Hindi ba masyado na tayong nagiging mahigpit na parang wala na sa lugar, kung ang layunin nila ay pigilan ang online gambling bakit hindi nila ito eblock kung may nakakalusot man dapat nilang tignan bakit nakakalusot, kulang sila sa funding or kulang sa taong dapat nakapwesto para dito, isang organisasyun na magfocus para pigilan ito.
Allegedly daw ginagamit ang mga establishment para sa gambling as backdoor, meaning hindi pa sila sure, para sa mga normal na establishment parang hassle ito, hindi ba dapat sila gumawa ng paraan para mapigil ang gambling, at saka may mga license naman na gambling ganun din, parang sinabi mo lang kumuha ka ng license okay kana, dapat nila sigurong ayusin ito, kasi maaring mali ang kanilang tingin may inosente na nagtransfer madaling araw, or halimbawa gabi emergency pala naflag nila as gambling papanu if importante ang transfer na iyon, kung talagang seryoso ang gobyerno dapat talaga maginvest sila matagal na itong issue, tapal tapal lang ginagawa nila.
Anung masasabi mo sa hakbang na ito okay lang ba sa iyo?
Link ng balita:
https://bitpinas.com/fintech/bsp-tighter-qrph-e-wallet-rules/