| | Bitcoin To Monero Gamit ang Atomic Swap
|
WALANG CUSTODIAN, WALANG KYC, WALANG ACCOUNT. Ang ZETO ay isang web interface para sa BTC → XMR atomic swaps, gamit ang swap protocol ng eigenwallet (dating UnstoppableSwap). Sa pamamagitan ng isang liquidity maker, ikaw ay direct ng nakikipagpalitan ng Bitcoin at Monero. Sa bawat hakbang na gagawin, may paraan para makumpleto ang swap o mabawi ang Bitcoin mo kung hindi ito matuloy.
Quote — Nakikipag-ugnayan ka sa isang maker para humingi ng presyo gamit ang libp2p.
Setup — Ang magkabilang panig ay nagge-generate ng kani-kanilang key share at paunang sina-sign ang mga Bitcoin transaction para sa cancel, refund, at punish bago pa man mailipat ang anumang pondo.
BTC lock — Ang Bitcoin mo ay naka-lock sa isang 2-of-2 output na nangangailangan ng pirma galing sa magkabilang panig.
XMR lock — Ila-lock ng maker ang Monero sa isang address na nabuo mula sa parehong key share, pagkatapos ay ipapadala sayo ang proof of transfer.
Redeem — Ikaw ay mgbibigay ng encrypted na signature. Kapag ginamit na ito ng maker para makuha ang iyong Bitcoin, malalabas ang kanyang Monero key share. Gagamitin naman ang key share na ito para mailipat sa iyo ang naka-lock na XMR.
Safety — Kung ma-delay o biglang tumigil ang proseso, may mga timelock na nagbibigay-daan para ma-cancel ang swap at mabawi ang iyong Bitcoin.
Ang Setup ang nagsisilbing foundation ng seguridad ng buong proseso. Gumagamit ito ng adaptor signatures sa secp256k1 na ikinokonekta sa mga ed25519 Monero key share sa pamamagitan ng cross-group DLEQ proof.
BROWSER ARCHITECTURE
Kailangan ng protocol ng Bitcoin wallet, Monero wallet, at libp2p node. Ang browser mo mismo ang nagpapatakbo ng interface at may kontrol sa isang daemon (zetod) na may kasamang audited eigenwallet Rust crates. Kailangan ang daemon dahil totoong swaps ang ginagawa ng ZETO—walang simulated mode na maaaring mapagkamalang totoong swap.
Sa pamamagitan ng daemon na ito, nalo-locate ang mga maker sa libp2p rendezvous, kaya nakikita mo ang parehong book na ginagamit ng desktop app—kabilang ang mga
TOR maker na hindi direktang makakonekta ang browser nang mag-isa.
YOUR KEYS NEVER LEAVE YOUR BROWSER
Ang Bitcoin wallet mo ay nasa browser lang na ito at naka-encrypt gamit ang password mo. Ang lock transaction ay
binubuo at sina-sign mismo sa browser. Ang signed result lang ang natatanggap ng daemon, at hindi ang iyong keys.
May dalawang security check para manatiling safe ang iyong keys kahit ang daemon ay shared infrastructure. Sina-sign lang ng browser ang transaction na eksaktong ginawa nito, at may checking din na nagaganap para masiguro na ang change address ay ang mismong address na ibinigay mo noong sinimulan ang swap. Ang address na 'yon din ang gagamitin ng protocol bilang destination ng bawat refund path. Kung ang alinman sa mga ito ay hindi magkapareho, walang isi-sign ang browser.
IF ZETO DISAPPEARS MID-SWAP
Gumagamit ang atomic swaps ng mga timelock, kaya magiging problema kung biglang mawala ang coordinator sa maling oras. Sa bawat hakbang, maaari mong i-download ang lahat ng kailangan mo para tapusin ang proseso nang hindi umaasa sa amin—isang plain text file na maaaring i-broadcast mula sa anumang node, kahit sa telepono.
Bitcoin refund kit. Mula sa pag-lock ng Bitcoin hanggang sa pag-redeem nito ng maker, maaari mong i-save ang dalawang transaction na naka-sign na, isang cancel at isang refund, ito ang magbabalik ng coins mo sa sarili mong address nang walang pakikipagtulungan mula sa kahit na sino.
Ang cancel ay maaaring i-broadcast 24 blocks pagkatapos makumpirma ang lock, at mayroon ka pang 144 blocks bago pwedeng makuha ng maker ang coins. Lahat ng output ay mapupunta sa iyo, kaya walang pakinabang ang file sa sinumang magnakaw nito.
Monero redeem kit. Kapag na-redeem na ng maker ang Bitcoin, ipo-post ng ZETO ang Monero transaction na magbabayad sa iyo at patuloy itong susubukang i-broadcast hanggang makumpirma. Normally, wala ka nang kailangang gawin.
Pwede mo pa rin na i-save ang transaction at ikaw mismo ang mag-broadcast nito sa anumang Monero node. Naka-fix na ang mga output nito sa oras na ito ay sina-sign.
FEES
May
0.7% coordinator fee ang ZETO para sa infrastructure nito. Hindi ito custody fee; ito ay isang output ng final Monero redeem transaction—ang protocol-native receive pool na ginagamit ng eigenwallet para sa sarili nitong developer tip. Ang network fees at maker's spread ay napupunta sa mga miner at maker, hindi sa ZETO.
Ayaw mo bang magbayad ng coordinator fee? Pwede mong gamitin directly ang eigenwallet desktop app: parehong protocol, parehong makers, at walang coordinator fee. Ang ZETO ay ginawa para sa mga mas gustong gumamit ng browser..
May mga katanongan ka, o may swap na kailangan ng tulong?
zeto.cash@proton.meClearnet:
https://zeto.cashTerms:
https://zeto.cash/terms