Bitcoin Forum
July 27, 2026, 11:02:59 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: 99 Dice Rolls: Isang Bitcoin Address: Paano Ito Posible?  (Read 107 times)
SatsPH (OP)
Member
**
Offline

Activity: 115
Merit: 75

For JM


View Profile
July 22, 2026, 01:05:18 AM
Last edit: July 22, 2026, 04:07:59 AM by SatsPH
Merited by SFR10 (1), julerz12 (1), cryptoaddictchie (1), fullfitlarry (1), coinrifft (1)
 #1



Merong nakakalat ng dice sa amin, hindi ko alam kung sino ang bumili. Pero may pumasok na ideya sa akin na gamitin ito para makagawa ng isang Bitcoin address. Ang math sa likod ay ganito. Kailangan natin ng 99 na roll ng dice dahil:

Code:
99 × log₂(6)
≈ 255.9 bits

Ito ay halos katumbas ng 256-bit private key ng Bitcoin. At sabihin natin nag roll ka ng dice at ito ang kinalabasan

Code:
4 2 6 1 5 3 2 6 4 4
1 5 2 3 6 5 2 1 1 4
6 2 3 4 6 1 5 3 2 6
4 1 5 2 3 1 2 6 4 5
1 4 3 2 6 1 5 5 2 4
6 3 1 2 5 4 6 2 1 3
4 5 2 6 1 4 3 5 2 1
6 4 2 3 5 1 6 2 4 5
3 1 2 6 4 5 1 3 2

At kung pinagsama mo sila:

Code:
4261532644152365211462346153264152312645143261552463125462134526143516245312645132

Tapos a pumunta ako dito: https://emn178.github.io/online-tools/sha256.html at pinasok ko yang pinagsamang numero; at lang lumabas ay:

Code:
511ea41752a0e8a3c1c2f4ae689d53dbb6205e9185384f0a9ac2116fae8ac91e

Pwede ka ring gumamit o gumawa ng sarili mong command katulad sa Phyton:

Code:
import hashlib

text = "4261532644152365211462346153264152312645143261552463125462134526143516245312645132"

hash_value = hashlib.sha256(text.encode()).hexdigest()

print(hash_value)

Tapos ang sunod na ginawa ko ay ang pinakamadali, punta ka sa https://www.bitaddress.org. Pero dapat off-line ka at hindi naka konekta sa internet.

Punta ka sa wallet details, ilagay mo ang na generate kanina:

I-click ang View Details:



Ayan na ang iyong Bitcoin address, at private key.

Para i-check,


1. create new wallet sa Electrum
2. Import Bitcoin addresses or private key
3. at ilagay mo ang private key na makikita nyo

Hindi ako makapag screenshot sa Electrum, parang wala na siguro to at inalis na nila ang features na yun for security.


Edit:



Paalala lang, hindi ako eksperto, nag-aaral lang din ako as I go along the way. At ang Bitcoin address na nandito ay isang halimbawa lamang at wag gagamitin.

Pwede rin gamitin ang ganito kung gusto nyo naman ang Binary, pag nag roll ka ng 1 or 2 or 3, gawin mo itong 0. At kapat 4 or 5 or 6 naman ang resulta gawin mo itong 1. Naiisip ko rin ang baraha, isang deck na may 52 cards. Alam ko pwede mo rin gamitin ito para makapag produce ng entrophy.

Yun lang po, sana may matutunan kayo at kung gusto nyo at pwede rin kayong sumubok.  Smiley

Masarap din paminsan minsan ang pag-aralan ang nasa likod ng Bitcoin address, private key o kaya public key.
SFR10
Legendary
*
Offline

Activity: 3794
Merit: 4133



View Profile WWW
July 22, 2026, 11:04:18 AM
Merited by cryptoaddictchie (1)
 #2

Hindi ako makapag screenshot sa Electrum, parang wala na siguro to at inalis na nila ang features na yun for security.
Hindi pa nawawala ang feature na ito, pero tulad ng nasabi mo, tinanggal nila ito for security reasons [by default]: Tools > Preferences > Misc > Uncheck the prevent screenshot option.


███████████████████████████
███████▄████████████▄██████
████████▄████████▄████████
███▀█████▀▄███▄▀█████▀███
█████▀█▀▄██▀▀▀██▄▀█▀█████
███████▄███████████▄███████
███████████████████████████
███████▀███████████▀███████
████▄██▄▀██▄▄▄██▀▄██▄████
████▄████▄▀███▀▄████▄████
██▄███▀▀█▀██████▀█▀███▄███
██▀█▀████████████████▀█▀███
███████████████████████████
.
.Duelbits PREDICT..
█████████████████████████
█████████████████████████
███████████▀▀░░░░▀▀██████
██████████░░▄████▄░░████
█████████░░████████░░████
█████████░░████████░░████
█████████▄▀██████▀▄████
████████▀▀░░░▀▀▀▀░░▄█████
██████▀░░░░██▄▄▄▄████████
████▀░░░░▄███████████████
█████▄▄█████████████████
█████████████████████████
█████████████████████████
.
.WHERE EVERYTHING IS A MARKET..
█████
██
██







██
██
██████
Will Bitcoin hit $200,000
before January 1st 2027?

    No @1.15         Yes @6.00    
█████
██
██







██
██
██████

  CHECK MORE > 
fullfitlarry
Sr. Member
****
Offline

Activity: 434
Merit: 332


You Attract What You Are


View Profile
July 23, 2026, 08:04:10 AM
 #3

Ayos to ah, ngayon ko lang nalaman na pwede pala ang dice. Ang alam ko lang dati eh yung toss coin o coin flip. Tapos ganun din i-convert sa hex.

Siguro marami pa talagang paraan para makabuo ng 256 bits na private key. At tama, mahirap maintindihan ang konsepto ng private key pero ang sarap aralin para at least may alam naman tayong konti sa background ng Bitcoin.

Antayin naman namin yung sinasabi mo sa baraha at parang mas kumplikado yata to sa nakikita ko.

Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline

Activity: 2310
Merit: 463


Track any Bitcoin address, No Logs


View Profile
July 24, 2026, 11:20:23 PM
 #4

Hindi ko magets and pinakaconcept so ibig sabihin ba neto pwede kang makagawa ang sarili mong Bitcoin address?

Parang ibig sabihin pwede ikaw mismo ang maggenerate ng sarili mong address na ikaw mismo ang nagbigay ng strings na numbers gamit and dice? Ganun ba siya nagwowork. Naiintindihan ko pero anong magiging benefit kung tama ang pagkakaintindi ko.

Grabe sobrang komplicado talaga ng technology kahit na minsan iniintindi mo may mga technical talaga na mahirap maintindihan sa technology ng crypto.

coinrifft
Full Member
***
Offline

Activity: 280
Merit: 216


Rainbet


View Profile
July 25, 2026, 07:53:42 AM
 #5

Hindi naman sa puna, parang ang nakikita ko lang ay kung ang terms of random or randomness. Ang nakikita ko kasi ay baka magkaroon ka ng muscle memory sa pagbato? Unless na talagang iba't iba estilo ang gagawin mo sa paghagis para makuha ang resulta.

Naiisip ko kasi yung mga naglalaro ng hinahagis ang pera, yung sugal din, kaya nilang palabasin ang gusto nila dahil may memory na yung kanilang kamay kung paano ito ihahagis at makuha ang gusto nilang resulta.

Pero overall, maganda nga talagang mag-aral tayo, katulad ng pagbabasa at ang praktikal na application.

SatsPH (OP)
Member
**
Offline

Activity: 115
Merit: 75

For JM


View Profile
July 26, 2026, 11:47:58 AM
 #6


    Parang nabasa nyo yata ang nasa isip ko, dahil sabay ko ring sinisilip yang iancoleman na yan at itong dice roll na to.

    Antayin naman namin yung sinasabi mo sa baraha at parang mas kumplikado yata to sa nakikita ko.

    Pinag aaral ko pa tong tungkol sa deck of cards dahil tama kayo at mas kumplikado nga.

    Hindi ko magets and pinakaconcept so ibig sabihin ba neto pwede kang makagawa ang sarili mong Bitcoin address?

    Tama.

    Parang ibig sabihin pwede ikaw mismo ang maggenerate ng sarili mong address na ikaw mismo ang nagbigay ng strings na numbers gamit and dice? Ganun ba siya nagwowork. Naiintindihan ko pero anong magiging benefit kung tama ang pagkakaintindi ko.

    Isang advantage eh ikaw mismo ang gagawa ng address mo at hindi ka aasa sa mga wallet software, although gumamit ako dito para ma-verify. Ang kung nagawa mo ang private key mo ng offline, so iwas ito sa malware.

    Pero siyempre ang lahat naman at dapat maintindihan parin ang safety at pag protekta ng ating private key, at wallet.

    Hindi naman sa puna, parang ang nakikita ko lang ay kung ang terms of random or randomness. Ang nakikita ko kasi ay baka magkaroon ka ng muscle memory sa pagbato? Unless na talagang iba't iba estilo ang gagawin mo sa paghagis para makuha ang resulta.

    Naintindihan ko, pero para sa kin wala ka rin namang pattern na magagawa kung iibahin mo ang style ng paghagis mo. Perong i-shake mo muna to tapos hagis, o pagkuha o paghawak mo ng dice at ihagis mo agad. O kung marami kang time wag mong gawin ng isang upuan lamang. Pwede mong hatiin sila ng 33 na beses. Parang paraan parin para makuha mo ang entrophy at randomness nito para walang pattern na mabuo.
    fighter2627
    Member
    **
    Offline

    Activity: 168
    Merit: 69


    View Profile
    July 26, 2026, 01:52:54 PM
     #7

    Honestly hindi ko rin magets yung punto mo sa paksang ito, hindi lang ako sigurado kung ang nais mong iparating op na sa halimbawang ginamit mo na dice ay pwede rin ba tayong makalikha ng sarili nating address na tayo mismo yung gagawa na hindi manggagaling sa paggenerate gamit ang electrum, inuulit ko hindi ako sigurado kung tama ba itong pagkakaintindi ko, parang combinasyon ng numero mula 1 to 10 tapos ishuffle ito ng maraming beses parang ganito yung nais mong ipahiwatig dito, tama ba ako op?

    ██▀ ██▀ ██▀ ██▀   🅲   C  o  n  t  e  s  t  H  u  n  t  e  r  s  .  c  o  m   ▀██ ▀██ ▀██ ▀██
    P r e d i c t .   C o m p e t e .   W i n
    ██▄ ██▄     🔎 CONTESTS   |   🏆 TOURNAMENTS   |   🎰 CASINO REVIEWS     ▄██ ▄██
    Pages: [1]
      Print  
     
    Jump to:  

    Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!