mismo ang Bitcoin o Blockchain ang maaapektuhan ng quantum computer kundi ang banta ay nasa
cryptography na ginagamit upang protektahan ang mga private key.
Kapag naging sapat ang kakayahan ng isang quantum computer na sinabi ng Google na sa taong
2032 na handa na ito, at pwede nitong subukang kalkulahin ang private key mula sa isang public key. Kapag nagtagumpay ito, maaaring magawa ng isang umaatake na ilipat ang bitcoin ng may-ari nang walang pahintulot.
Mas mataas ang panganib sa mga address na
naipakita na ang kanilang public key, tulad ng mga address na nakapagpadala na ng bitcoin. Samantala, ang mga bitcoin na nasa mga address na hindi pa nagagamit ay nananatiling mas ligtas dahil hindi pa nailalantad ang kanilang public key.
4. Totoo na Bang Nanganganib ang Bitcoin?Sa ngayon ay wala,
wala pang umiiral na quantum computer na may sapat na lakas upang basagin ang cryptography ng Bitcoin sa praktikal na paraan. Ngunit katulad ng ni link ko sa taas ang mga experto sa Google ay nagasasabi na palapit na ng palapit ang banta.
5. Mga Solusyong Pinag-aaralan ng Bitcoin CommunityHindi naman inuupuan ito ng Bitcoin community at Bitcoin devs. Patuloy ang pananaliksik tungkol sa
post-quantum cryptography, mga cryptographic algorithm na idinisenyo upang manatiling ligtas kahit laban sa quantum computers. At alam naman natin ang mayroon silang consenus at may kakayahan mag-upgrade sa pamamagitan ng mga
Bitcoin Improvement Proposals (BIPs). Siguro mas magandang matalakay din natin ito sa isang pang paksa.
At tanging payo na natatanggap natin ay iwasang muling gamitin ang parehong Bitcoin address upang mabawasan ang exposure ng kanilang public key.
6. KonklusyonAng quantum computing ay isang teknolohiyang may malaking potensyal na makaapekto sa maraming larangan, kabilang ang cybersecurity at cryptocurrencies. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay nananatiling
teoretikal ang banta nito sa Bitcoin. Ngunit sa matakot tayo, siguro mas magandang maunawaan natin sa ngayon ang banta sa Bitcoin. Inisip ko rin na kapag nandiyan na ang banta baka nakapag upgrade na tayo sa bagong cryptographic key.
At sa susunod, tingan naman nating ang mga proposal, or yung BIP na patungkol dito.
7. Mga Sanggunian