Hindi na rin ito bago, may mga old Bitcoin wallets na dati nang biglang “nabuhay” at nag-transfer pagkatapos ng maraming taon.
Sa case na ito, yung mga wallet ay halos walang movement since around 2011 to 2014, so safe to say na possible early investors talaga ang may hawak nito. Ang tanong ngayon, ano ba talaga ang ibig sabihin kapag ganitong old wallets ay biglang gumalaw? Kailangan ba agad mag-panic dahil possible sell-off, or baka simpleng transfer lang to another wallet for better security or custody?
Para sa akin, hindi naman dapat automatic natin isipin na every time may old wallet na gumalaw, magbebenta agad yung owner. Nakikita lang natin na may movement sa blockchain, pero hindi ibig sabihin na selling na agad.
Bitcoin wallets untouched for 10 years moved $40 million worth of coins