Sa tingin niyo mga boss, beginning na ba ito ng another strong Bitcoin rally, or temporary pump lang at babalik ulit tayo sa bear market?
Pangit naman kung sasabihin natin na fake pump lang ito. Matagal na rin tayong nasa baba after ng ATH, kaya baka oras na ulit ng Bitcoin para mag-shine.
Hindi pa rin natin maiaalis ang posibilidad na fake pump ito, pero sa tingin ko malaking possibility na recovery phase ito ng Bitcoin, although malayo pa ang totoong bull run. Maaari nating ikonsidera itong mini bull run and then possible magkaroon ng konting retracement bago magkaroon ng movement na sideways.
Kung magtuloy-tuloy itong bullish run, feeling ko possible ang $100k bago matapos ang taon. Sabi mo nga, more than 20% in just one week, sobrang laki na nun. Kung magtuloy ang trend, who knows, baka ma-surpass pa natin ang ATH this year.
Kung matuloy-tuloy ito, i can't imagine kung gaano kalaki ang Bitcoin price explosion pagdating ng halving at actual Bull Run. Siguro mahit din ng Bitcoin ang $200k+ ngayong cycle.
Pero syempre unpredictable pa rin ang Bitcoin, kaya stay bullish pero huwag masyadong kampante.
Agree ako, ito rin ang reason ng pagkakaroon ko ng reserve opinion tungkol sa price break out ng Bitcoin. Sa history kasi maraming pagkakataon na ipinapahiya ng Bitcoin market ang mga speculation ng mga analyst.