---
Ang ganda ng timing lalo na papalapit na ang Pasko
Ngayon bumalik around $79k pero more than 20% pa rin ang increase in just over a week, grabe di ba.
---
Pero syempre after ng ganitong kalaking increase in just a few days, possible din magkaroon muna ng correction. Marami rin siguro ang mag take profit lalo na yung mga nakabili sa lower price.
Sa tingin niyo mga boss, beginning na ba ito ng another strong Bitcoin rally, or temporary pump lang at babalik ulit tayo sa bear market?
Sasagutin ko itong question mo kabayan base sa history.
On average, tumatagal ang bear market ng isang taon more or less pero yan ang average niya. Kung sasabihin natin na nag start itong Bear market noong October 2025, magtatapos ito ng October 2026 so in short, nasa bear market pa rin tayo hanggang ngayon kahit nag-pump si Bitcoin at ang buong crypto market. Of course, pwede pa rin tayong makakita ng kakaiba at malay mo, ito na nga ang start ng sunod-sunod na paggawa ni Bitcoin ng mga bagong higher highs.

Gaya ng sinabi mo, magkakaroon ng correction si Bitcoin sa mga susunod na araw, tapos gagalaw ito ng pa-sideways tapos makikita natin kung makukuha ba ulit ng bears ang momentum or ipagpapatuloy ng mga bulls na ipush ang price ng Bitcoin papunta sa mga bagong short-term highs. Nakapag-take profit na ako at sa totoo lang, mejo napaaga pero wala na sa akin un. Ang importante ay nag profit ako at mas okay na yun kaysa loss ang ending.

Para sa akin, temporary pump lang ito at posible pa rin tayong bumalik sa below $70,000. Hindi pa tapos ang bear market kaya posible pa rin tayong makakita ng downward momentum.